Erraine's POV:
“Riri!!! bilisan mo ang paglalakad diyan!! para kang pagong! hay naku naman oh!" eskandlong sigaw ni Selene na matalik niyang kaibigan, sabay kamot sa ulo nito.
“ Heto na po, alam mo naman malayo ang sa amin. tsaka pwede ka namang mauna nalang."nakangusong pahayag ni Riri.
“ hmmp!! kung di lang kita bespren at kung di kalang nagpapakopya matagal na no!" Birong saad naman ni Selene.“ Hay! tara na nga, may five minutes pa tayo kaya bilis!!" nagtitiling saad ni Selene na kinatawa nalang niya.
Lakad takbo ang ginawa nilang hakbang upang hindi sa ma late sa First Subject nila, Graduating Student sila sa kursong Business Ad. kung kaya ay di sila pwedeng mahuli.
Exact 8:30 they reach their classroom and an awkward silence filled the room because of their presense. All eyes were on them especially their Prof who has an amused look, tumawa pa ito ng bahagya kaya hilaw na napangisi si Selene habang siya ay nakangiwing tumingin dito. “Tsk tsk tsk, alright I'll let it slide for now but there will be no next time" Prof Gadion said.
Nakatungong pumunta si Riri sa kanyang upuan dahil sa hiyang naramdaman dahil mas nauna pa itong nakarating. mabuti nalang ay mabait itong kanilang guro, habang si Selene naman ay parang baliwala lang dito ang nangyari dahil chill lang itong nakaupo na wari mo'y hindi nahuli ng dating.
“ Ok, class so may napili na ba kayong kompanya para sa OJT niyo? " nakangiting tanong ni Prof Gadion. most of her classmates groaned in frustration dahil narin siguro ay di pa nakahanap. habang nagpapatuloy ang kanilang klase ay di siya makapag isip ng tama dahil sa OJT nila.
----
Pagdating ng uwian ay di niya mapigilan ang mag isip kung paano magpapaalam sa tita niya
na kailangan nilang mag OJT. Ang swerte lang ni Selene dahil may mapapasukan na ito, nag offer naman ang kaibigan niyang ipasok siya doon ngunit, kung minalas nga naman ay panghuling slot na pala ang kay Selene. Nais sana niyang subukan sa kompanya ng tita niya siya mag intern, pero nasisiguro din nyang di yun payag dahil ayaw nito sa kanya.
Habang naglalakad pauwi si Riri ay nadaanan niya ang isa sa pinakakilalang negosyante sa mundo ang T.Williams Company, kaya napahinto siya upang tignan ito napakatayog nito at kung sakaling hindi siya papalarin ay dito sana niya gustong mag apply. Biglang nakaramadam si Riri na may nagmamasid sa kanya kung kaya ay agad din siyang lumakad pero nilingon na muna niya ito ng isa pang beses at umalis na.
Past 6 na siyang nakarating kaya di niya maiwasang hindi kabahan dahil kapag naunang nakauwi ang tita niya at siya ay huli ay siguradong mag asawang sampal na naman ang aabutin niya dito. Ang tanging mabait lang naman sa kanya ay si Leandro Guevarra, kapatid nito ang mama niya. Simula nang inabandona siya ng kanyang ina ay ang Tito Leandro na niya ang tumatayong ama niya, ngunit hindi siya tanggap ng kanyang tita. kaya sa tuwing umaalis ang kanyang tito papuntang ibang bansa ay saka lang siya nito sinasaktan at pinaparatangan ng kung ano-ano.
She sighed of relief because her aunt will be home late, dahil may ka dinner meeting ito. pumunta muna siya sa kanyang kwarto at nagbihis para pumunta sa kusina. Nakita niya si Nanay Delia na nagluluto kaya agad siyang lumapit dito at nagmano.
“ Magandang Gabi po Nay Delia, tulungan ko na po kayo." Hinhing saad ni Riri dito at nilingon siya nito at ningitian ng kay gaan.
“ oh siya, pakihanda nalang ng hapag dahil may bisita ang Tito Leandro mo." tugon naman ni nay delia sa kanya, kaya agad siyang tumalima. Sakto namang natapos niya ay narinig niya ang boses ng kanyang tito kung kaya ang bumalik na siya sa kusina upang kunin ang mga putahe.
Habang nilalagay niya ang mga pagkain ay di maiwasang maasiwa ni Riri dahil pakiramdamdam niya ay may tumitingin sa kanya pero binaliwala lang niya ito at nagpatuloy na. bumalik siya sa kusina dahil tapos naman na siya pero pinakiusapan siya ni Nay Delia kung maaari ay siya nalang ang magtawag sa kanyang tito sa hapag kasama nito ang bisita. Na conscious siya bigla sa sarili dahil sa napakagwapong bisita na nakaprenteng nakaupo lang sa sala. Gwapo ito na tila parang isang artista o modelo, pointed nose, thick lashes, strong jaw line, jet black hair. at nang magtama ang kanilang mata ay napasinghap siya ng bahagya dahil sa mga asul nitong mata na parang nasa ilalim ka ng dagat.
Hindi alam ni Riri kung anong nararamdaman niya dahil parang may paru paru sa tiyan niya bumibilis din ang t***k ng puso niya kaya umiwas siya ng tingin dito dahil sa uri ng pagkakatitig sa kanya.
“ a-ahm tito, n-nakahanda na po ang pa-pagkain". utal utal na saad niya at agad siyang tumalikod at pumunta sa kwarto niya dahil parang kinakapos siya ng hininga.