Turok

1072 Words
CHAPTER 10 JESSA POV Hindi ko alam kung mas nakakatawa ba o mas nakaka-excite ang araw na ‘to, pero habang naglalakad kami sa madilim na gilid ng lespasyong iyon sa likod ng lumang building kung saan nakapark ang van namin isa lang ang nasa isip ko. Si Tinay. At kung paano siya sisirain. Hindi niya alam na habang nagtatatakbo siya palabas ng laboratory, hawak ko sa bulsa ko ang maliit na vial na dapat sana’y itinuturok namin sa sunod na batch ng test subjects. Pero mas magandang gamitin sa isang mas… sentimental na target. “Sigurado ka ba dito?” tanong sa akin ni Dr. Sergio habang inaayos ang gloves niya. Medyo nanginginig ang boses, pero alam kong hindi dahil takot siya. Excited siya. Pareho kami. “Sigurado,” sagot ko sabay ngisi. “Kapag nawala si Tinay, mawawalan ng purpose ang Boss. Pero kapag nasira ang mundo niya nang dahan-dahan? Mas masarap panoorin.” At doon nagsimula ang gabi namin. Sinundan namin si Tinay mula sa lab hanggang sa highway. Hindi kami lumapit. Hindi kami nagpakita. Hindi kami nag-ingay. Sapat nang makita kung saan siya pupunta. At siyempre… diretso siya sa mansion ng kanyang pinakamamahal na Uncle. O kunwari-uncle. “Ang dali,” bulong ko habang nakahilig sa upuan ng van. “Hindi man lang siya lumingon kung may sumusunod.” “Kawawa nga,” sagot ni Sergio. “Hindi niya alam ang totoo. Hindi niya alam na kasama siya sa Phase Two ng project.” “Hindi pa,” sagot ko. “Pero malapit na.” Habang tinitingnan namin mula sa malayo ang ilaw ng mansion, ramdam ko ang kakaibang thrill sa dibdib ko. Hindi iyon takot. Hindi iyon kaba. Kung tutuusin, parang mas nakakakiliti pa kaysa sa mismong tagumpay namin kanina sa lab. “Ready ka na?” tanong ko kay Sergio. “Ready na,” sagot niya sabay turok sa syringe para ilabas ang hangin. “Siyempre ikaw mauuna.” “Syempre,” sagot ko. Kami ang pumili sa gabi na iyon. Hindi kami pinilit. At lalo naming pinili nang malaman naming iniuwi ng tanga naming subject ang sarili niya sa taong pinakaimportante sa kanya. Mas masarap wasakin ang puso habang buhay pa. Pagsilip namin sa gate, nakita namin ang kotse ni Tinay na mabilis na huminto. Parang habol-hininga pa siya, halatang sinasabayan ng takot ang bawat galaw. Pero sa gitna ng takot niya, isa lang ang iniisip niya ang Uncle niya. Si Manyashik. Nakakatawang isipin kung paano itutuwid ni Manyashik ang buhok ng inaanak-anakan niya kapag nakita itong balisang-balisa. Paano niya yayakapin? Paano niya aalalayan? Ang ganda sigurong panoorin. Ang ganda sigurong sirain. “Hintayin natin siyang makapasok,” sabi ko. “Kailangan nilang mag-usap. Kailangan niyang ma-relax. Mas magandang timing pag kalmado na siya.” At doon kami naghintay. Tahimik. Nakasunod sa dilim. Tanging ilaw lamang ng mga poste ang lumalampas sa windshield. Nagtagal ng halos limampung minuto ang pagkukulong nila sa loob. Pagod si Tinay, halatang stress. Pero ang Uncle niya? Hindi namin maramdaman. Kahit minamasdan namin siya mula sa bintana ng dining area, parang may niluluto siyang kung anong pakulo. Lalo akong natawa. “Hindi ba weird?” tanong ko bigla. “Ano?” sagot ni Sergio. “Na gusto ko ring makita kung paano niya protektahan si Tinay. Kahit saglit lang. Kahit ilang minuto lang. Before everything falls apart.” Nagkatinginan kami ni Sergio. Pareho kaming natawa. “Pumasok na tayo.” Tahimik kaming pumasok sa gilid ng mansion. Hindi kami dumaan sa main door. Mas gusto kong dumaan sa likod kung saan hindi inaasahan ng kahit sino. Lalo na ng isang taong masyadong kampante. Nang makapasok kami, kita namin si Tinay sa sala. Nakaupo siya sa sofa, hawak ang sarili niyang braso, nanginginig pa rin. Hindi namin marinig ang buong usapan pero nakita namin kung paano lumapit si Manyashik, hinaplos ang buhok niya, at sumandal si Tinay sa balikat nito. “You see that?” bulong ko. “That’s the perfect timing.” Senyas ko kay Sergio. And just like that, naghiwa kami sa dalawang direksyon. Ako sa hallway. Si Sergio sa likod ng pintuan ng kusina. Hindi kami nag-ingay. Hindi kami nagmadali. Hinintay namin ang eksaktong sandaling mag-CR si Tinay. At nang nangyari iyon, parang bumukas ang langit para sa amin. Naiwan si Manyashik sa sala. Nakaupo. Nag-aayos ng mga papeles sa coffee table. Wala siyang kaalam-alam na may mga anino nang gumagapang sa likod niya. Dahan-dahan akong lumapit. Kita ko ang parang pagod niyang balikat. Kita ko rin ang maliit na ngiti niya habang hawak ang photo frame nilang dalawa ni Tinay. “Aww…” “Now,” utos ko. Dali-daling lumabas si Sergio at sinakmal ang braso ni Manyashik, sabay takip sa bibig niya. Hindi ito nakasigaw. Hindi ito nakatakas. Ako na mismo ang tumurok sa leeg niya gamit ang syringe na galing sa Phase Three batch. Boom. Diretso ang bagsak niya. Pero hindi pa tapos ang lahat. “Kunin na natin si Tinay,” sabi ni Sergio. “Huwag,” sagot ko. “Hindi pa oras. Hindi pa siya dapat mamatay. Mas masarap siyang panoorin habang nawawala ang lahat sa paligid niya.” Habang dahan-dahan na nanginginig ang katawan ni Manyashik, sabay pag-iba ng kulay ng mga ugat niya sa leeg, sabay bagal ng paghinga niya, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. “Perfect,” bulong ko. “Perfect talaga.” Iniwan namin siya sa sahig, nakatihaya, unti-unting pumapasok sa first stage ng transformation. Hindi pa siya magiging zombie agad. Hindi ganoon kabilis. Pero siguradong hindi na siya magiging siya pagdating ng umaga. At ang pinakamagandang parte? Hindi alam ni Tinay. Wala siyang ideya kung gaano namin kayang sirain ang buhay niya sa loob lamang ng ilang oras. Hindi niya alam na nakaluhod na sa cold tiles ng mansion ang taong pinaka-pinagkakatiwalaan niya. Matapos ang ilang sandali, lumabas kami ng mansion. Tahimik. Galit. Masaya. Lahat ng emosyon na dapat hindi paghaluin. Pagdating namin sa van, nagsindi ako ng yosi. Sina Sergio, hingal. Ako, relax. “Satisfied?” tanong niya. “Hindi pa,” sagot ko sabay hithit. “Hindi pa nagsisimula ang totoong saya.” Sumakay kami sa van at umalis nang hindi lumilingon. Sa loob ng mansyon, unti-unting bumangon si Manyashik. Nangangatog. Nanginginig ang mga kamay. Dumudugo ang gilid ng mata. Pero hindi pa siya patay. Hindi pa. Mas maganda kung magigising siya habang buhay pa ang puso niya. At doon nagsimula ang tunay na bangungot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD