Aleya's Pov Halos hindi ko malunok ang nginunguya kong pagkain dahil pakiramdam ko ay may nakaharang na kung anong bagay sa aking lalamunan. Mabigat din ang aking pakiramdam na para bang may nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib. At isa lamang ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Selos. Oo. Nagseselos ako dahil sa nakikita kong closeness ni Enrique at nang babaeng kasama niya. Sobrang sweet ang babae sa kanya kaya hindi na ako magtataka kung iisipin ng lahat ng mga tao sa loob ng restaurant na magkasintahan ang dalawa. Hindi ko ini-expect na makakaramdam ako ng ganito katinding sakit. At mas lalong hindi ko inaasahan na ganito na pala kalalim ang nararamdaman ko para kay Enrique. Paano siya nakapasok sa puso ko ng ganito kalalim? Dahil hindi ko naman magawang lunuki

