Aleya's POV "Ang lalim yata ng iniisip mo, Aleya? Kanina pa ako nagsasalita rito pero tila hindi mo ako naririnig." Bigla akong napatingin sa kaharap kong kaibigan nang marinig ko ang sinabi niya. Tama ito. Malayo nga ang iniisip ko. Nandito ang aking katawan sa loob ng resto bar kung saan kami umiinom ni Deo ngunit lumilipad naman ang aking utak. Hanggang ngayon ay hindi ko maiwasang isipin ang mga sinabi sa akin ni Enrique noong isang araw. Hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o dala lamang ng kalasingan niya kaya niya nasabi ang mga salitang iyon. Ngunit alin man diyan ang dahilan ay nagtagumpay ito na hindi mawala sa aking isip ang mga sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit hindi mawala-wala sa aking isip ang mga sinabi niya gayong wala naman akong gusto sa kanya. Buwisit tal

