------------ ***Arabella’s POV*** - Agad kong pinakalma ang sarili ko, pilit na inaayos ang mabilis na t***k ng puso ko. Kailangan kong labanan ang malakas na kaba na muling sumiklab sa loob ko, dahil alam kong hindi ako dapat tuluyang magpaapekto rito. Hindi ko dapat hayaan na manaig ang emosyon ko sa ganitong sitwasyon. Ayaw kong makasama siya sa loob ng elevator, kaya kahit hindi pa iyon ang tamang palapag kung saan ako dapat bumaba, napagpasyahan kong lumabas na lang. Pero hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin. Bigla niyang hinarang ang kamay niya sa daraanan ko. Nakaharang ito sa may pinto, kaya hindi ko magawang makalabas kahit anong pilit ko. Napaangat ang mukha ko upang tingnan siya. Naningkit ang mga mata ko habang sinalubong ko ang kanyang titig—isang titig na hindi

