Chapter 20

2168 Words
L U C A "Palagi kang nababanggit sa akin ni Zig." Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa sa narinig mula kay Gael o hindi. Trenta minutos na ang nakalilipas magmula noong pumasok kami rito sa loob ng Drunkin' Doorman's bar. Gano'n katagal na rin ang lumilipas mula noong umorder ako ng dalawang bucket ng beer dahil pakiramdam ko ay makakarami ako ngayon. Zig is in the bathroom kaya heto ako ngayon, kausap si Gael at pilit na humahanap ng mga salitang pwede kong isagot sa mga katanungan nito sa akin. Honestly, this feels awkward. Lalo pa't hindi naman ako pumunta rito para makipagkwentuhan. I'm here because I wanted to get drink and get drunk. "Talaga? Tiyak akong puro mga kalokohan ko lamang ang mga binabanggit niya sa iyo," pilit akong tumawa at ininom ang pang-apat na bote ko na ng beer. "Wala rin namang worth-sharing na bagay tungkol sa akin, so I won't blame him kung puro gano'n ang nalalaman mo mula sa kanya." Pahabol ko pa at natawa na lamang si Gael bago umiling. "Most of his stories about you are all about you being a stubborn best friend, I'll be honest about that." Tatawa-tawa nitong sagot habang hawak ang pangalawa niyang beer. "But he also talked about how good of a best friend you are to him..." nagulat ako sa narinig. Gusto kong matawa dahil sa sinabi ni Gael. "Zig really told you that? Unbelievable." Pilit akong tumawa dahil hindi ako makapaniwalang sasabihin iyon ni Zig sa kanya. "I don't really think I'm a good best friend to him..." uminom ako ng beer bago ngitian si Gael. Iyon naman talaga ang totoo. Hindi naman talaga ako naging mabuting kaibigan kay Zig magmula noon pa lang. Eh, paano? Tama naman siya noong sinabi niyang palagi niya akong nililigtas sa mga kalokohan ko, eh. He was saving my ass all these years. Wala naman akong naidulot na kahit anong kabutihan sa kanya. Isa pa, I hurt him. Hindi ko lubos maisip na naging mabuti akong kaibigan sa kanya. I was a self-centered person. Ni-hindi ko nga siya man lang tinanong noon kung okay lang ba siya o kung gusto kong marinig ang mga kwento niya dahil noon, puro nalang ako. Gusto ko na ako lang 'yong sentro ng lahat. "Sa palagay ko, mabuti kang kaibigan..." that statement of Gael stopped me from swallowing the beer inside my mouth. "Kasi kung hindi 'yon totoo, hindi sasabihin ni Zig kung paano ka niya nakikita at hindi ka niya magiging best friend." Ngumiti ito. Itinuloy ko ang naudlot na paglunok. "To be fair, he is a good best friend too." Tumingin ako kay Gael bago lumagok ng inom sa bote na hawal ko. "Napaka-selfless niyang tao. Matulungin siya at mapagpahalaga sa mga taong nasa paligid niya. Higit sa lahat, siya 'yong tipo ng kaibigan na pakikinggan at susuportahan ka." Napangiti si Gael sa narinig mula sa akin. Iyon naman kasi talaga ang totoo. Gano'n ko nakikita si Zig noon pa man. Hindi ko man palaging nasasabi sa kanya pero lubos kong pinapahalagahan ang pagiging best friend niya sa akin. "You are so lucky to have him as your boyfriend..." isang pilit na ngiti ang aking ipinakita kay Gael. "I know..." Gael smiled at me. "And I'm very thankful for that." Nginitian ko na lamang siya matapos siyang magsalita. Pareho kaming lumagok ng inom sa mga bote ng beer na hawak namin. Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang inggit na nararamdaman ko sa mga oras na ito kay Gael. Kasi siya he has a boyfriend at si Zig iyon. Ang best friend kong pakiramdam ko ay nawala sa akin pagkatapos kong habulin si Rex sa Buwan City. Ang best friend na palagi kong kasama noon ngunit ngayon, ni-isang minuto ay parang ang hirap para sa kanyang ibigay. Lahat ng oras niya kasi ngayon ay nasa iisang tao na lamang at si Gael iyon. "What am I missing here?" bumalik si Zig mula sa banyo at umupo sa tabi ni Gael. Inakbayan niya ito bago lumagok ng inom sa kaisa-isang beer na iniinom niya. "Luca and I were just chatting." Nakangiting sagot ni Gael sa kanya. Nang tingnan ako ni Zig, mapait na ngiti lamang ang ipinakita ko rito bago umiwas at laklakin ang beer. "Just don't drink too much, okay?" paalala ni Zig sa nobyo. Tumango ito sa kanya nang nakangiti at binigyan