Aleya's Pov Ilang-ilang na ako sa klase ng mga tingin ni Enrique habang ginagamot ko ang kanyang mga pasa sa mukha. Pagkarating namin sa bahay niya ay agad niya akong hinila papasok sa silid niya at inutusang gamutin ang mga sugat niya. Hindi niya pinansin ang nag-aalalang tanong sa kanya ng kanyang tita nang makita ang kanyang hitsura. Mabuti na lamang at wala si Edzel dahil nasa bahay ng mga magulang nila't hindi pa bumabalik mula sa paghahatid kay Gigi. Kung nagkataong narito siya at nakitang ganoon ang hitsura ng kanyang kuya ay natitiyak kong hindi niya tatantanan sa si Enrique sa kakatanong. At magmula mula umpisa ng paglilinis ko sa sugat ni Enrique ay hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang aking mukha. Masyado tuloy akong conscious at hindi makakilos ng maayos. Napabuntong-hinin

