Aleya's Pov Laking pasasalamat ko na nakaligtas si Terry sa nangyaring food poisoning. Agad akong humingi ng tawad sa kanya dahil sa nangyari. Hindi man ako ang naglagay ng lason sa kanyang kinaing dessert ay may kasalanan pa rin ako dahil ako ang nagbigay sa kanya niyon. Kung nagkataong hindi itinakbo nito ang dessert at lahat sila ay nakakain ay tiyak na mas malaking problema ang aking kakaharapin. Hindi lamang pala ako dahil madadamay rin si Erman Villareal pagkat sa bahay niya naganap ang insidente. Pag nagkataon ay maaaring masira ang malinis nitong pangalan. Balak pa naman nitong kumandidatong muli sa pagiging senador sa darating na botohan next year. Napag-alaman namin na may inihalo sa ginawa kong dessert na dinurog na panglason sa daga. Mabuti nga raw at hindi marami ang nakain

