Pagkapasok namin sa cafeteria ay halos manubig ang bibig ko sa mabangong amoy na pumapalibot sa loob.
The smell of foods are everywhere and I just can't help myself but to starve more because of it. Amoy pa nga lang ng mga pagkain nakakagutom na. Amoy pa lang masarap na. What more pa kaya kung matikman ko na 'to. Shems naeexcite ako haha.
"So what now? tutunganga na lang ba tayo dito?" ani Summer samin ni Cassy kase tila wala kaming planong umalis dito sa entrance ng cafeteria. Napatawa naman kami dahil dito.
"Haha sorry naman. It's just that I was mesmerized by your huge and gorgeous cafeteria. Seriously? cafeteria ba 'to? It looks like a five star hotel to me" sagot naman ni Cassy na sinang-ayunan ko.
"This place screams luxury" sagot ko naman.
"Haha oh well, what can you expect to an elite school run by the royal family. Add the fact na international elite school 'to" saad naman ni Kelly kaya napatango kami.
"Ok ladies, enough with that chit-chat. Gutom na talaga ako. Di pa ba tayo kakain?" nakapout na sabat ni Summer kaya napatawa kami.
"Grabe Sum kakapasok pa nga lang natin dito mag-oorder na agad tayo? di ba pwedeng maghanap muna ng table?" natatawang saad ni Kelly.
"Oo nga. Ang lakas mong kumain pero ang payat mo pa rin" Sabi ni Cassy.
"Hoy! anong payat ka jan. I'm sexy you know. Kayo talaga. Don't you even know what's the difference between payat and sexy?"
Nagkatinginan kaming tatlo nina Cassy at Kelly at sabay na nagkibit balikat. Nagtawanan kami at iniwanan si Summer dun na nakabusangot ang mukha.
"Urggh. I don't even know what will I gonna do with you people. Ang hirap niyong paintindihin. Sexy ako okay? sexy. Right girls?" rinig kong pag-aaburoto ni Summer sabay baling dun sa limang babae na nakipag picture sa kanya kanina. Sabay namang tumango ang dalawa at tiningnan si Summer na akala mo ngayon lang nakakita ng maganda. Like hello! maganda din kaya ako. How about me naman? Charoot haha. Ang feeling mo self amp.
"Yes Miss Summer" sagot nung limang babaeng na siyang ikinatawa ko na lang.
"Sige ganto na lang. Kaming dalawa na lang ni Summer ang oorder ng mga foods natin at kayong dalawa ni Dane ang maghahanap ng table para satin. Ok ba yun?" baling ni Kelly kay Cassy.
"It's ok for me. But I think much better if sina Dane at Summer na lang ang maghanap ng table para satin. Kase kita mo naman diba, nag aalboroto na yung isa jan haha" ani Cassy.
"Pwede rin. So ano, ok ka ba dun Dane?" tanong ni Kelly sakin.
"Ok naman kaso may problema eh" mahinang saad ko.
"Anong problema?" tanong ni Summer pagkarating sa pwesto namin.
"Ano kase..."
Pano ko ba kase 'to sasabihin. Acck nakakahiya. Ang tanga-tanga ko talaga.
"Ano yun? Go on. Wag ka ng mahiyang sabihin samin" ani naman ni Cassy.
"Ahm... nakalimutan ko kase yung wallet ko sa bahay. At baka mahal yung mga pagkain dito wala akong per--" di ko natapos yung sasabihin ko ng biglang tumawa sina Summer at Kelly habang si Cassy naman ay napapangiti lang.
"Hahaha oh don't worry dear libre lahat ng foods dito sa cafeteria kaya wala tayong problema jan" sagot ni Kelly kaya napahinga naman ako ng maluwag.
Ang oa mang pakinggan pero kinabahan ako kanina eh. Pagkapa ko kase sa bag wala yung wallet ko and the fact na elite school 'to eh ang mamahal ng mga paninda. Haayst buti na lang libre lang yung pagkain kundi ewan ko na lang.
