NANATILI si Dennis sa bundok kasama si Rita at ng kinikilala nitong bagong pamilya. Tila wala na rin siyang pakialam sa buhay na mayroon siya sa siyudad basta't makasama niya lang si Rita. It sounds ironic, but that's the truth. Hindi niya muna iniisip ang mga paparating na problema dahil ang mahalaga para sa kaniya ay ang ngayon lalo na at nalaman niyang maging tatay na siya. Pangalawang araw niya pa lang sa bundok ngunit mabilis siyang nakapag-adjust sa buhay na mayroon sa bundok. Walang kuryente, internet at signal pero hindi hadlang 'yon upang maging masaya siya kasama ni Rita. Tumutulong din si Dennis sa ama ni Rita sapagkat ayaw niyang nakatunganga lamang siya at walang ginagawa. Dahil parami na sila nang parami halos hindi na sila magkasya sa bahay ng dalawang matanda kung

