74. Galit at Pagkamuhi 2

1736 Words

---------- ***Arabella's POV*** - Narinig ko ang tunog ng aking sariling hininga—mabigat, mabilis, at puno ng takot. Napapikit ako, pilit nilulunok ang kaba na sumasakal sa aking lalamunan. Nanginginig ang buo kong katawan, hindi lamang dahil sa baril na itinutok sa akin kundi lalo na sa mga salitang walang-awang lumalabas sa bibig ni Eryiel. Mas matalim pa ang mga iyon kaysa sa anumang bala, at sa bawat salitang kanyang bitawan, pakiramdam ko'y unti-unting hiniwa ang puso ko hanggang sa halos wala nang matira. "Eryiel, pakiusap..." mahina kong bulong, halos hindi ko na marinig ang sarili kong tinig. Namamanhik ako, nagbabakasakali na sa kabila ng lahat ng galit at poot sa kanyang puso, may natitira pang kabutihan sa kanya. "Pag-usapan natin 'to. Huwag mong gawin 'to, hindi mo kailanga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD