-----------
***Arabella’s POV***
-
Humakbang siya palapit sa akin. Gusto kong bawiin ang kamay ko na hawak niya, humakbang palayo mula sa kanya, pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko naninigas ako at hindi magawang gumalaw. In just seconds, he had me pinned against the table, his hands braced on either side of its edge as he hovered over me. My hips were partially on the table, causing me to lean back slightly, while he leaned down toward me. Our eyes locked. Ang lakas ng t*bok ng puso ko na parang nagwawala ito sa loob ng dibdib ko.
"You had the nerve to say those things to me. Pinapainit mo hindi lang ang ulo ko, pati na ang katawan ko. And you waking up the beast inside my pants. Did you know that?”
Hinagod niya ang tingin sa buong mukha ko. Ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang hininga at amoy na amoy ko ang bango nito. I swallowed hard; his words sent a shiver through my body, and heat rushed over me. A sensation awakened within me—one I couldn’t resist.
“A- Anong gagawin mo sa akin?” nauutal kong sabi. I don’t know what is happening to me. Nanghihina ako sa kanyang titig. Pakiramdam ko mas marupok pa ako kaysa misua sa sandaling ito. “U- Umalis ka!” kulang sa lakas ang boses ko.
Isang ngisi ang pinakawalan niya, iyong ngisi na parang nagtagumpay siya sa isang bagay. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “What we did last night is so amazing. Paano kung sabihin ko sa’yo na hanggang ngayon, pabalik-balik pa rin ito sa isip ko. And I want to experience it again.” Tila nang- aakit ang kanyang tinig. Mas lalong naging kakaiba ang pakiramdam ko. Para na akong lalagnatin sa init na nabuhay sa katawan ko.
Inilayo na niya ang kanyang bibig at nakatingin na naman siya muli sa akin. I saw lust in his eyes. Hindi ko kaya ang titig niya, pakiramdam ko, hinihila niya ako para bumigay sa kanya. Bago pa ako magkamali muli, mabilis kong binawi ang paningin ko sa kanya.
Kinalma ko ang sarili ko. Saka ko itinapat ang kamay ko sa kanyang dibdib at itinulak ko siya. Pero para lang akong nagtulak ng pader at hindi ko siya natinag. He chuckled softly at my attempt. When I looked up at him, his gaze seemed to say that there was no escaping him.
“Pakawalan mo ako. Nakikiusap ako sa’yo.” Nagsumamo ang titig ko sa kanya. I wanted to get away before he succeeded in what he wanted.
“Beg me, baby.”
Parang maiiyak na ako. Pakiramdam ko wala akong kawala. Bigong-bigong ako, pakiramdam ko wala akong magagawa. “Please—” Napatawa siya. “Ano ba talaga ang kailangan mo?”
“YOU.” Maikling niyang sagot na nagdulot ng pangangatog ng tuhod ko.
“M- Mahal ko si Andrew.” Ang tanging nasabi ko. Umaasa na sana maintindihan niya na kailangan niya akong tigilan dahil ang kasintahan ko ang inaanak niya.
Pero napatawa na naman siya sa sinabi ko. Isang malutong na tawa ang ginawa niya na parang may narinig siyang isang nakakatawang joke.
“Giving me your virginity won't prove what you said.” Nakangisi niyang sabi, na parang joke talaga ang sinabi ko.
A moment later, I felt his hand on my thigh, and I froze even more at what he did. When he stroked my leg, I drew in a sharp breath, as though the air had been knocked out of me.
"Don’t worry, love. I have no use for your heart. It’s your body I desire—the heat, the hunger, the wildfire within."
Namamasa na ang mga mata ko. I felt like there was no way out of my situation, trapped by someone impossible to escape. I could sense he wasn’t joking around. I wanted to break free from his hold. I needed to breathe, as if his actions were suffocating me.
Kaya ganun na lang ang pagluwag ng dibdib ko nang tumunog ang cellphone niya. Sunod-sunod. Napamura siya bago siya umalis sa harapan ko. Sinamantala ko, walang sinayang na sandali, at humakbang ako ng mabilis para takasan siya.
Dumiretso ako sa restroom at agad na pumasok sa isang cubicle. Dito ko hinayaan ang tuluyang pagtulo ng luha ko. Naiiyak ako sa sitwasyon ko. Bakit sunod-sunod ang mga hindi magagandang nangyari sa akin? Pinaparusahan ba ako?
Masakit ang puso ko. Sobrang sariwa pa ng sugat na nalikha nito dahil sa nalaman kong hindi pala ako totoong mahal ni Andrew. Masakit din ang katawan ko; hindi pa ito tuluyang naka-recover mula sa nangyari sa akin kagabi—ang pagbibigay ng sarili ko sa isang estranghero na hindi lang bagong boss ko, kundi ninong pa ni Andrew. Ngayon, pakiramdam ko, parang pinipiga ang isipan ko. Pakiramdam ko, mababaliw na ako sa lahat ng nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa susunod.
I let myself cry. Bakit nangyayari sa akin ang lahat ng ito? Hindi ko maintindihan kung ano ang nagawa kong mali para maranasan ang ganitong klaseng paghihirap. Para bang pinipiga ako sa pagitan ng dalawang lalaki. Ang isa ay isang mapanlinlang na tao na hindi naman talaga ako mahal ngunit kailangan ko pa ring pakasalan. Ang isa naman ay isang lalaking nais lang akong gamitin, para mapunan ang kanyang sekswal na pagnanasa. Dalawang lalaking nagpahirap sa akin. Ginagawang miserable ang buhay ko.
Pagkatapos ng ilang minuto, tumigil din ako sa kakaiyak. Inayos ko muna ang sarili ko, pinunasan ang mga luha bago ako lumabas mula sa cubicle. Paglabas ko, nakita ko ang dalawang kasamahan ko sa trabaho. Tinititigan nila ako, saka sila nagbulungan na parang may sinasabi sa isa’t isa.
Pakiramdam ko, ako ang pinagtsismisan nila. Sinikap kong huwag itong bigyan ng pansin. Baka lalo pa itong dumagdag sa mga pinoproblema ko ngayon. Bago ako lumabas ng restroom, tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at sinigurong hindi namumugto ang mga mata ko. Mabuti na lang, hindi gaanong halata ang pag-iyak ko.
-----------
“What’s going on with you, Ms. Mondigo? You’ve made so many mistakes today. This isn’t like you. I’ve always admired how you work—I can feel your dedication even though you’re still new. But now, you keep making mistakes. Is something wrong? Is something bothering you, making it hard for you to concentrate?”
Tanong sa akin ng head ng marketing department na si Mrs. Mendoza. Pinagagalitan niya ako, pero naramdaman ko naman kahit papaano ang pagkaalala sa tinig niya. Aminado naman ako na lagi talaga akong nagkakamali ngayon. At tama siya, hindi talaga ako makapag-concentrate. Parang hindi ako makahinga nang maluwag. Kahit wala sa harapan ko ang bago naming CEO, para pa rin akong sinasakal ng presensya nito.
“Pasensya na po, Mrs. Mendoza. Hindi na po mauulit.”
“At talagang hindi na,” aniya, mariin, pero hindi ko naman masabing galit na galit. “Hindi pa natin alam ang ugali ng bago nating boss. Pero ayon sa mga naririnig ko, hindi siya kasing bait nung huli. He’s quite famous, you know. And from what I’ve heard, he’s ruthless and a perfectionist. But—you’re not scared of him, are you? You seem pretty close.” Gusto ko na namang maiyak. Kung alam lang niya.
“H-Hindi kami close,” pagtatama ko sa kanya. Baka kung ano pa ang isipin ng mga katrabaho ko dito.
Sandali siyang napatitig sa akin. Hindi ko mabigyan ng kahulugan ang nakikita ko sa kanyang mga mata. Saka siya bumuntong-hininga.
"Arabella, I understand if you’re going through something. We all have our struggles. But you should know how to handle every situation. You can’t bring your problems to work. If you let them get to you, they’ll be the ones to ruin you. Like now, you’ve made a lot of mistakes. Relax! Breathe! If you want, you can leave early to catch your breath. But I hope that tomorrow, the old Arabella is back."
Napatango at napangiti ako sa sinabi niya. Maswerte pa rin ako dahil mabait ang head ng department kung nasaan ako.
Ginawa ko nga ang sinabi ni Mrs. Mendoza, nag-out ako nang maaga. Gusto ko lang talagang umalis at huminga. At siguro, kakausapin ko na talaga si Tito Salve. Hindi ko na kaya manatili pa sa Starlight.
Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko si Andrew na naghihintay na sa akin. Nakasandal siya sa kotse niya. Hindi pa niya ako nakita kasi busy siya sa cellphone niya, hanggang sa tuluyan akong nakalapit sa kanya.
Magsasalita na sana ako nang tumunog ang cellphone niya. Tinalikuran niya ako at sinagot ang tawag, hindi pa rin niya ako napapansin.
“Hello. Yes, wala akong ginagawa ngayon. Alam mo naman, lagi akong available para sa’yo. You know how much I love you.”
Naninigas ako sa narinig. Sino ang kausap ni Andrew? Ang babae bang tinawagan niya kagabi?
Parang binubudburan ng asin ang sugat sa puso ko na nilikha niya. Sobra akong nasaktan. I love him mula pa noon. Limang taon na pinaniwala niya ako na mahal din niya ako, pero isang malaking kalokohan at kasinungalingan lang pala ito. Ang sakit, parang hinati ang puso ko.
Tinapos din agad ni Andrew ang tawag ng kausap niya. Saka siya napalingon sa akin. Tila napaurong siya nang makita ako.
“Babe, kanina ka pa?” tanong niya, ramdam ko ang kaba niya.
Hindi ako makapagsalita, nakatingin lang sa kanya ang namamasa kong mga mata.