6

2256 Words
MIKAELLA "AY BUTIKING PALAKANG NAGSE-s*x!" Bigla kong naitulak si Stanley dahil sa sumigaw kaya naman napatingin kaming dalawa sa pinto. "S-shane.." Bulong ko. Ilang segundo rin kaming nagtitigan na tatlo hanggang sa mahimasmasan kami nang dumating na si Manong Mario. "Oh? Bakit ata parang nakakita kayo ng multo?" Tanong sa amin ni Manong Mario kaya natauhan kaming tatlo. "A-ah, wala po yon Manong Mario, may nakita po kasi kaming daga na nagse-s*x dito sa sala. Diba, Ella at Stan?" Napatingin ako kay Shane. "Ha? A-Ah Oo " nauutal kong sagot. Napatingin naman ako kay Stanley at tumango lang siya. "Nako, 'tong mga batang 'to, oh, huwwag niyo na 'yang pansinin yong daga dahil bukas na bukas maglalagay ako ng mouse trap sa mga bahay nila." Saka lumakad na si Manong Mario patungong kusina. "I'm going upstairs. I'm going to work." napatingin naman ako kay Stanley at tumango. Lalakad na rin sana ako sa taas pero pinigilan ako ni Shane. "Op op op. Asan punta niyo? Don't you ever walk out at me, guys? Explain to me, what are you doing two earlier?" Pigil niya samin ni Stanley kaya napatingin naman ako kay Stanley. "You know what to do.." Sabi ni Stanley saka lumakad pataas at iniwan ako. Alam ko na yung meaning ng sinabi niya sa akin. Sa one month pa lang na pinagsamahan namin marami na ang nangyare sa amin, na kapag nasa harap kami ng pamilya niya dapat umarte kaming sweet pero kapag wala na, don na lumalabas 'yong tunay niyang ugali. "Umupo ka muna." Sabi ko kay Shane saka bumuntong hininga at lumakad patungo sa couch. "So, explain?" Sabi niya nang makaupo siya. Bumuntong hininga ulit ako. Hindi ako marunong magsinungaling, kaya ko lang mag-arte. "Teka, ano yang dala mo?" Pag-iiba ko ng tanong. "Kare-kare yan. Dito sana ako maglu-lunch. So tell me now?" Excited na tanong niya. "Gagawa na ba kayo ng pamangkin ko?" Dagdag niya pero umiling lang ako. "Eh, ano yong ginagawa niyo kanina lang? Diba se-" bago pa niya tapusin tinakpan ko na agad yung baba niya ng kamay ko. Ang ingay talaga nito. "Ano ba!" Saka kinuha niya yung kamay ko. "Huwag ka kasing maingay." sabi ko saka umupo. "Ano na kasi? Promise, hindi ko sasabihin kay Mom and Lolo." May tiwala ako kay Shane, dahil limang taon na kaming magkaibigan bago ko pa makilala si Stanley, ang kambal niya. Never pa niyang naikwento na kapatid niya pala si Stanley kaya nong nakita kong parati silang magkasama sa school parang nagseselos ako. Feel ko parang ang sarili kong bestfriend tinraidor ako. Pero kasalanan ko naman dahil hindi ko sinabi sa kanya. Nong nakita niya kong umiiyak, tinanong niya kung anong nangyare sa akin kaya ayun hindi ko na mapigilan sinabi ko na sa kanya ang totoo, pero ang ganti niya lang sa akin isang malakas na tawa. At ayon, sinabi niya sa akin ang totoo na kambal pala sila ni Stanley, kaya naman napanatag ang loob ko. "Eh, ano kasi yong nakita mo. Wala yon. Isang pagkakamali lang yon na dapat nang kalimutan." nahihiya kong sabi. "Wag ka ngang ma-drama dyan, Ella. Sabihin mo na kasi? Pag hindi mo sinabi, tatawagan ko si Mom na pumunta dito. Sige ka?" Blackmail niya. Mahilig talagang mam-blackmail itong si Shane. Minsan ang sarap upakan at lagyan ng duct tape itong bibig niya para hindi na siya magsumbong