“Ano bang ginagawa niya doon?” Tinatakbo ko paakyat ang patungong rooftop ng Nursing department. Walang naman sana akong balak na mangialam pa kung hindi ko lang napag-alaman na nagtungo si Alliyah sa babaeng gustong tumalon sa building. Hindi naman siguro tama kung pati siya ay madadawit sa problemang ‘yon, para naman na hindi rin ako masasali sa kung ano ang magiging sitwasyon niya kung saka-sakali. Wala pa ring dumarating na rescue para tulungan ang babae na mamulat sa kung ano ang ginagawa niya, tulad lang din ng nangyari noon, sa unang 2006 na kinalagyan ko. “Excuse me. Excuse me.” Maraming nakiki-usyoso sa daan patungo sa rooftop, ngunit walang nag-atubili na pumasok upang awatin ang babae, maliban kay Alliyah. “Alliyah.” Hinihingal na tawag ko sa kaniya nakahawak ang aking mga p

