Aleya's Pov Kahit paano ay magaling na ang aking sugat sa aking tagiliran. Hindi na ito dudugo basta huwag lang maunat. Lihim ko na lamang nahiling na sana ay walang kalaban kaming makasagupa hangga't hindi pa tuluyang gumagaling ang aking sugat para walang sagabal sa pagliligtas ko kay Enrique. At sana mamaya ay wala rin kaming kalaban na maka-engkuwentro. Ngayong araw na kasi ang birthday ng ina ng binata at mayamaya lamang ay pupunta na kami sa bahay ng mga magulang niya. "Aleya? Ipinapatanong ni Sir Enrique kung ready ka na raw ba?" tanong ni Sonia na biglang sumilip sa aking silid na bahagyang nakabukas. "Pakisabing lalabas na ako," mabilis kong tugon. Agad akong tumayo sa kinauupuan kong kama at isinukbit sa aking baywang ang aking baril na loaded ng bala. Sa suot ko namang pantal

