Aleya's Pov Napabalikwas ako ng bangon sa kinahihigaan kong kama nang makarinig ako ng magkakasunod na katok sa labas ng pintuan nang aking kuwarto na tila ba nagmamadali ang nasa labas. Nakahiga lamang ako ngunit hindi naman ako natutulog. Malalim lamang ang iniisip ko. At ang laman ng aking isipan ay walang iba kundi ang binabantayan kong napaka-unpredictable ng pag-uugali. Dalawang araw na niya akong hindi pinapansin pagkatapos ng huli naming pag-uusap. Hindi niya ako pinapansin na para bang hindi ako nag-i-exist sa kanyang harapan at naging extra sweet naman siya kay Cloe na tuwang-tuwa sa nangyayari. Pakiramdam ko ay sinasadya ni Enrique na papagselosin ako. Kung iyon ang kanyang layunin ay nagtagumpay siyang gawin iyon. Dahil halos sumabog ang dibdib ko sa selos kapag nakikita ko si

