3. Bagong CEO

1899 Words
----------- Note: Ini- adjust ko ang chapters. Pinalitan ko ang Prologue. Balikan niyo na lang ang Prologue. Bago yan. Kung hindi pa sa inyo. Clear cache niyo na lang. Thanks and Godbless. - ***Arabella’s POV*** - Kailangan kong mag-time in kaya nauna na ako kay Andrew habang ipinaparada pa niya ang kotse. Kapapasok ko lang sa elevator mula dito sa parking area. Pipindutin ko na sana ang elevator button nang may pumasok sa loob. Isang lalaki. Napatingin ako sa kanya at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang namukhaan ko siya. Hindi ako pwedeng magkamali, ito ang lalaking nakasama ko kagabi. Ang lalaking pinaratangan akong masama, na dr*nuga ko siya kahit siya ang unang nakakuha sa ka-inosentihan ko. Naninigas ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Nagbalik muli sa isip ko ang pilit kong kinalimutan na nangyari kagabi nang nakita ko siya. Nararamdaman ko na naman ang matinding paninikip ng dibdib ko. Nakatingin ako sa lalaki, magkahalong sakit at galit ang naramdaman ko. Naalala ko kasi kung paano niya ako insultuhin, na parang isa akong maruming babae na ginamit ang sarili para makuha ko siya. Ni hindi ko nga siya kilala. Mayamaya, mukhang naramdaman niya na nakatitig ako sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Hindi niya ako dapat makita, baka kung ano na naman ang sasabihin niya sa akin, kaya mabilis kong pasimpleng itinakip ang mahaba kong buhok sa mukha ko. Mabuti na lang at hindi ko pa naitali ang buhok ko dahil sa nawala sa isip ko kanina. Kinakabahan ako habang nakatingin siya sa akin. Nararamdaman ko ang titig niya sa akin. Pinipilit kong huwag mapatingin sa kanya at baka makita pa niya ang mukha ko, at mamukhaan niya ako. Natatakot ako sa posibleng mangyari. Huwag dito—dito sa kompanyang pinagtatrabahuan ko. O kahit saan. Ilang sandali pa, naramdaman ko na hindi na siya nakatingin sa akin, hindi ko na nararamdaman ang kanyang titig. Kaya gamit ang side vision ko, naglakas-loob akong pasimple siyang tignan, pero ang dapat na sulyap lang ay hindi nangyari, sapagkat titig na titig na ako sa kanya. As I looked at him, I couldn’t help but be drawn to his strong, well-defined jawline, framed perfectly by the dark, thick beard that gave him a rugged edge. His beard wasn’t too long, just enough to make him look effortlessly masculine, with the subtle shape of it enhancing his facial features. But it was his eyes that held me captive. They were the most mesmerizing shade of green, almost like they held secrets within them—vibrant and deep, they seemed to shift with every glance. There was something so striking about the contrast between his dark beard and those hypnotic green eyes. They weren’t just beautiful, they had a kind of mystery, a quiet strength that left me captivated. Hindi ko masyadong pinagtuunan ng pansin ang kanyang halos perpektong hitsura kanina dahil sa takot ko sa kanya. Pero ngayon, nagawa ko ito na hindi niya nalalaman. Hindi pa ako nakuntento, nagawa ko pang ibaba ang tingin ko sa kanyang halos perpektong katawan, na hindi man lamang natatago sa suot niyang suit. Alam kong maraming taon siyang matanda sa akin, pero parang edad lang niya ang tumanda. Ang lakas pa kasi niyang tignan, at ang ganda talaga ng katawan niya. Sa lahi niyang may dugong foreigner, siguro natural talaga ang pisikal niyang anyo at na-maintain lang niya ito. Malapad ang dibdib, matigas na para bang pader na kay hirap banggain. Hindi ko man masyadong naalala ang nangyari sa aming dalawa kagabi, pero hindi ko nakakalimutan kung gaano katikas ang katawan niya, at alam kong may malaki din siyang alaga sa katawan. Mukhang masyado siyang pinagpala