Umalis na sina Kelly at Cassy upang umorder so kaming dalawa na lang ni Summer ang naiwan dito sa may entrance.
"Mauna ka na muna Dane. Ikaw na lang ang maghanap ng table para satin okay? sorry talaga. Powder room muna ako. It looks like mother Earth is calling me" sabi nito kaya tumango na lang ako bago ngumiti.
Nang makaalis ito ay ini-scan ko ang cafeteria nila. Ang laki talaga. Everything around here screams luxury. Nakakahiya tuloy tumapak sa makinis na tiles nito. Nang makakita ako ng magandang spot ay agad akong naglakad.
Narinig ko pa ang pag open ng double door ng cafeteria at ang mga tili ng mga studyante but I didn't have the time to look back and see what's happening or what's going on kase ang nasa utak ko ngayon ay ang makarating sa pwestong napili ko.
Maganda kase dun kase malapit sa glass wall and outside of that is a garden filled with colorful flowers and a fountain. Nakakarefresh tingnan ng....
BLAAAAAAAG!
"Araaay"
Nadapa po ako dahil may kung sinong adopted ni satanas ang pumatid sakin.
Narinig ko ang paghinto ng tili nila at napalitan ito ng nakakauyam na tawa. Nakakahiya. Magbabayad talaga ang may gawa nito sakin.
Paimpit akong dumaing. Sheems ang sakit ng tuhod at panga ko huhu.
Grabe naman. First day of school nahalikan ko agad yung nakakahiyang tiles ng cafeteria nila. Great. Just great. What a refreshing day to start.
Tumayo ako at pinagpagan ang uniform ko bago ko nilingon ang nakangising mukha ng gumawa nito sakin.
A tall petite girl with a pretty but full of coloring chuchu in the face ang bumungad sakin. Nakangisi ito na habang nakataas ang kanyang kilay. Nakacross arms din ito kaya nagmumukha tuloy siyang kengkoy sa paningin ko.
It was Mina Falko, my aw-so-meanie classmate.
Haayst.
Ano na naman kaya ang problema nito sakin ngayon?
"Ano bang kasalanan ko sayo ha? ang sakit kaya nun" sabi ko pero nagroll-eyes lang ito. Ay maattitude si ate.
"You deserve that b***h! Besides a trash like you shouldn't be here. Mas bagay ka dun sa dumpsite kase nangangamoy basura ka"
ay wow lang ha.
"Doesn't mean na mahirap ako ay wala na akong karapatang makapag-aral sa paaralang ito. Bakit? sayo ba 'tong Juldurayt Academy ha? Ikaw ba ang may-ari nito?Di naman diba so don't actbas if you're the owner here. Please lang" rebat ko naman na ikinatawa ng ilan.
Napanganga naman ito sa sagot ko.
Luhh akala niya mag-papaapi ako? Neknek niya.
Magsasalita pa sana ako ulit ng bigla na naman ako nitong tinulak kaya napaupo ako. Ang sakit ng pwet ko.
Putspa nakakadalawa na siya ah.
"You b***h! don't you dare talk back to me you trash! Know your place. You don't know what can I do with you s**t head. You don't know me you froglet!" inis na sigaw nito.
Napasinghap ako ng maramdaman ko ang malamig na likido sa ulo ko. Ang lagkit.
"Oh my gosh bagay sayo ang maligo sa milk shake hahahaha" tawa ng isang alipor nito na sinang-ayunan naman ng isa pa.
"How poor. Deserve niya yan guys. Besides, ewwness like her doesn't deserves to be in this place. Baka nga may nilandi yang prof dito kaya nakapasok yan sa academy eh hahaha" Mina said while looking at me full of disgust.
Narinig ko naman ang ilang bulungan dahil sa maling pang-aakusa sakin ni Mina.
"Hindi yan totoo---shet" mahinang saad ko.
May ibubuhos na naman sana ito sa ulo ko kaya napapikit ako but then a deep cold voice interrupted us. A deep cold voice interrupted Mina's doing rather.
