--------- ***Third Person's POV*** - Napakalma ni Harold ang sarili niya. Hindi dapat mahalata ni Andrew ang matinding galit na nararamdaman niya. Kailangan niyang pigilan ang sarili upang hindi masuntok ito dahil sa mga pinagsasabi nito. "I hate it when someone doesn’t know how to respect a woman. You need to change your character a little. Kaya nga siguro hindi ka pinapatawad ng girlfriend mo—masyado kasing presko ang ugali mo," aniya, sinadya niyang gawing kaswal ang tono ng kanyang boses. "Pasensya na kung medyo presko para sa'yo, pero iyon talaga ang totoo. Alam kong nag-iinarte lang si Arabe—" "Okay, pahihiramin na kita ng yate ko, pero kailangan mo itong kunin sa isang isla. Nandoon kasi ang mga yate ko. Wala namang maghahatid niyan dito. Marunong ka naman sigurong magpaandar

