Sa mga sumunod na araw ay unti-unti na ring nasanay si Angie sa bahay ni Mory. At dahil bawal siyang tumulong sa mga gawaing bahay ay ginugugol na lang niya ang oras niya sa pagbabasa, panunuod ng TV, pakikipagkwentuhan sa mga katulong at pag ikot-ikot, pagmasid sa garden at siyempre ang pagtulog lalo pag wala si Mory dahil naging antukin na siya. “Mory, 2 weeks na akong nandito sa bahay mo. Siguro naman sapat na ang leave ko at pwede na akong bumalik sa trabaho.” Bigla ay sabi niya kay Mory habang kumakain sila sa dining area nang umagang iyon. “Anj, palagay ko kailangan mo pa ng bakasyon. Wag mong alalahanin ang trabaho mo. Marami namang iba ang pwedeng pumalit sa pwesto mo.” Seryoso nitong sabi habang kumakain. Maya-maya lang ay aalis na naman si Mory dahil sa negosyo at maiiwan na na