"Move"
Narinig ko ang pagsinghap ni Mina kaya tiningnan ko kung sino ito.
"Oh my gosh. Prince Zion it's you!" pabebeng tili ni Mina sabay pa cute na kala mo walang binully sa harap niya. Pero dinedma lang ito ni dark prince. Bwhahaha buti nga sa kanya.
Naglakad lang ulit si Zion na tila wala lang sa kanya ang eksenang nangyari sa pagitan namin ni Mina. Nang mapadaan ito gilid ko ay malamig lang ako nitong tiningnan bago naglakad ulit. Narinig ko pa ang paburitong linya nito na...
"Tsk"
Antipatiko.
Di man lang marunong tumulong. Anong klaseng prinsipe ba siya ha? Grrr dark prince siya. Isa nga talaga siyang dark prince!
Naramdaman ko na may mga kamay na umalalay sakin para makatayo ako. Malapit ito sakin kaya amoy na amoy ko ang mabangong amoy nito na sobrang pamilyar sakin.
"Stop it Mina. You're being immature again. Really? Please don't make a scene here." ani nito na siyang nagpakabog ng sobrang bongga sa puso ko.
Isang tao lang naman ang nagpapakaba sakin ng ganto divaah.
"Prince Ryuu" rinig kong saad ni Cassy kaya napatingin ako sa pinanggalingan nito.
Agad akong binitawan ni Prince Ryuu at sinalubong si Cassy. Agad niyang hinawakan ang kamay nito at hinalikan.
"It's nice meeting you again Princess Cassy" ani nito na nagpapula sa pisngi ni Cassy.
May kung anong kirot akong naramdaman sa puso ko ng makita ang pangyayaring iyon.
Nagseselos ba ako?
haayst. Mukha nga.
"Oh my gosh Dane what happend to you? Mina! it's you again? ano na naman ang ginawa mo?" Iritang sabi ni Kelly ng makarating ito sakin kaya nabaling dito ang atensyon ko.
"Okay lang ako Kelly--"
"Anong okay? Look at you. Para kang basang sisiw. Nalingat lang kami saglit binully ka na agad nila. Those froglet clowns"
"Apologize to her Mina." singit ni Summer na di ko alam na nandito na pala.
"Why would I that? totoo naman diba? that freak here is poor. Kaya tayo nangangamoy trash dito kase---" di nito natapos ang kanyang sasabihin ng PAAAAAAK.
Sinampal siya ni Cassy.
Nagulat ang lahat, maging ako, sa ginawa nito.
Napahawak si Mina sa pisngi nito at gulat na tumingin kay Cassy.
"Another bad word for my friend here and you'll taste what you truly deserves Mina. Don't test me. I could easily use my power to drag not just you but also your entire family" seryosong saad nito kaya agad napahakbang paatras si Mina. Fear was evident in her eyes as she look down.
Nagsorry ito kay Cassy pero isang nakakamatay tingin lang naman ang binigay nito sakin bago ito umalis.
Oh-oh. For sure babalikan ako nun waaah.
"Halika na Dane, magpalit ka muna. Basang-basa ka na oh" nag-aalalang saad ni Cassy kaya di na ako nag inarte pa.
Alangan namang ganto lang ako hanggang mamaya. Ang lagkit kaya.
Sinamahan ako ni Cassy sa locker room para kunin yung extra uniform ko para makapagbihis na ako. Haayst buti na lang may inilagay silang extras dito kundi ewan ko na lang.
Sina Kelly at Summer ay nagpaiwan dun para pabalikin sa kanya-kanyang mga gawain nila ang mga studyanteng nakisusyo kanina. Haayst. Sa sobrang inis ko kay Mina di ko man lang naramdaman na pinapalibutan na kami ng mga studyante kanina.
I know babawi yun sakin. Ikaw ba naman ipahiya ng isang prinsipe at prinsesa. I know hindi siya makakaget over dahil dun at sakin niya ibubunton ang sisi niya. Pero bahala na. Anong akala niya sakin magpapaapi lang? Pwes tama siya. Char.
Matapos kong magbihis ay agad kaming bumalik sa cafeteria. Habang pabalik pa kami dun ay napapansin ko ang panay tiningin ni Cassy sa kamay nito na tila kinikilig pa.
"Okay ka lang Cassy?" tanong ko.
Ngumiti naman ito sakin bago nagsalita.
"Yep. It's just that kinikilig pa rin ako sa ginawa ni Prince Ryuu kanina. Those simple gestures of him really suprises me everytime he does those things to me. Gosh, how to unlove him Dane?" nakangiting sabi nito na tila nagpawala sakin ng gana.
Yeah, she likes... wait love pala. She loves Prince Ryuu and hindi malabong magustuhan din siya nito. Bagay silang dalawa at kahit masakit ay kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko kay Prince Ryan. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang sa gusto ko ang taong mahal niya.
"Matagal na pala kayong magkakilala ni Prince Ryuu?" tanong. Curious lang po.
"Yes. Actually, he was a childhood friend of mine. I don't know what's with him and I fall for him this hard. Haha I really don't know Dane. Siguro nga nababaliw nako. Sa kanya nga lang haha" sabi nito sabay tawa ng mahinhin.
I have to admit it. Napakaganda ni Cassy. Walang-wala ako sa kanya. Ayaw ko ng makipagkompitensya. Apaka hirap nito.
Pagkapasok namin sa cafeteria ay halos huminto ang lahat sa mga pinanggagawa nito.
Luhh. Ang awkward.
"Cassy! Dane! Dito oh" tawag ni Summer kaya nabaling sa kanya ang atensyon namin ni Cassy.
Nasa isang malaking rounded table sila ni Kelly kasama ang limang lalaki. Parang sinadya talaga yung pwestong yun sa kanila kaya nahihiya tuloy akong pumunta dun.
"Oh there they are. Tara Dane" saad nito at hinila ako.
Hindi na lang ako nagsalita bagkus nagpahila na lang. Pake ko sa sasabihin ng iba wala naman akong ginawang masama eh.
The moment we entered the cafeteria I could feel those stares that people were throwing at us. I know some of them thinks that I'm a social climber now. Haayst. Ikaw ba naman kasama ang mga bigating tao sa school. Hindi lang basta bigatin kundi mga royalties pa.
"Grabe ang tagal niyong maglakad. Kanina pa ako nagugutom." Saad nung nag-iisang blondie sa grupo.
"So true. Kanina pa nag-aalboroto ang tiyan ko dito and thank God nandito na kayo" sang-ayun naman ni Summer.
"Wow ha ang oa niyong dalawa. Anong kanina pa kayo nagugutom eh kanina pa kayo kain ng kain jan." Sabi ni Kelly.
"Haha wag ka ng magulat Kells eh may mga dragon sa tiyan yang sina Summer at Travis. Kaya ang tataba niyo eh hahahahahha" natatawang saad nung kambal ni blondie na napag-alaman kong Travis pala. Siya yung kasama noon nina Zion at Prince Ryuu sa shop ni Ate Roshie.
"Yuck anong dragon. Oh shut up Trevor, sadyang mabilis lang talaga yung metabolism ko kaya ket parati akong kumakain ang sexy ko pa rin."
"Sexy? san banda? sa paa ba? Tsaka mas sexy pa nga ata yung alaga kong si Potchi kesa sayo" Pang-aasar nung Trevor kay Summer kaya pulang-pula na yung mukha ng dalaga.
"How dare you compare me to a dog Trev. Do I look like a dog to you?" naiinis na saad ni Summer.
Hahahah ang bilis talaga mapikon ni Summer. Kaya bet na bet ko din siyang inisin eh.
"That's enough. Nasa harap tayo ng pagkain guys ano ba" saad ni Travis.
"Oh tama na yan. Sige kayo baka kayo pang dalawa ang magkatuluyan sa huli haha" sabi ni Cassy kaya napatingin ang dalawa sa kanya.
"Eww never in my wildest dreams na magugustuhan ko ang unggoy na yan. Never as in N.E.V.E.R" ani Summer sabay turo kay Trevor kaya napatawa kami.
"Wow ha kala mo naman maganda ka. In your dreams. Di kita type kaya neknek mo" saad naman ni Trevor na may kasama pang make face. Seriously? What's with this guys.
"Okay that's enough. We have guest here. Di pa nga nakakaupo nag-aaway na kayo" saway ni Prince Ryuu.
Nang makaupo kami ay agad akong inentertain nila. Hindi ko alam kung makapal ba ang mukha ko or what, it's just that ang gaan ng loob ko sa kanila. And now nakikipagkwentuhan nako sa kanila.
Napapagitnaan ako nina Summer at Cassy ngayon at ang nasa harapan ko ay ang nakapoker face na si dark prince. His eyes squinted when I look back at him. Napalunok ako kaya agad akong tumingin sa ibang direksyon.
Bat ba ang laki ng problema sakin ng mga taong nandito? Di ba ako welcome dito? if hindi edi wow. Manigas sila kase di nako aalis sa paaralang ito. Sayang kaya haha.
"By the way kilala mo naman ata ako di ba haha. I'm Ryan Ryuu Strauss. You can call me Ryuu" saad ni Prince Ryuu sakin sabay ngiti.
Inilahad niya ang kanyang kamay kaya agad ko itong tinanggap and shemaaay gulay... ang lambot ng kamay. nahiya yung magaspang kong kamay eh.
Pero kyaaah nginitian niya ako. Ohhmygossh mamaaaa ang ganda ng mga ngiti niya.
But no. Wag kang kiligin. Di ka pwedeng mahulog sa kanya. Hindi pwede.
Tumango ako bago nagsalita.
"It's nice meeting you Prince Ryuu. I'm Dane Crisjen Lee. Dane was fine with me"
"Haha just drop that prince Dane. I'm fine with Ryuu. Besides, from now on you can be friends with us. You should drop the formality okay?"
Ano daw? sa lahat ng sinabi niya yung word na FRIENDS talaga yung nangingibabaw. Ouch! pain! Pighati! huhu.
"Eh? diba bawal yun? baka may makarinig sakin edi patay ako" sabi ko at tumawa ng mga ito.
"Just don't mind them. I'm Neill Trevor Wisteria by the way. And this is my voracious twin brother Ash Travis" saad ni Trevor
"Hey! Anong vocarious? Di kaya. Upakan kita jan" sabat ni Travis ket may pagkain pa ang bunganga nito.
Napaisip naman ako. Wisteria? wait a minute. Does that mean.
"Kayo ang mga prinsipe ng Ornilla Kingdom?" gulat na tanong ko. For sure ang laki ng mata ko ngayon.
"Yours truly" sabi ni Trevor sabay kindat.
"Eww so gross Trevor. Don't just wink randomly on someone will you? Baka mahawa sila sa sakit mo sa mata" ani Summer kaya ayun, nagbangayan na naman ang dalawan at nagsimula na namang mag-ingay ang kasama namin sa table.
Haha hate na hate talaga nila yung isa't isa. In the end di nako magugulat pag nagkadevelopan yang dalawa. Sabi pa nga nila, the more you hate the more you love haha.
"Haayst ang ingay niyo. Will you just eat silently. Nakakarindi yang mga bibig niyo" saad nung katabi ni dark prince.
"Isa ka pa eh. Kala mo kung sinong silent type of guy eh pag nandito si Jazzmine nangunguna ka pa kakakulit sa kanya. Nangunguna pa yang bunganga mo kakaingay" kantyaw ni Summer at ang isa napapailing na lang.
"By the way, bat wala yung babaitang yun dito? Wala ba siyang balak pumasok?"
"Tinatamad daw siya pumasok" sagot nito habang nasa pagkain ang atensyon.
