L U C A
"Hindi siya umuwi kagabi, eh. Pasensya na talaga, Luca."
Isang tipid at pilit na ngiti ang ibinigay sa akin ni Auntie Zara, ang mama ni Zig.
Narito kasi ako ngayon sa bahay nila upang makausap siya pero makailang balik na ako rito sa kanila ay palaging ganito ang sagot na nakukuha ko galing sa nanay niya.
Mula noong dumating ako rito galing sa Buwan City, hindi ko na nakausap pang muli si Zig.
He's literally avoiding me.
I even tried to call him countless of times pero he was always out of reach. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung paano pa siya makakausap.
"Sabihin niyo nalang po na dumaan ako rito," nginitian ko si Auntie at tinanguan lamang ako nito. "Mauna na po ako..."
Tumalikod na ako matapos magpaalam. Isinara na ni Auntie ang pinto. Natigilan ako at napalingon sa bintana ng kwarto ni Zig. Saglit ko 'yong tinitigan.
I know he's there.
Alam kong pinagtatakpan lang siya ni Auntie dahil nakikita ko 'yon sa mukha nito. Alam kong ayaw lang talaga niya akong makita at makausap kaya niya ginagawa ito.
Napailing nalang ako sa kawalan, tumalikod na at naglakad palayo.
Sukbit-sukbit ang bag ko, sumakay ako ng taxi at pumunta sa coffee shop na palagi naming tinatambayan ni Zig pagkatapos ng klase.
Umupo ako sa usual spot naming dalawa nang maka-order ako ng iced coffee.
Hindi ko mapigilang maramdaman ang pagod dahil sa maghapong klase. All my happy days are over dahil isang linggo na mula noong magsimula ang summer classes ko. It's definitely tiring. Pero mas nakakapagod pala 'yong habang nasa klase ka, hati ang utak mo sa iba't ibang bagay.
I always find myself staring at the window, spacing out and thinking about Zig. Madalas ko ring maisip si Rex. We were always texting during classes.
Mabuti na nga lamang at nandyan siya. Kahit papaano, may nakakausap ako ngayong wala si Zig para gawin 'yon.
I took a sip from my iced coffee.
Minamasdan ko ang unti-unting pagbukas ng mga streetlights sa labas. Kanina noong dumating ako rito sa coffee shop ay takipsilim na. Hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot.
Alam mo 'yong lungkot na dala ng gabi? Hindi ko maipaliwanag pero ramdam na ramdam ko 'yon. Hindi gaanong karami ang tao rito ngunit lahat sila ay may kasama sa kani-kanilang mga table. Hindi ko man lang napansin na ito ang kauna-unahang beses na pumunta at tumambay ako rito nang mag-isa...nang hindi kasama ang best friend kong si Zig.
It's been two weeks since I arrived back here in Bahaghari City. Dalawang linggo ngunit ni-isang beses ay hindi ko man lang siya nakita at hindi ko man lang siya nakausap. Magmula noong iwanan niya ako sa Buwan City at umuwing mag-isa, hindi na siya nagparamdam pa.
Ginawa ko na lahat. I even sent him emails. Kahit iyon nalang sana. Kahit doon na lamang siya magreply, kahit hindi mabilis. Kahit kinabukasan pa iyon ay hihintayin ko ngunit wala. Wala akong natanggap ni-isang letra mula sa kanya.
Akala ko sa summer classes ko ako lubos na makakaramdam ng stress, hindi pala. Mali pala ako.
Kay Zig pala at sa pag-iwas niya sa akin.
Sinipsip ko na lamang ang paper straw ng aking iced coffee habang pinakikinggan ang kantang kasalukuyang tumutugtog ngayon sa loob ng coffee shop ngunit parang pati iyon ay ipinaparamdam lalo sa akin ang lungkot at pag-iisa.
Kahit saan ako tumingin at kahit saan ako lumingon, kung hindi magjowa ay magkakaibigan ang mga nakikita ko.
Napailing na lamang ako at inubos ang kapeng iniinom ko.
Alas siete na at siguro ay kailangan ko lang ipahinga ito ngayong gabi. Konting pag-iisip pa tungkol kay Zig ay mababaliw na ako dahil sa lungkot at pagkamiss sa kanya.
Oo, namimiss ko na ang lalake na 'yon at naiinis ako sa kanya for doing this to me. Naiinis ako sa kanya dahil natitiis niya ako nang ganito, nang hindi ako nakikita at nakakausap. How could he do this to me?
Lumabas na ako mula sa coffee shop at nagpasyang maglakad-lakad muna bago pumunta sa sakayan ng taxi pauwi.
Sampung minuto lang and then, I'll go home.
Pinagmamasdan ko ang mga sasakyan sa kalsada, kung gaano kaingay ang mga ito. Ang mga taong galing sa trabaho na makikitaan mo ng pagod at kagustuhang magmadali upang makauwi agad. Ang mga nagtataasang gusali ng syudad, ang mga pamilihan, mga streetfood stall at mga vendor nito na kahit pagod na ay may lakas pa rin para magbenta at humarap sa maraming tao.
Hindi ko ito napapansin tuwing magkasama kaming dalawa ni Zig. Hindi ko napapansin na bukod sa akin, sa amin, may mga tao sa paligid na mapapansin mo ang bawat sinasabi ng kilos at ekspresyon ng kanilang mukha.
Paano ko nga ba mapapansin ang mga 'yon kung all those times, sarili ko lamang at ang mga walang katapusan kong kwento ang ibinubuka ng bibig ko tuwing magkasama kaming dalawa ni Zig at naglalakad.
Siguro ay iyon rin ang problema sa akin. Masyado akong makasarili at nagkulang ako sa pakikinig, sa pagpansin sa paligid ko o sa nararamdaman ng ibang tao.
That's why Zig felt that way.
Naramdaman niya na puro ako na lamang at ang mga kwento ko patungkol sa mga lalakeng nakakadate ko online, mga gusto at ayaw ko, mga bagay na gusto kong sabihin at lahat ng tungkol sa akin.
I was selfish.
Tuwing magkasama kaming dalawa habang binabaybay ang kalsada, sa kanya ako nakatingin pero bakit hindi ko man lang napansin? Bakit hindi ko napansin na iba na niya ako tingnan? Bakit hindi ko man lang nahalata na minamahal na niya pala ako ng patago? Bakit naging bulag ako? Bakit naging manhid ako sa nararamdaman niya?
He was right.
Tama rin ako sa sinabi ko noong gabing malasing siya at nang sinabi kong manhid at tanga ang taong minamahal niya...dahil ako 'yon.
Ako 'yong tanga at manhid na minamahal niya nang patago.
Napailing na lamang ako habang naglalakad patungo sa isang bench, sa loob ng plaza kung saan ako napadpad.
Hindi ko namalayan na dito na ako dinala ng mga paa ko. Mukhang sa haba ng mga iniisip ko at sa layo ng narating ng utak ko ay hindi ko na rin alam kung gaano na kalayo ang nilalakad ko.
Sa totoo lang, ang lungkot ko ngayong gabi. Iyong tipo ng lungkot na mawawala lang sa pamamagitan ng isang mahigpit na yakap? Iyong tipo ng lungkot na maiibsan lang kapag may tao akong nakausap at napagbalingan ng mga salitang gusto kong ilabas.
Namiss ko tuloy bigla si Rex.
Pati kasi siya ay tila hindi na rin nagparamdam ngayong araw. Magmula kaninang umaga ay hindi pa niya ako nire-replyan sa huling message ko sa kanya. Ayoko naman siyang tawagan dahil ayokong makaabala sa kanya kung sakaling may ginagawa siya. I wonder what he's doing right now?
Rex and I are kind of dating but I can't really say that it's official since he never asked me to be his boyfriend...gano'n rin ako sa kanya.
We met at Drunkin' Doorman a month ago.
Nagkaaminan na kaming dalawa at pareho naming alam na gusto namin ang isa't isa ngunit we never asked each other to be in a relationship.
Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko pa siya tanungin tungkol roon. Hindi ko rin alam kung bakit hindi niya ako tinatanong tungkol roon.
Pakiramdam ko nga kung magpapakita siya sa akin ngayon at tatanungin ako kung gusto ko bang maging opisyal na ang relasyon naming dalawa, sasagutin ko siya ng oo.
Gusto ko naman si Rex, eh. Gusto rin niya ako. Gusto namin ang isa't isa. Kaya kung mayroon mang relasyon na gusto kong pasukan, iyon ay ang saming dalawa.
Sa pagkakatulala ko habang nakaupo sa bench, biglang tumunog ang cellphone mula sa aking bulsa.
Kinuha ko agad ito mula roon at agad na sinagot nang makita ang pangalan ni Rex sa screen.
"Hello?"
Napangiti ako ngunit hindi ko maiwasang magtampo o makaramdam ng inis dahil maghapon siyang hindi sumagot sa mga text messages ko.
"Uy, mabuti naman at napatawag ka. Mabuti rin at naalala mo ako." Pabiro kong sabi rito.
"I'm sorry. I didn't respond and call you back because I wanted you to miss me..."
Napataas ang kilay ko nang marinig ko 'yon mula kay Rex.
"Well, effective ha?"
Narinig ko ang mahinang pagtawa nito mula sa kabilang linya. Hearing his voice made me feel better from the gloomy mood I was in earlier.
"Hindi ako nagparamdam buong araw dahil gusto kitang sorpresahin...." huminto siya saglit dahilan para mapaisip at maintriga ako. "I'm here in Bahaghari City. Let's meet, Luca."
Hindi ako nakapagsalita nang ilang segundo dahil naunang magreact ang aking emosyon dahil sa nalaman.
Walang paglagyan ang ngiti ko na pakiramdam ko ay umaabot sa magkabila kong tenga nang marinig mula kay Rex na nandito siya sa Bahaghari.
"Nandito ako sa plaza, malapit sa munisipyo! Meet me here!" sabik kong tugon sa kanya.
Matapos ang tawag niyang 'yon ay sinabihan niya akong maghintay lang ng ilang minuto sa kinaroroonan ko ngayon.
Hindi rin nagtagal ay dumating na si Rex. Tanaw ko ito sa malayo pa lamang. Kotse ang dala niya na napansin ko sa lugar kung saan siya galing. Naglalakad ito patungo sa direksyon ko, nakangiti habang may hawak ang dalawang paperbag sa magkabila nitong kamay.
Hindi ko maiwasan ang sarili ko na mapangiti at kiligin nang makita ko siyang papalapit.
I immediately hugged him the moment he came closer. Gano'n rin siya sa akin bago kami magpasyang maupo na sa bench. Ibinigay niya sa akin ang mga paperbag na dala niya. Mga pagkain at inumin ito.
"I missed you." Aniya habang nakangiti akong tinitingnan. Binalingan niya ang mga paperbag na pinagigitnaan naming dalawa. "Sigurado kasi akong gutom ka pagkatapos ng maghapon mong klase. Just to boost your energy up." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. He really thought about giving me food and cheering me up.
"Namiss rin kita nang sobra."
Tinitigan ko ito. It's been two weeks since we last saw each other. Namiss ko ang gwapo niyang mukha. Namiss ko ang amoy ng pabango niya. Namiss ko ang presensya niya. Namiss ko ang lahat sa kanya.
Nakasuot ito ng navy blue longsleeves na nakatupi hanggang siko nito. Naka-tucked in iyon sa suot niyang itim na pantalon. Gabi na at aamin ko, I kinda look like a wasted sh*t right now pero siya? Parang hindi man lang pinagpawisan.
"At namiss kong kurutin ang pisngi mo," pagkasabing-pagkasabi niya no'n ay kinurot niya ito.
Napatitig lang ako sa kanya habang nakangiti. Hindi ko maiwasang habang tumatagal ang pagtitig ko rito, lalo ko siyang nagugustuhan. I don't know. It's the way he look at me that made me fall for him even more.
Niyakap ko ito at hindi na nakapagpigil pa. Gusto kong maramdaman na hindi ako nag-iisa. That I have him right now. Gusto kong maiyak at sabihin sa kanya kung ano ang nararamdaman ko. Gusto kong pauwiin ang lahat ng lungkot sa loob ko sa pamamagitan ng yakap at pagdama sa presensya ni Rex ngayong gabi.
Hinaplos nito ang likod ko.
Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero hindi siya pumalag o kumalas sa pagkakayakap ko sa kanya. He hugged me back...so tight.
"Are you okay?" tanong nito at habang nakasubsob ang mukha sa kanyang dibdib, tumango ako. "Do you want to go home? I know, you're tired."
"No." Agad kong sagot sa kanya. "I want to stay here. Just right here with you." Hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap kay Rex.
He didn't move a single bit.
"Fine..." hinaplos nito ang buhok ko. "I'll be happy to be with you. Kung yayakapin mo ako palagi nang ganito, okay lang sa akin kahit hindi ka magsalita."
"Rex..."
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Hmm?"
"You know I like you, right?" I asked him.
"Yeah..." sagot niya. "And I know that you know, I like you too. I really do."
Nang sabihin niya ang mga salitang 'yon, kumalas na ako mula sa pagkakayakap ko sa kanya. Tiningnan siya sa kanyang mga mata. Nakangiti ito dahilan para mapangiti rin ako sa kanya.
"Then, let's be boyfriends."
Nagulat siya sa biglaan kong anunsyo ngunit hindi nagtagal ang bakas ng pagkabigla sa kanyang mukha dahil napalitan ito ng isang matamis na ngiti.
"I am now your boyfriend, Luca."
That made me smile.
Nagngitian kaming dalawa bago ako bumalik sa pagkakayakap sa kanya.
- End of Chapter Sixteen -