sa departamentong iyon. Napalunok ako bigla. Ano ba itong ginagawa ko? Imbes na magalit sa kanya, nagawa ko pang hangaan ang kanyang hitsura. Hindi ko dapat ginagawa ito. Baka mahuli pa niya ako at kung ano-ano na naman ang kwentong mabubuo sa isipan niya. Mabilis kong binawi ang tingin ko mula sa kanya, pero ang isip ko’y patuloy na bumabalik sa gurang na ito. Ano kaya ang ginagawa niya sa kompanya? Sino kaya siya? Isa kaya siyang investor? Sana—sana, hindi ito ang huling beses na magkasalubong ang mga landas namin. Muli niyang itinama ang tingin sa akin kaya nang bumukas ang elevator at may pumasok na isang empleyado, mabilis akong lumabas bago pa niya ako makilala. Hindi pa sana ito ang floor kung saan ako dapat bababa, pero hindi ko na kayang manatili sa elevator kasama siya. Unti-unti nang nabubuhay ang matinding pagkadismaya sa dibdib ko, at nagdulot ito ng pananakit. Dismayado ako sa sarili ko dahil naibigay ko ang sarili ko sa estranghero—sa lalaking iyon na ininsulto nga nga ako, pero nagawa ko pa ring hangaan. Dire-diretso akong pumunta sa restroom. Bukod sa kailangan kong kalmahin ang sarili ko, sugo rin ng kalikasan ang nagtulak sa akin para magtungo roon. Kanina pa ako nakaupo sa inidoro, pero kakaiba pa rin ang nararamdaman ng tiyan ko. Mukhang nagka-LBM na yata ako dahil sa mga nangyayari sa akin. Mayamaya lang, tumunog ang cellphone ko, kinuha ko ito mula sa bag ko. Si Andrew ang tumawag, agad ko naman sinagot ito. "Where are you Arabella?" tanong ni Andrew na mukhang galit. "Nakalimutan mo na ba na ipapakilala kita ngayon sa ninong ko na bagong CEO ng kompanya niyo. He was now introduced. Asan ka ba?" Napalunok ako. Nakalimutan ko ito. Lumanghap muna ako ng hangin bago sagutin si Andrew. Samantala….. Hindi mahilig si Harold na bibigyan siya ng espesyal na pagsalubong kaya nagulat na lang si Mr. Perez sa kanyang pagdating. Ito ang manager ng sales department at isa daw sa mga mapagkakatiwalaan ng kompanya. Ito dapat ang magpakilala sa kanya sa mga empleyado. Naipakilala na siya sa board of directors ng kompanya nang maaga at mamaya, nagpatawag siya ng meeting sa mga ito. Pagkatapos siyang ipakilala ni Mr. Perez sa mga empleyado bilang bagong CEO, agad din siyang pumasok sa kanyang opisina. Wala siyang panahon para pansinin pa ang paghanga ng mga ito sa kanya. Gusto niyang iparamdam sa kanyang mga empleyado na seryoso at estrikto siyang tao. Kaya minuto lang talaga ang nagawang pagpapakilala sa kanya at hindi na siya nagsalita pa ng kung ano’t-ano maliban na lang sa ayaw niya ang tsismis at mga tanga. At inaasahan niya na gagawin ng mga ito ang trabaho ng maayos, dahil hindi siya magdadalawang isip na magtanggal ng empleyado. Ramdam naman niya ang tensyon sa paligid sa kanyang sinabi. Seryoso at matigas din ang kanyang mukha na nagpapakita na hindi siya nakikipagbiruan sa kanyang mga binitawan salita. Nakahanda na ang kanyang opisina. Kaya pagpasok niya, agad siyang dumiretso at umupo sa kanyang swivel chair. Kailangan muna niyang mag-relax sandali bago simulan ang trabaho. Kailangan niyang i-review ang mga iba't ibang report ng kompanya para malaman ang kasalukuyang sitwasyon nito. Although, alam naman niyang walang problema ang kompanya sa ngayon. Maraming competitor pero lumalaban naman sila. Ganyan naman talaga ang negosyo. Sumandal siya sa swivel chair at ipipikit na sana ang mga mata niya nang naramdaman niyang bumukas ang pinto. At pagagalitan na sana niya ang lalaking dumistorbo sa kanya kung hindi ito nagsalita. “Ninong!” ani nito. Ano daw? Ninong? Inaanak ba niya ito? Sa dami ng kanyang inaanak, hindi na niya maalala kung inaanak niya ito. Ang mga naalala niyang mga inaanak ay yung mga bago pa lang, mga bata pa lang at karamihan sa mga ito ay mga anak ng Montreal, Saavedra, Montenegro at Del Fuengo. Kaya nga, namumulubi siya lalo na pag Disyembre. At mamahal kasing makasingil ng mga ama ng mga ito na parang hindi mga mayayaman. Ang lalaking kaharap nya ngayon ay pamilyar ang mukha sa kanya, hindi lang niya maalala kung sino ito. Kung inaanak nga niya ito, sa tingin niya, nasa 20s na ito. Kaya baka nasa 18-20 years old pa siya nung naging inaanak niya ito, sa madaling salita, wala pa siyang pera nung naging ninong siya dito. Nandito ba ito para manghingi sa kanya? O isa na naman itong manloloko tulad ng babaeng nakasama niya kagabi? Mukhang naintindihan naman nito na hindi niya ito naalala kaya ito na ang kusang nagpakilala sa sarili nito. “10 years old ako nung huli mo akong binisita sa birthday ko. Ako si Andrew Velasco, ang mga magulang ko ay sina Gomer at Miriam Velasco. Naintindihan ko naman kung hindi mo na ako naalala kasi 23 na ako ngayon. Pero lagi kayong nagpapadala ng kung ano’t-ano sa akin.” Hindi siya ang nagpapadala kundi ang assistant niya. Naalala na niya. Ito ang una at huling inaanak niya bago siya yumaman at nagsimulang lumagay sa tahimik ang mga gago niyang kaibigan. Naging inaanak niya ito dahil sa—no choice lang siya. Hindi naman siya masyadong malapit sa mga magulang nito pero masasabi naman niya na kaibigan niya ang mga ito. Senior sa kanya ang ama nito at marami siyang bagay na hinahangaan sa ama nito noon. Mayaman naman ang pamilya nito. Ano kayang ginagawa nito dito? “Pasensya na kung nadistorbo ko kayo ninong. Kaya lang-----” “Ah, wag mo akong tawagin ninong. Hindi ako sanay na tinatawag na ninong.” Sanay siya, pero mga bata pa ang tumatawag sa kanya na ninong. Para sa kanya, matanda na si Andrew para tawagin siyang ninong. Pakiramdam tuloy niya, ang laki na ng edad niya. “Just call me Mr. Harold.” "Okay. I understand you're not used to this because I'm your only godchild." Really? Who said he’s the only one? There was no time to correct it now. "Anyway, I’m here because I really wanted to see you. From what I remember, I’ve always admired you. My father used to talk about you a lot—how much he looked up to you for your hard work, and how far you’ve come." Ganun ba? Sa pagkaalala niya, hindi naman siya masyadong sinuportahan ng mga magulang nito. In fact, madalas niyang maramdaman na lagi siyang ni- look down ng ama nito. Pero hindi siya nagtatampo. Pagkatapos ng lahat, malayo na ang narating niya at hindi niya nais sayangin ang kanyang enerhiya para magkaroon pa ng sama ng loob. “What do you really want from me? Aside from wanting to see me?” masyado na siyang na-disturbo dahil dito. “Actually, inihatid ko lang ang girlfriend ko dito, Mr. Harold. She is an employee here, nasa marketing department siya. At gusto ko din sanang ipakilala sa’yo ang girlfriend ko. Plano kasi namin kunin kang sponsor sa kasal namin.” Naisip siguro nito na gagasto siya ng malaki sa kasal nito. Ito naman ang madalas na dahilan. “No problem with me. But I must meet your girlfriend first.” He wasn’t sure why those words came out of his mouth. Maybe he just wanted to know what kind of woman Andrew liked. “If I don’t like her, would you listen to me and break up with her? I’m good at judging people,” he added. “W- What!” Andrew’s eyes widened, clearly shocked. But he quickly recovered. “T- That’s not possible, Mr. Harold. I need to marry Arabella because I’ll lose a lot if I don’t make her my wife.” He replied. Harold furrowed his brow. Was he deeply in love with his girlfriend, or was there something else he wanted to say?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD