*****
Nakita ko si Cha na kasama si Patricia pero hindi ako siugurado kung nakita niya rin ako. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko parang may mali na saamin. Hindi niya na ako tuluyang pinansin ni miski text hindi na niya ginawa.
“Okey ka lang ba Eunsoo?” tanong saakin ni Casey kaya imbis na kay Cha ko ituon ang atensyon ko ay ibinaling ko na lang sa kanila “Yeah, I’m fine..” tugon ko sa kanila at kinain na ang onorder naming mga pagkain.
“Pwede ba kami panood ng practice mo mamaya?”
“Huh?” nagtawanan sila at bahagyang hinampas ang aking braso “Ayaw niya ata tayong panoodin ng practice niya, HAHAHA” tawa ni Jerald na nakapulupoy ang kamay sa balikat ni Chin.
“Hindi naman, nagulat lang ako pero baka gabihin kayo kasi madalas natatapos ang practice ng 9 pm..” paliwanag ko sa kanila at nagkatinginan pa sila sa isa’t isa.
“Manonood kami ha, okey lang ba sayo?”
“Sige..” sagot ko sa kanila at tumango. Ito ang unang beses na sumabay ako sa pagkain sa malaking grupo at tanungin ako kung okey lang saakin na manood sila. They really acre about me, they are too sensitive and when they are making a decision they will first ask me if it’s okey or if I am comfortable with their ideas.
Magkakasama ulit kaming lumabas ng cafeteria at nadaanan pa namin ang table ni Cha. Napakagat ako ng labi ng makita ko din doon si Mr. Ice boy na nakatingin sa akin ng malamig.
“Cha,” hindi ko alam kung bakit pa tinawag ko pa si Cha gayong malinaw na saakin na iniiwasan na niya ako “Did you know her, Lene?” maarteng tanong nung babaeng katabi ni Cha.
“No, I’m not, lipat na lang tayo ng bagong table. I’m not comfortable when someone is looking at me..”
Natigilan ako sa sinabi ni Cha at pinanood silang umalis sa harapan namin. Gusto kong umiyak, I gelt betrayed. “Eunsoo?”
“Hmm?” sagot ko sa kanila at hindi na sila nagtanong pa.
Tahimik ako sa room at minsan ay hindi maiiwasang mpapatulala “Miss Lim are you paying attention to my class?” napabalik ako sa ulirat ng may naghampas ng kamay sa table ko.
Nang wala sa oras ay napatyo ako at ang sumalubong saakin ay ang malamig na expresyon ni Prof Chul “Yes, Miss Chul…” nanliit ang boses ko ng tumikhim si Margareth at pinaupo na ako.
Nagsimula na muling magklase si Miss Chul about foreign language and some famous design of architecture during the romance era imbis na tumulala ay nag take notes na lang ako at isinantabi muna ang aking isipin.
“Dismissed!” litanya ni Prof Chul at pinauna na muna siyang lumabas ng room bago nagsigawan ang aking mga kaklase.
“Sa wakas makakahinga rin ng maluwag nawala na yung monster na professor HAHAHA” biro pa ni Jerald na lumapit sa tayo namin ni Margareth, seat mate na kasi kami tas nasa unahan nain si Casey at ang napahiwalay lang saamin ay yung mag jowa na mas piniling maupo ng pernamente sa likod.
“Ngayon na ba practice mo?”
“Gaga ka Casey 3:30 pa lang oh, may last class pa..” nabatukan pa ng wala sa oras si Casey, kahit kailan talaga madalas ang kamay ni Chin.
“Malay ko bang napaaga, mas gaga ka!” sagot ni Casey at humalumbaba sa table namin ni Margareth “Bakit nga pala kasama natin iyang wired na yan?” turo niya kay Marga at nakita ko ang pag-iwas niya sa turo ni Casey.
Inakbayan ko si Marga “Because she’s my friend..” maikli kong tugon dito “Wohhh!! Rinig nyo ba yon open na paa ang pila para makipag friend kay Miss Ice princess HAHAHA” halakhak ni Jerald at itinuro pa ako.
Napahilamos na lang ako ng mukha ng magtawanan din ang iba “Paano kami? So friends na din?”
“Di pa ba obvious?” walang emosyon kong tugon dito.
“WOhh bareydoo ka men!!” kantyaw pa ni Chin kay Casey kaya yung dalawa ay naghabulan sa loob ng room.
Nginitian ko naman si Marga ng maging komportable na din siya gaya ko at nakipagsabayan sa biro. “May problema ka ba Eunsoo?” napabaling ako ng tanungina ko ni Marga.
“Oh natameme ka? Anong problema? Ano pinag uusapan niyo? Share naman?..” sunod sunod na tanong ni Casey habang hinihingal pa din dahil galing sa paghahabula mukhang naka 15 lap sila sa buong room.
“Chismosa ka Casey, pero ano nga ba problema?” tanong din ni Chin na hininaan ang boses at nakisiksik sa upuan ko.
“About ba dun sa girl na Miss face ng engineering Eunsoo?”
“Hala gagi ka Casey tingnan mo nag-iba expresyon ni Eun dahil sayo..”
“Hala hindi okey lang, oo yun nga yung tinatanong ni Marga..”
Sandal silang hindi umimik at inintay ang aking paliwanag. Nag aalanganin pa ako kung sasabihin ko ba dahil hanggang ngayon di pa ako sigurado kung anong rason ni Cha kung bakit ginagawa niya ito, hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang kanyang dahilan.
“Kaibigan ko siya, may alitan lang kaya hindi niya ako pinansin kanina pero alam kong maayos din iyon..” iyon ang aking naging tugon.
Saglit pa silang natigilan sa aking sinabi at yumuko alam kong may nais silang sabihin pero nag-hehesitant silang itanong iyon sa akin “Don’t worry okey lang ako..”
“But you don’t look fine..”
“Pero hindi naman tamang sabihan ka ng ganon sa harap ng iba, sana kinausap ka niya in private diba?” prankang sabi ni Casey “Hindi sa pag aano ha, hindi ko rin sinisira ang friendship nila, hindi ko lang kaya na ipahiga ka sa harap ng iba as in,”
“Wow ha hindi daw kaya pero laging pinapahiya si Marga?” panggatol naman ni Jerald kay Casey at agad naman niya itong inirapan.
“Hindi ko pa naman kaibigan non si Marga, I’m her bully of course I would do that, dzuh isip din bansot!”
Imbis na magin awkward ay nagtawanan na lang kami at dinepensahan pa din si Cha marahil ay kakausapin ko na lamang siya pag nasa practice na kami.
“Nah, she have a reason saka siguro ayaw niyang mapahiya sa kasamahan niya kaya niya nasabi iyon, ito din kasi una naming pagkakataon na hindi kumain ng sabay at may bagong kasama kaya siguro nagawa niya iyon..”
Sumang-ayon naman sila at hindi na nagtanong sakto din na pumasok na ang next professor namin for calculus.
*****