Aleya's POV Walang kibo si Enrique habang pauwi kami sa bahay nila gamit ang kotse ni Deo na hiniram ko. Nakasimangot lamang siya at madalas ay humuhugot ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil hindi naman siya nagsasalita. Tila naglaho ang pagiging playful nito. Pagkarating namin sa bahay nila ay tila wala pa rin siyang balak na kausapin ako. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Kahit madalas ay nakakainis siya kapag kinakausap ako ay mas gusto ko pa rin na nagsasalita siya kaysa ang ganito na sobrang tahimik niya. Nakakailang. Kaya pagkapasok namin sa loob ng bahay nila ay hindi ako nakatiis na huwag siyang kausapin. "Enrique, may problema ka ba? Kanina ka pa walang kibo?" pigil ko sa kanya nang akmang papasok na siya sa silid niya. Hinarap ak

