Aleya's Pov Paglabas ko sa aking silid ay nagtaka ako kung bakit ang tahimik naman yata ng buong kabayahan. Nagtungo ako sa kusina ngunit wala roon si Sonia. Wala yata ang mga katulong ni Enrique. Nagtatakang tiningnan ko ang oras ng aking relo. It's ten o'clock in the morning. Sa ganitong oras ay nasa kusina si Sonia at nagluluto ng pananghalian samantalang ang ibang katulong ay busy naman sa kani-kanilang mga ginagawa. Pero ngayon ay nakapagtataka na wala sila. Nasaan kaya sila? Nag-day off? Ngunit hindi naman nagdi-day off ng sabay-sabay ang mga katulong ni Enrique para may mag-asikaso sa kanilang mga amo. Muli akong umakyat sa itaas at pinuntahan si Edzel sa kanyang kuwarto ngunit naka-lock ang kuwarto nito kaya tiyak na wala ito sa loob. Sunod na pinuntahan ko ay ang maid's quarter

