Aleya's Pov Napabalikwas ako sa malakas na katok sa pintuan ng aking silid. Saglit na inayos ko ang aking sarili bago tuluyang bumaba sa kama para pagbuksan ang taong kumakatok. Mukha ng nakabusangot na si Gigi ang nabungaran ko sa labas ng pintuan. "O bakit? Ba't lukot ang mukha mo? May mangkukulam bang nakapasok sa bahay ninyo? Saka akala ko ay inihatid ka na ni Edzel kagabi papunta sa bahay ng mga magulang ninyo?" nagtataka kong tanong kay Gigi. Pumasok muna ang dalaga sa loob ng aking silid at naupo sa gilid ng aking kama bago sinagot ang aking tanong. "Mamaya pa ako ihahatid ni Kuya sa bahay nina Daddy. At tama ang sinabi mo, Ate Aleya. May mangkukulam ngang nakapasok ulit sa bahay. At hindi lang pala nakapasok kundi dito raw muna pansamantalang titira ang babaeng iyon," nakasiman