pero kahit ganon siya, nasanay na ako sa kanya dahil parati niya nalang yan ginagawa sa akin at sa ibang tao. Pareho talaga sila ng kambal niya. "Wala nga yon. Nadala lang kami sa tukso-este nadala lang pala ako sa karisma niya siya naman kasi talagang yung nanunukso." sabi ko. "Ah, so bakit ka gumaganti ng halik sa kanya?" "Ha? H-hindi ko alam. Wag na nga nating pagusapan yan." "Bakit naman hindi? Normal lang naman yan sa magasawa na mag-ano sila no, kaya dapat masanay ka na. Masarap ba siya? Wild ba o hard?" Namula naman tuloy ako sa sinabi ni Shane. Kung alam mo lang ang nangyare. "Uy! Sumagot ka, Ella. Masarap ba? Wild? Hard? Ano?" Pangungulit niya sa akin. "A-ano-" "Stop it, Shane." Putol ni Stanley kaya napatingin naman ako sa kanya. Kakababa niya lang at naka-suit na siya. "Wag ka ngang mangealam dito, Stan. I should also know because I'm her bestfriend and you're just her husband. Duhhh." "Correction, Shane. You're just her bestfriend and I'm her husband." salita ni Stan. "Sweetie, can you please tie my necktie?" Napatingin naman ako kay Stanley at nakita kong hawak-hawak niya yong necktie. Tumayo ako at lumakad papunta sa harap niya at nilagay ng maayos ang necktie sa collar ng damit niya. "Maayos na.." Mahina kong sabi. "I'll be going, take care here." Sabi niya at agad akong hinalikan pero smack lang. "Sige..." Sagot ko. "Wow! Ang sweet naman. Kinakapitan na ako ng langgam sa paa." sinamaan ko nalang ng tingin si Shane. "Wala bang I love you at I love you too diyan?" Kinuutan ko naman ng noo si Shane. Pinapahiya talaga ako ng babaeng 'to. Napatingin naman ako kay Stanley na bumuntong hininga at bigla nalang akong hinalikan. "I love you.." Bulong niya. Para namang may dumaloy na kuryente sa loob ng katawan na parang gusto kong sumigaw sa tuwa kahit ngayon lang. "Wow! Ang sweet talaga. Ikaw naman magsabi ng I love you too sa kanya, Ella, tapos with matching passionate kiss pa, at ikaw Stanley tumugon ka." Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Tiningnan ko naman si Stanley at base sa mata niya dapat gawin ko. Napakagat labi nalang ako. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya at pinikit ang mata ko hanggang sa magka-dikit na ang labi naming dalawa. Tumugon naman siya agad nang hinalikan ko siya, nakakaadik talaga ang labi niya. Parang gusto ko naghahalikan nalang kami hanggang magabi. Hanggang sa humiwalay na ako ng labi. "I love you too.." Pabulong kong sabi. Sana malaman mo na mahal na mahal talaga kita at hindi ito arte. "Laters, Sweetie." bulong niya sa akin kaya napakagat labi ako. "Enough love birds, you can go now Stanley. Marami ka pang trabaho sa kompanya. Shooo!" umatras naman ako ng bahagya kay Stanley. "Take care of my wife. If you don't, you die." sabi ni Stanley saka umalis na. "Whatever, asshle." sagot ni Shane. Nang makalabas na si Stanley tiningnan naman ako ni Shane na nakanguso. "Bakit?" Tanong ko. "Hmm...I smell something fishy between you two." saka tumayo siya at lumapit sa akin. Napalunok naman ako, baka alam niya na ang tunay na sitwasyon namin ni Stanley. Wag naman sana. "A-ano?" Nauutal kong tanong. "Hmm.. Tell me honestly, with feelings nga Ella. Are you pregnant? Pag magsinungaling ka sakin hahampasin talaga kita