ni Zig ito ng isang halik sa noo. Napaiwas na lamang ako ng tingin sa dalawa. Hindi ko akalain na mararamdaman ko ito ngayon rito. Parang hindi ako makahinga at naninikip ang dibdib ko nang makita si Zig sa paraang ganito. Parang dati lamang ay ako ang pinaaalalahanan niyang huwag uminom nang marami ngunit ngayon, iba na. Si Gael na ang sentro ng kanyang pag-aalala at hindi na ako. Nakakaramdam ako ng kakaibang bagay na hindi ko matukoy. Nasa pagitan iyon ng inggit at selos, pati ng inis at lungkot. Marahil ay labis lamang akong nasasaktan dahil sa break up namin ni Rex ngayong gabi kaya ako nagkakaganito. Hindi ko sinabi sa kanilang dalawa ang dahilan ng pag-iinom ko dahil bakit pa? Alam ko namang wala silang pakealam roon. Lalo na si Zig. Baka tawanan lamang niya ako kapag nalaman niya na naghiwalay na kaming dalawa ni Rex. "Where's Rex?" gusto kong ibuga ang laman ng bibig ko nang bigla akong tanungin ni Zig tungkol sa ngayon ay ex-boyfriend ko na. "Bakit hindi mo siya kasama ngayon?" Hindi ako agad nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Kung magsasabi ba ako ng totoo o hindi. Pakiramdam ko ay nalagay ako sa mainit na upuan ngayon. "Nasa kanila..." umiwas ako ng tingin sa kanya at uminom na lamang ng kabubukas ko lang na bote ng beer. "Hindi naman sa lahat ng oras ay dapat kasama ko siya..." dagdag ko pa rito. Napangisi si Rex na pansin ko kahit hindi ako nakatingin. "That's new to hear. Parang kailan lang noong gustong-gusto mong lagi siyang kasama," napatingin ako sa kanya. Napailing ito at ininom ang beer niya. "Nag-away ba kayo?" he asked. "Wait, kaya ka ba nag-iinon ngayon, Luca?" pagsabat ni Gael sa usapan. Saglit ko silang hindi sinagot. Uminom muna ako at nag-isip ng sasabihin. Hinding-hindi ko sasabihin sa kanila ang totoong rason kung bakit gusto kong mag-inom. Nagpanggap akong natatawa. "Hindi. Ano ba kayo? Hilig ko lang talagang uminom kaya nagdesisyon akong pumunta rito." Pagsisinungaling ko. Nang tingnan ko si Zig ay nanliliit ang mga mata nito na parang hindi siya kumbinsido. "Bakit hindi na lang tayo uminom pa? Nakakalima na ako, oh. Inom pa tayo! Ikaw, Zig? Hanggang ngayon ba, isang bote lang ang kaya mo? Talo ka pa ni Gael, nakakadalawa na." Kantyaw ko rito at nilagok ang boteng hawak ko. "I can't drink a lot. Ihahatid ko pa si Gael pauwi sa kanila." Mariin niyang sagot. Napangisi ako dahil sa narinig. "Babe, it won't hurt kung padadalawahan mo 'yang boteng hawak mo. It'll be fine." Gael told him. He's convincing him to drink more. Napailing na lamang ako. "No." Sagot ni Zig sa kanya. "Gusto kong masiguro na hindi ako lasing kapag lumabas tayo ng bar. I'll be driving you home, so I need to stay sober." Ang sabi pa nito. Natawa ako dahil sa narinig. Hindi ko nga namalayan na napansin pala iyon ng dalawa. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Marahil ay dahil sa kalasingan na rin. Pakiramdam ko kasi ay mula kanina, unti-unti nang tumatalab ang alak sa katawan ko. Pati utak ko ngayo'y nakakaramdam na ng pagkahilo. "You guys are the sweetest!" pasigaw kong kantyaw sa dalawa at itinaas ang beer ko sa ere. "Dahil d'yan, iinom pa tayo! Yuhoo!" Nilagok ko iyong bote ng beer na hawak ko hanggang sa maubos ko ito. Hindi ko ramdam ang pait at lasa no'n kahit wala pa sa kalahati ang bawas nito. Nang maubos ko 'yon, mas naramdaman ko ang hilo at pag-ikot ng paligid sa buong bar. Ni-hindi na ako makatitig sa iisang bagay o tao nang diretso na hindi ito gumagalaw sa paningin ko. Pinilit ko ang sarili kong maging okay. Pinilit kong labanan ang pagkahilo at pagkalasing para umakto na tila normal ang lahat...kahit sa loob ko ay hindi at gusto ko nang sumabog. Kumuha ako ng panibagong bote ng beer sa case, marahan ko iyong binuksan dahil ayokong mabasag ito dahil lamang sa nahihilo ako at hindi ko ito nakikita nang maayos. Ito na ang pang-anim kong beer ngayong gabi. "You know what, you're drunk. Tama na 'yan." That's what I've heard from Zig. Lasing na ako at nahihilo pero nakikita ko pa silang dalawa ni Gael nang malinaw. Malinaw sa paningin ko na nakaakbay siya rito at magkadikit ang kanilang mga katawan. Malinaw sa akin kung paano sila kumilos sa harap ko. "Uy, nagkaroon ng pake?" umakto akong natatawa na tila biro lamang ang sinabi ko kay Zig matapos niyang sabihin ang sinabi niya. "Parang kailan lang noong isang buwan kang missing in action, ah? Nakakagulat naman na malamang may pake ka pa rin pala sa akin, Zigmy best friend!" nilagok ko ang bote ng beer matapos sabihin iyon. Parehong natahimik ang dalawa sa narinig. Gael is staring at Zig, as if he's confused. "Luca..." "Fine, fine...I'll shut my mouth." Iyon ang isinagot ko kay Zig at umaktong isinasara ang zipper ng bibig ko. Halata sa mukha nito ang inis ngunit nginisian ko lamang siya. Ayoko ring gumawa ng eksena sa harap ni Gael kaya minabuti kong tumahimik na lamang habang umiinom. Habang nag-uusap ang dalawa, palihim ko silang pinagmamasdan. Iba ang ngitian nila sa isa't isa. Mukha silang masaya habang nagtititigan. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib habang nakikita silang ganito. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano 'yong mas masakit eh. Iyong nakipagbreak sa akin ngayong gabi si Rex o ang makita si Zig na masaya ngayon? Para akong dalawang beses binabaril ngayon. Sa harap at sa likuran. Sa magkaibang parte man tumatama ang mga bala, pareho lang ang epekto no'n sa akin at 'yon ay ang masaktan ako. Minahal ko naman talaga si Rex at totoo iyon. Kahit sabihin pang lagpas isang buwan lamang noong makilala namin ang isa't isa at noong maging kami, minahal ko siya. At nasasaktan ako ngayon dahil nakipaghiwalay siya sa akin at winakasan na ang lahat ng namamagitan sa aming dalawa. Ngunit hindi ko alam na may mas sasakit pa pala roon. "Inom pa tayo!" nilagok ko ang pang-anim na bote ng beer na binuksan ko. Tuloy-tuloy ito sa lalamunan ko at ang ibang laman ay tumapon na sa aking bibig pababa sa akin leeg. "Tama na, Luca!" naramdaman ko na lamang na inagaw na sa akin ni Zig ang boteng hawak ko. "You are so drunk and that's enough!" sa tono ng boses niya, alam kong galit ito. Kahit nahihilo, pinilit kong tingnan siya nang diretso at nginitian. "Give me that bottle, Zig..." pakiusap ko sa kanya. "Kung ayaw niyo nang uminom, iwan niyo na ako rito. You better drive Gael home safe, ah? Kung hindi kukutusan talaga kita!" pilit akong ngumiti habang inaabot ang bote mula sa kanya. Hindi niya ito ibinigay. "Babe, I think he needs you." Rinig kong sabi ni Gael. "Ihatid mo na siya pauwi." Tiningnan ko si Gael at nginitian ito. "Thanks for the concern pero kaya kong umuwi mag-isa." Tumayo ako at kinuha ang beer mula kay Zig. "Thank you for tonight." Paalam ko sa kanilang dalawa bago sumusuray na naglakad palabas sa pinto ng bar. Gusto ko lang makalayo mula roon sa loob dahil sa totoo lang, hindi ko na kaya. Hindi ko na kayang tiisin pa habang nakikita silang gano'n. Hindi ko na kayang tiisin na makita silang dalawa na masaya habang ako, heto! Malungkot. Miserable. Hindi ko na kayang makita pa si Gael dahil naiinggit lamang ako sa kanya at nagseselos. Hindi ko na kayang makita pa si Zig dahil nakakaramdam lamang ako sa kanya ng labis na pagtatampo at pagsisisi. Pagsisisi dahil hindi ko siya nakita noon. Pagsisisi dahil hindi ko nakita ang halaga niya noon. Pagsisisi dahil...dahil may mahal na siyang iba ngayon. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Pilit akong naglakad palayo sa Drunkin' Doorman. Binilisan ko ang lakad ko dahil ayokong sundan nila ako. Gusto kong makalayo dahil mas gugustuhin ko pang matumba sa kalasingan nang hindi nila nakikita kaysa ang makita nila akong umiiyak ngayon. Siniguro kong malayo na ako mula sa bar at nang makahanap ng lugar na mapagtataguan, sumandal ako sa pader at naupo habang hawak ang beer na dinala ko. Ininom ko iyon. Inubos ko ito. Hindi ko namalayan ang sarili kong mapapikit ngunit ilang segundo lamang ang lumipas nang makarinig ako ng mga yabag. "Luca!" napamulat ako ng mga mata nang marinig ang boses niya. "Ihahatid na kita pauwi! Halika!" Napangisi na lamang ako nang makita na sinundan pa rin ako ng lalakeng ito kahit malayo na ako mula roon sa bar. "Go away...Zig." -End of Chapter Twenty-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD