Twenty Four

2108 Words

KINAUMAGAHAN maaga pa rin nagising si Rita. Inayos muna niya ang kaniyang higaan bago siya pumasok sa banyo upang maghilamos. Napansin niyang nandoon na ang gamit niya kung kaya't napangiti siya. Habang nagsisipilyo siya narinig niya ang boses ni Dennis sa labas na tila hinahanap siya. Maya maya ay kumatok ito sa banyo upang alamin kung nandoon nga ang dalaga. "Rita, nandiyan ka ba?" tanong nito mula sa labas ng pinto ng banyo. "Nandito ako," sagot naman niya. "Okay. Hintayin na lang kita rito para sabay na tayong dalawa bumaba, nakahanda na ang breakfast." "Sige." Minadali na lamang niya ang paghilamos sapagkat ayaw niyang paghintayin ng matagal ang binata. Nang lumabas siya nakita niyang nakaupo sa single sofa chair si Dennis habang nagbabasa ng libro. "Good morning!" bati niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD