Aleya's Pov Wala kaming imikan habang nasa harapan ng mesa at kumakain. Ayaw ko sanang sumabay sa mga Villareal na mananghalian ngunit ipinagpilitan nito na sumabay na ako kaya wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Umasim ang mukha ni Sylvia nang makitang makakasabay niya akong kumain sa isang mesa ngunit wala ring nagawa ang pagtutol nito nang hindi pumayag si Enrique na hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain. Halos hindi ko malunok ang kinakain dahil sa matalim na tingin ni Sylvia. Nasa kalagitnaan kami ng aming pananghalian nang biglang dumating si Cloe. "Enrique! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Nabalitaan ko kasi ang nangyari rito sa bahay mo," ani Cloe na mabilis na lumapit kay Enrique at ipinalibot sa leeg ng binata ang mga braso nito. Hindi ko napigilan ang bahagyang matawa n

