------ ***Arabella's POV*** - Kinabukasan… Nagising ako sa isang halik na dumampi sa aking mga labi. Ayaw ko sanang idilat ang aking mga mata dahil ramdam ko pa ang bigat ng talukap ng mga ito, ngunit nang sumingaw sa aking ilong ang pamilyar na amoy ni Harold, agad akong napabalikwas at iminulat ang aking mga mata. “Good morning!” bati niya sa akin na may nakangiting ekspresyon sa kanyang mukha. Bahagyang kumunot ang aking noo habang nakatitig sa kanya. Napansin niya marahil ang aking reaksyon kaya napatawa siya bago muling nagsalita. “Bakit ganyan ka makatingin sa akin?” tanong niya na may halong amusement sa kanyang boses. Huminga muna ako nang malalim upang kalmahin ang aking sarili bago ko siya tinanong. “Anong oras ka umuwi?” Hindi ko na namalayan ang oras ng kanyang pagdat

