L U C A Alas otso nang umaga nang magising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pakiramdam ko nga ay iyon ang pinaka-sapat na tulog ko dahil tuloy-tuloy at mahaba. Sa buong linggo kong pagpupuyat, kagabi lang ulit ako nakaranas na matulog nang tama at normal. Maganda ang gising ko ngayong araw. Ito na ang ika-limang umaga ko rito sa resort. Dalawang araw na lamang ay matatapos na ang bakasyon. Bukas ay babalik na ulit ako sa syudad para asikasuhin ang pagpasok ko sa ika-apat na taon sa kolehiyo. Na-proseso ko na ang aking pag-e enroll sa unang semester at bago ako magtungo rito, the school registrar already processed and gave me my registration form. Kaya hindi gaanong ka-hassle ang lahat 'pag alis ko rito. Basically, ito ang huling araw ko rito. Huling araw at gabi na mahihiga ako