ng heels ko. Sige ka!" pinagsasabi nitong babaeng to?. "H-ha? H-Hindi pa no, at wala pa kaming balak magka-anak ni Stanley." sagot ko. Sa totoo lang gusto ko nang magka-anak kami ni Stanley, baka kasi posibleng magbago ang relasyon naming dalawa. "Okay fine. Infairness ah, ang sweet niyo at bagay talaga kayo. Kailan pa ba kasi kayo magka-anak, alam mo naman excited na kami na makita ang Stanley Jr." Masayang sabi ni Shane. Kung alam mo lang Shane, hindi dali-dali gawin yang sinasabi mo dahil hindi mo alam ang sitwasyon namin. "Huwag mong isumbong kay Lolo yung nakita mo kanina ah, kundi lagot ka talaga, at hindi mo na mahahawakan ang pamangkin mo in future. Sige ka!" "Okay. I promise, hindi ko sasabihin basta kapag may namuo na diyan sa tiyan mong babaeng ka, sabihin mo sa akin ah." "Oo na. Teka, sa kusina tayo. Maghahanda ako ng pang-lunch natin." sabi ko saka pumunta na kaming dalawa sa kusina. Pumasok na kami sa kusina at naghanda na ng pagkain. "Alam mo, napansin ko sayo pumayat ka. Hindi ka ba pinapakain ng asawa mo dito o sinasaktan ka niya? Sabihin mo lang, uupakan ko yong mokong na kambal ko na yon." napahinto naman ako sa pagsubo saka tiningnan siya. Pumayat? Si Mang Mario kanina sinabihan niya rin ako tapos ngayon si Shane naman. Pumayat ba talaga ako?. Ayokong sabihin sa kanya na sinasaktan ako ni Stanley baka magkagulo lang lalo. "Huy! Ella! Tulala ka." natauhan naman ako kaya napatingin ako sa kanya. "Ha? Ano yon?" Tanong ko. "Tss. Bingi talaga nito. Ang sabi ko magpa-check up ka kaya baka kung ano nang sakit ang nasa loob mo." sagot niya. Wala akong pakealam sa mga sakit na yan, kaya ko tong tiisin. Ang importante mawala ang galit sa akin ni Stanley kung ano man yun para maging masaya kami. "Ah, sige. Sasabihan ko si Stanley pagdating niya diton" sabi ko skaa sumubo ng pagkain. Kumakain kami ngayon ni Shane ng dala niyang kare-kare. Pinadala ni Mama sa kanya dahil hindi daw siya makakapunta dahil nawalan ng malay si Lolo kanina. Sa totoo lang nahihiya talaga akong magrequest kay Stanley, katulad ngayon sinasabi nila na magpa-check up ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Stanley baka kasi magalit siya. Mabuti pa, hindi ko nalang sabihin sa kanya baka hindi niya rin naman ako papaniwalaan, baka sabihin pa niya naghahanap lang ako ng paraan para makawala sa kanya at makasama ko si Seth. Napatingin naman ako kay Shane dahil biglang tumunog yung phone niya. "Hello. Bakit po, Nurse? Ngayon na po? Sige po. Im on my way." saka hinang-up na niya at tumayo siya. "Bakit? Anong sabi?" Tanong ko. "Ako muna magbabantay kay Lolo sa hospital, kanina lang siya dinala. Sorry talaga, kung gusto mo pumunta ka nalang don at bisitahin mo si Lolo." Saka dali-dali niyang inayos ang mga gamit niya. "Alis na ko, Mag-ingat ka dito. Bye. " at hinalikan niya ko sa pisngi at dali-daling lumabas at naiwan na naman akong mag-isa. Parati naman talaga ito eh, parating ako nalang magisa naiiwan. Kailan pa ba ako hindi iiwan? Lahat nalang ng taong mahal ko iniiwan ako. Sana wag nilang kunin si Papa dahil siya nalang ang tanging pamilya ko dito sa Pilipinas. Meron akong Kuya, nasa France si Kuya Elon at isa siyang professional at well known na Fashion Designer sa Paris, France. Dalawa lang kaming magkapatid pero 10 years ago lumayas siya. Itinakwil siya ni Papa dahil nalaman nito na bakla siya at para kay Papa, wala itong kwenta, dahil gusto ni Papa na siya susunod sa yapak ni Papa para palaguin pa ang kompanya. Nabalitaan ko nalang na pumunta ng France si Kuya Elon at don niya pinatuloy ang gusto niya. Wala na rin kaming kommunikasyon ni Kuya, dahil ayaw ni Papa na kausapin ko siya at tungkol sa kondisyon niya dahil alam ni Papa na malaki ang kasalanan at pagkukulang rin niya kay Kuya. Mahirap mang patawarin pero kailangan dahil, nasa malubhang kondisyon na si Papa at kailangan niya ko sa tabi niya para lumaban. Niligpit ko na ang pinagkainan namin at nag-iwan narin ako ng kare-kare sa ref baka hanapin ni Stanley mamaya. Paborito niya kasi yan dahil si Mama ang gumawa niyan. Umakyat na ko sa taas at nagbihis. Simpleng bistida at doll shoes lang ang sinuot ko at binraid ko ang buhok ko at lumabas na. Pagbaba ko nasalubong ko si Mang Mario kakapasok lang. "Iha, asan ang punta mo?" Tanong ni Manong Mario. "Magpapa-check up po sana ako." Sagot ko. "Ganun ba? Gusto mo ihatid na kita?" "Sige po. Sa kay Dr. Diaz Clinic lang po tayo." sabi ko. Lumakad na kami palabas ni Manong saka nagdrive na kami papuntang clinic. Kilala ko si Dr. Diaz, dahil isa siya sa mga ninang ko at siya rin ang family doctor namin nina Papa. "Mabuti naman at naisipan mong magpa-check up, iha." "Sabi po kasi ni Shane, magpa-check up narin po ako dahil pumapayat daw ako" sabi ko. "Oh siya. Sige, hintayin nalang kita dito sa labas. Bilisan mo dahil baka maabutan naman tayo ni Stanley at saktan ka naman nun" tumango nalang ako saka lumabas na ng sasakyan at pumasok na sa loob ng clinic. - "Iha, kailangan ko pang i-examine ito lahat within 3 days after that pwedeng ka ng makabalik dito ulit. Always eat healthy foods, para matimbang kita ulit at kapag nag-improve yung weight mo within 3 days bibigyan kita ng Vitamin C dahil baka malnutrition lang yan. Okay?" "Sige po, Ninang. Thank you po. Uwi na po ako." saka hinalikan ko so Ninang sa pisngi at lumabas na at pumasok sa kotse. "Kamusta ang check-up mo?" Tanong agad ni Manong Mario pagpasok ko ng sasakyan. "Wala pa po ang resulta. Tatlong araw ko pa po bago malalaman " sagot ko. "Ah ganon ba. Sige alis na tayo, baka maabutan tayo ni Stanley sa bahay at baka saktan ka niya." tumango nalang ako saka pinaandar na ni Manong Mario ang kotse at umalis na kami. Nang makarating kami sa bahay, napanatag ang loob ko dahil wala pa ang sasakyan ni Stanley sa garahe. Bumaba na ako sa kotse at tumungo sa loob papunta sa kwarto ko, nagpalit na ako ng damit saka bumaba. Ilang oras rin ako sa clinic ni Ninang Rissa kanina, mga 3 oras ata at 5 PM na, umuuwi si Stanley mga 6-7 PM minsan 10 na siya umuuwi dahil sa maraming trabaho. Pagbaba ko naabutan ko si Stanley kakapasok lang at mukhang naka-inom ng alak. Magulo ang buhok at kusot na ang polo niya at-teka, may pasa siya. Nakipag-away ba siya? "Stanley.." Tawag ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin at lumakad papunta sa akin. "Anong nangyare sayo? Bakit ganyan ang mukha mo?" Nag-aalala kong tanong. "Where have you been?" Galit niya na tanong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD