Introduction

840 Words
-------- ***Arabella’s POV*** - Kaarawan ni Andrew at may sorpresa ako sa kanya. Sinabi niya na hindi ko na kailangang pumunta sa selebrasyon nila kasama ang mga kabarkada niya. Ayon sa kanya, iyon daw ay espesyal na pagtitipon para sa mga kaibigan niya lamang at ayos lang kung hindi ako makadalo. Pero hindi iyon naging dahilan para umatras ako sa plano kong sorpresa. Bitbit ko ang paborito niyang alak at puno ng saya ang puso ko habang naglalakad patungo sa VIP room ng club kung saan ginaganap ang selebrasyon. Ngunit natigilan ako nang pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin ang hindi inaasahang eksena. Maraming babae sa loob—at hindi lang mga kabarkada niya. May isang babae na tila nakadikit kay Andrew, at malinaw ang pagpapalitan nila ng nang- aakit ng tingin at ngiti. Kitang-kita ko kung paano siya nakikipaglandian sa babaeng katabi niya. Alam kong lapitin talaga si Andrew ng mga babae. Bukod sa gwapo, galing din siya sa mayamang pamilya at nag-iisang anak. Pero kahit kailan, hindi ko naisip na magagawa niyang makipag-flirt sa iba. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Hindi ako dapat magpadala sa pagseselos. Huminga ako nang malalim at nagdesisyon na tuluyan nang pumasok. Ngunit bago pa ako makalapit, narinig ko ang mga tawanan ng kanyang mga kaibigan. Naglalaro pala sila ng truth or dare, at si Andrew na dapat sumagot. Pinili ni Andrew ang ‘dare’. “I dare you, Andrew Velasco, tawagan mo ngayon din ang babaeng mahal na mahal mo. Sabihin mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal,” narinig kong sabi ng isa sa mga kaibigan niya. Masiglang nagkantiyawan ang grupo, at napangiti si Andrew bago niya dinampot ang cellphone niya. Napangiti rin ako at mabilis na kinuha ang cellphone ko, inaasahang ako ang tatawagan niya. Ngunit nagtataka ako—wala akong natatanggap na tawag. Maya-maya pa, narinig kong may kausap na siya. “Hello? Pasensya ka na kung naabala kita. Tumawag lang ako para sabihin sa iyo na mahal na mahal kita. Kahit magpapakasal ako sa iba, ikaw pa rin ang mahal ko. Si Arabella? I didn't love her the way she think it is. She’s nothing compared to you. She is just an orphan in my eyes.” Parang biglang huminto ang mundo ko sa narinig. Nanginig ang mga kamay ko at halos bumagsak ako sa kinatatayuan ko. Pagkatapos ng tawag, sandaling natahimik ang mga kaibigan niya bago nagsimulang magkantiyawan ulit. “Sino ang tinawagan mo, bro?” tanong ng isa. Ngumiti lang si Andrew bilang sagot. Hindi ko na kinaya. Mabilis kong isinara ang pinto at napasandal doon. Dumaloy ang luha ko nang hindi ko napapansin. Ang sakit. Parang hinati ang puso ko sa dalawa. Limang taon. Limang taon na relasyon, ginawa lang na biro ni Andrew. Akala ko mahal niya rin ako. Pero niloko lang pala niya ako. Nilinglang sa mga sinabi niyang ako lang, na minahal niya ako hindi dahil sa naka- fixed marriage kaming dalawa kundi dahil sa bilang ako. Naglakad ako sa pasilyo ng club nang walang direksyon. Tangan ko ang bote ng alak at iniinom ko iyon nang diretso. Hindi ko napansin na medyo nahihilo na ako. Napahinto ako sa isang pinto at sasandal sana nang bigla iyong bumukas. Hinila ako ng lalaking nasa loob at isinandal ako sa dingding. Malabo na ang paningin ko, pero ramdam ko ang init ng hininga niya. Mabigat ang paghinga niya, tila nahihirapan siya. Pamilyar ang kanyang mukha pero blur siya sa paningin ko. Napapikit ako nang maramdaman ang mainit na dampi ng hininga niya sa leeg ko. Napahinga ako nang malalim nang maramdaman ang paghalik niya sa aking balat. “I am in pain… I need you,” bulong niya, kasabay ng banayad na pagkagat niya sa earlobe ko. Kakaiba ang init na naramdaman ko. Para akong nadarang sa apoy. Nawala na sa isip ko ang lahat ng sakit na dala ni Andrew. Tanging ang sensasyong iyon ang nangingibabaw. Nang tingnan niya ako, nanlaki ang mga mata niya. “You? No… It shouldn’t be you. Hindi pwedeng ikaw. Hindi pwedeng kasing bata mo ang----" sabi niya na tila gulat na gulat. Akmang lalayo siya, pero mabilis ko siyang niyakap sa leeg. “Don’t worry. I am willing to help you,” bulong ko sa mapanuksong tinig. Hindi ko na alam ang mga sinasabi ko. “Oh, young lady, you don’t know what you’re saying.” “C’mon. You’re in pain, and I’m here,” paungol kong sabi habang inamoy ang kanyang leeg. Ang bango niya. Ang tangkad niya. Para naman siyang nadadala sa pang- aakit ko nang narinig ko ang pag- ungol niya. “Fine. But don’t regret this,” aniya bago niya tuluyang tinawid ang pagitan ng aming mga labi. Agad akong nakipagpalitan ng halik sa kanya kaya mabilis na lumalim ang halikan naming dalawa. Tuluyan na akong nalunod sa dagat ng pagnanasa at kay hirap ng umahon mula dito. Andrew. You betrayed me. You make my love for you a joke. Now, ibibigay ko sa iba ang hindi ko naibigay sayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD