“Hey! What are you doing?” Napatalon ako sa gulat ng mabosesan si Julian sa may likuran ko. Kasama niya ang magkasintahan na sina Joker at Janice papunta rin dito sa Canteen. Akala ko pa naman ay nasa loob na sila kaya panay ako silip dito sa labas para sana maiwasan siya. Biglang nag-iba ang balak ko, kung kanina’y napagdesisyonan kong kausapin siya’y ngayon ay hindi na. “Hey, Alliyah, papasok ka ba? Tara sumabay ka na sa amin.” Kumalas si Janice sa pagkakakapit sa braso ni Joker at dinaluhan ako. Inakay niya ako papasok, panay pa nga ang angal ko pero wala na ring kawala. “Sasama ka sa amin mamaya ha, napag-usapan niyo naman na ‘yon ni Julian, right?” Naibuga ko ang tubig na nasa aking bibig, buti na lang at otomatik naman na tumagilid ako ng puwesto dahil kung hindi ay masasapul k

