MIKAELLA
Nagising ako ng maaga para ipaghanda si Stanley ng umagahan kahit mahapdi pa yung sugat ko.
Nagluto ako ng fried rice, hotdog, fried egg, toasted bread at kape at inihanda ko na yun sa ibabaw ng mesa.
Nakita ko namang bumaba siya at mukhang bagong ligo kaya hindi ko nlng yun pinansin at naglinis nlng.
"Nasa mesa na yung breakfast mo." sabi ko sa kanya habang nagwawalis.
Hindi niya ako pinansin at naglakad patungong mesa at umupo don at kumain.
"Fck! Do you want to kill me? Ang alat." sigaw niya sa akin
"Ha? Hndi naman ah. Masarap naman yung niluto ko." sagot ko
"Fck! Stop reasoning up and shut off your fckin' mouth sl*,t." sigaw niya sa akin saka umakyat sa taas.
Ilang minuto rin ay bumaba siya at nakasuot siya ng pang-office na damit niya.
"Asan ang punta mo?" Tanong ko sa kanya.
"You don't care, sl*t." sagot niya lang sa akin saka umalis ng bahay at pinaharurot ang sasakyan niya paalis.
Sanay naman akong tinatawag niya akong ganyan eh kahit hindi naman totoo, wala naman akong magagawa kung 'yan ang itatawag niya sa akin dahil 'yon ang nakikita niya sa akin pero sa ibang tao hindi.
Hndi ko alam kung bakit niya ako tinatawag na ganyan kahit hindi naman. Noong una kasi naming pagkikita nasa bar at waitress ako 'don dahil don ako nagtatrabaho kahit 600 lang yung gabi ko don bilang waitress, wala na kasi akong ibang trabahong matutuluyan kaya don na lang ako nagtrabaho.
Hindi alam ni Papa na nagtatrabaho ako kahit may pera naman kami ni kahit singko hindi ako humihingi sa kanya dahil alam ko namang hndi niya rin ako bibigyan. Hndi naging responsable sa akin si Papa pero ni kahit sampal o tadyak sa akin ni hndi niya ginawa yon sa akin, hndi niya ako sinasaktan pero alam 'kong sinusukmaan niya lang ako.
Biglang tumunog yung cellphone ko kaya dinukot ko 'yon at sinagot 'yong tumawag.
"Hello." sagot ko sa kabilang linya
"Ella labas naman tayo." Bunga sa akin sa kabilang linya. Alam ko na agad kung kaninong boses 'yon. Ang kaibigan kong parating nandyan sa akin.
Siya si Seth Alexander Villarosa. Siya ang kaibigan ko na parating nandyan sa tabi ko habang may problema ako at siya ang nagpapasaya sa akin. Alam ko namang may gusto siya sa akin dahil sinabi niya 'yon sa akin ng personalan pero alam niya naman 'yon na may iba akong mahal at naintindihan niya naman ako.
"Hindi ako pwede eh, maglilinis pa ako ng bahay." sagot ko
Narinig ko namang napabuntong hininga siya sa sinabi ko.
"Alam mo kung anong araw ngayon?" Tanong niya
"Uhmm.. Biyernes." sagot ko.
"Hindi eh."
"Eh, ano?" Tanong ko.
"Talaga bang nakalimutan mo na ang birthday ko."
Oo nga pala. Ngayon 'yong birthday niya kaya pala parang may nakalimutan ako ngayong araw.
"Sorry talaga Seth nalimutan ko eh, wala rin akong birthday gift sayo." malungkot kong sabi
"Okay lang no, kahit wala basta sunduin kita dyan 7 PM ah kahit 'yon lang 'yong birthday gift mo sa akin ang makasama ka ngayong birthday ko."
"O-okay, sige." sagot ko
"Talaga, sige Ella ah, aasahan ko yan susunduin kita dyan mamaya." sabi niya saka ibinaba.
Napabuntong hininga naman ako. Ni birthday man lang ni Seth wala akong maibibigay sa kanya pero kapag ako kahit hindi ko birthday may binibigay siya sa akin.
Kakababa ko lang at narinig ko namang may kumatok sa pinto kaya binuksan ko agad at lumuwa sa akin ang mukha ni Seth.
"Let's go?" tumango naman ako at sinundan siya papuntang kotse at umalis na kami.
Ilang minuto rin at dumating kami sa isang bar, ang inaakala ko ay pupunta kami ng restaurant o pupunta kami ni condo niya pero hndi pala.
"Ano ginagawa natin dito?" Tanong ko habang nasa loob pa rin kami ng sasakyan.
"We will celebrate here in the bar ng birthday ko." sagot niya saka kinuha ang seatbelt niya.
Napalunok naman ako. Baka kasi nandito rin si Stanley pati 'yong mga kasama niyang gang at makita ako at bubugbugin si Seth ulit.
Oo, nakakarami nang bugbog si Seth galing kay Stanley at sa mga gang niya pero hindi nila ito pinapatay dahil kaibigan ko siya at ang kulit naman nito ni Seth na kahit binugbog na nga siya, nagpapakita pa rin siya sa akin.
"Hey, relax don't be scared. Nandito naman ako. I'm your friend, right? Wag kang mag-aalala." Saka tinapik niya ako sa balikat napangiti naman ako sa kanya at tumango.
"Tara pasok na tayo." Taas noo 'kong sabi kahit sa kalooban ko natatakot ako.
Huminga naman ako ng malalim saka lumabas ng kotse at tumungo kami sa loob.
Ang bar na ito ay sikat rin dahil sa 5 buwang pagtatrabaho ko dito noong bilang waitress alam ko na ito at kung sino ang parating pumupunta dito.
Pumunta naman kami sa bar counter at umupo.
"2 shots of mojito, please." sabi ni Seth sa bartender.
"Na-miss ko tong lugar na pinagtatrabahuhan kon" out of the blue kong sabi saka ginala ang paningin ko.
"Yeah, I know. Napamahal naman na sayo ang lugar na 'to kahit limang buwan ka lang dito dahil ako lang naman ang parating customer mo." nakangiti niyang sagot.
"Loko ka talaga. Customer ka dyan, ang sabihin mo taga-bantay sakin." sabi ko
Parati kasi siya noon dito sa bar kapag gabi dahil 'yon ang shift ko at palagi siyang nakatutok ang mata sa akin. One time nga may nangbastos sa akin na isang customer kaya sinunggaban niya agad ito ng suntok sa mukha.
"Kahit na no. Customer pa rin ako dito dahil umiinom rin ako at dito ako parating tumatambay kapag shift mo na."
"Oo na po. Gets ko na 'yon. Happy birthday nga pala Seth, sorry kung wala akong regalo sayo"
"It's okay, peck on my cheeks would be better" sabi niya kaya napatingin naman ako sa kanya at nakita ko siyang nakangiting nakakaloko.
"Here's your order Sir" sabi nung bartender saka inabot samin yung inumin namin.
Uminom muna ako ng alak bago ako nakapagsalita.
"Stupido. Nagbibiro ka ba?"
"Im serious Ella. Peck on the cheeks would be okay for me kahit 'yon lang ang birthday gift mo sakin." seryosong sabi niya
"O-okay." nauutal kong sagot
Napalunok naman ako at dahan-dahan siyang hinalikan sa cheeks.
"Feel better." sabi niya matapos ko siyang halikan sa cheeks.
"Feel better ka diyan. Napaka-hambog mo rin minsan." biro ko at natawa.
"At least gwapo naman." dagdag niya kaya napatawa ako.
Uminom naman ako ng alak saka nag-order ulit.
"Seth, thank you pala sa lahat ng tulong na binigay mo sa akin, utang na loob ko talaga 'yon sayo. " sabi ko.
"It's okay, magkaibigan naman tayo eh, at dahil gusto rin kita."
"Seth, kasal na ako 'wag mo namang sanang masama-in 'yon." sabi ko
"Alam ko naman, eh, but kapag binitawan ka niya, I'm just here always right beside you na sasalo sayo." sabi niya
"Thank you talaga dahil nasa tabi kita parati kahit alam 'kong pagod ka na sa kaka-alaga sa akin at sa paggamot ng mga sugat ko." bigla namang pumatak ang luha ko sa sinabi ko kaya napayuko ako.
"Hey, don't cry. Sige ka, kapag pumangit ka hindi kita lilibrehin ngayong birthday ko." pagbibiro niya.
Itinango ko naman ang ulo ko at pinahidan ang luha ko at pilit na ngumiti sa kanya.
"Now better, maganda ka na." sabi pa niya.
Alam ni Seth na sinasaktan ako ni Stanley pero wala naman siyang magagawa don kaya siya nalang ang parating gumagamot sa mga sugat ko sa katawan.
Susugurin niya sana si Stanley nang malaman niyang sinasaktan ako pero inunahan ko na siya na 'wag niya 'yong ituloy dahil sa huli siya rin naman ang bubog sirado at hindi rin naman siya pakikinggan ni Stanley at wala pa ring magbabago don.
"Sorry kung wala akong naitulong sayo kay Stanley sa pagsasakit niya parati sayo. Ang bakla talaga ng lalaking 'yon ni pati babae sasaktan pa niya, ang dapat sa kanya bubugbugin hanggang sa ma-realize niya at madurog ang mukha niya." paghihumutok niya.
"Okay lang naman 'yon sa akin ang importante hindi ka niya pinatay ng kasamahan niya o di kaya siya, dahil kapag ginawa niya 'yon mawawalan na talaga ako ng respeto sa kanya."
"Eh bakit siya, may respeto ba sayo? Wala diba, kaya ang dapat sa kanya hindi rin ni-rerespeto. Pasalamat nga siya at parati kang nandyan sa kanya kahit sinasaktan ka niya. Dapat pala kailangan muna akong mamatay bago ka mawalan ng respeto sa kanya."
"Hndi naman sa ganon Seth, pero kaibigan kita, eh. Ikaw 'yong parating nandito sa tabi ko kahit may mga problema ako at ikaw 'yong nagpapasaya sa akin." sabi ko.
"I see. Binibiro lang naman kita. Ito tuloy nawala ang happiness natin, let's enjoy my birthday kahit tayo-tayo lang. Cheers!" saka kinuha niya yung iniinom niya.
Kinuha ko naman yung iniinom ko at tumagay sa kanya.
"Cheers!" sabi ko at uminom.
Nang maubos ko ang iniinom ko bigla akong nahilo kaya napa-kapit ako sa kanya at napayakap.
"Ella, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong.
"Let's stay this for a while, nahihilo kasi ako wala parang nagble-bleird yung paningin ko." sabi ko habang yakap-yakap siya.
Nahihilo talaga ako at nagduduling 'yong paningin ko, ewan ko kung ano.
Nang mawala na 'yong hilo ko, kumalas na ako sa kanya.
"Okay ka na ba?" Tanong niya.
"Yea-"
Hndi ko matapos ang sasabihin ko nang may humigit sa akin kaya napatayo ako at binugbog si Seth kaya napalumpasay siya sa sahig.
"FCK YOU! "