MIKAELLA "Stanley? Baby?" Napatingin kami sa gawing likuran namin. Napatingin ako sa isang babae na papalapit sa kinatatayuan namin. Halata sa kaniya na mayaman ito. Sa damit at sa mga alahas nya na nakadikit sa katawan nya ay alam ko na agad. Isa ba 'to sa mga babae ni Stanley? O babae ito ni Stanley? "Oh, God. I'm so very late. Thank God, nakahabol pa ako." sabi niya sabay halik sa pisngi ng asawa ko at niyakap pa. Nanlaki ang mga mata ko. Hello? Nandito ako. Parang estatwa naman itong si Stanley na nakatayo na parang hindi makapaniwala sa nakikita niya ngayon. "I thought sa susunod pa ang balik mo dito?" tanong ni Stanley sa kanya. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa. "Yeah, but your Lolo invited me here and I already did talk to our board about our new project, and g

