---------- ***Arabella's POV*** - Narinig ko ang malutong na halakhak ni Eryiel, at sa isang iglap, napasigaw ako sa sobrang takot. Nanginig ang buo kong katawan, at kahit anong pilit kong igalaw ang aking mga paa, hindi ko magawa. Parang napako ako sa kinatatayuan ko, habang ang puso ko’y bumibilis ang t***k, tila nais kumawala mula sa aking dibdib. “Diyos ko, Arabella,” natawa pa lalo si Eryiel habang nakatingin sa akin na para bang isa lang akong laruan na aliw niyang pinaglalaruan. “Ang sarap palang pakinggan ng sigaw mo kapag natatakot ka. Ang sarap mong paglaruan—kaya pala gustong-gusto ni Andrew na paglaruan ka.” Muling lumabas ang kanyang halakhak, mas malakas kaysa kanina, tila ba aliw na aliw siya sa nakikita niyang takot sa aking mukha. Humihingal ako, na para bang galing