Napangisi naman ang sina Cassy, Kelly at Summer.
"Ayieee updated hahahahaha" sabay-sabay na sabi ng mga ito kaya napailing na lang yung lalaki.
Wait, sino si Jazzmine? and ano daw? first day of school tinatamad pumasok. Wow ang galing. Isa siyang legendary sa lagay na yan hahahahaaha.
"Nga pala Dane, yan si Prince Phoenix Axl Atkinson. Prinsipe ng Saillune Kingdom" sabi ni Cassy kaya eto gulat na gulat ako. Di ko nga alam na napatayo na pala ako kaya napatingin silang lahat sakin.
"Isa ka sa mga prinsipe ng Saillune Kingdom?" gulat na tanong ko.
Nakita ko kung pano ito ngumiti at tila manghang-mangha sa kamang-mangan ko. Charoot.
"Yeah. Bakit? may mga masasamang bagay ka bang narinig tungkol sa pinagmulan ko?" tanong nito kaya agad akong umiling.
Umupo muna ako bago sumagot sa kanya.
"Wala naman. Sa totoo nga gustong-gusto kong makapunta sa Saillune. Tsaka naiintriga ako sa royal family ng kingdom. Dalawang prinsipe lang kase yung pinakilala sa lahat. Teka, diba tatlo kayong magkakapatid? asan yung isa?" sabi ko na ikinatahimik nila na tila may masama akong nasabi.
Nagulat ako ng biglang padabog na tumayo si Prince Zion at masama akong tiningnan. Si Axl naman ay tila nawalan ng gana sa pagkain habang ang mga kasama ko ay tila concern kung makatingin sakin.
"I lost my appetite. Damn it" sabi ni Prince Zion bago umalis ng hindi man lang kami tinapunan ng tingin.
"I---I think I gotta go too. Pupuntahan ko muna si Zion" saad naman ni Axl at umalis na.
Pagkaalis nila ay katahimikan ang bumalot sakin.
"You shouldn't have said that. Look what you've done Dane" naiinis na sabi ni Travis.
"You should have just keep your mouth shut"
Teka? ano ba kasing mali sa sinabi ko?
"Wag mo nga siyang pagsalitaan ng ganyan Travis. She doesn't know anything. It's not her fault kung naging ganun ang dalawa." sabi naman ni Kelly.
"Kahit na. The mere fact she opened that topic says it all--"
"That's enough Travis, she doesn't know a thing. Let's just drop this topic okay? kumain na tayo. Malapit ng magsimula ang afternoon class" sabi ni Prince Ryuu kaya sumang-ayon na lang ang lahat.
Pagkatapos naming mag lunch ay binagtas na namin ang daan patungo sa afternoon class namin. Magkaiba ang room na gagamitin ng boys at girls sa oras na ito dahil iba ang proper etiquettes naming mga girls sa boys.
Bumalik na ang sigla ng tatlo pero ako heto parin at napapatanong kung anong mali sa sinabi ko kanina.
Ano ba kase yun? curious lang kase ako. Tsaka ganun ba yun ka big deal at galit na galit sila?
Napatingin naman ako kay Cassy ng hinawakan nito ang kamay ko.
"Just don't think about it Dane. Don't make what happend earlier overthink you okay?" ani nito.
"Pero kase... nagtatanong lang naman ako Cassy. Di ko alam kung bakit ganun na lang sila kagalit sakin ng tinanong ko iyon"
"May nangyari kase before sa family ni Axl and malaki ang impact nito sa kanya lalo na kay Zion. No one knows what it is but one thing we can tell you is don't open that kind of topic again especially when those boys are around"
"Tama si Cassy, Dane. Nangyari din yan samin noon. Kase naman eh, nakakacurious naman talaga kung anong nangyari dun sa kambal ni Axl. Bigla na lang hindi nagpakita" saad naman ni Summer.
"May kakambal si Prince Axl?" gulat kong tanong.
"Oo. She's a princess but she was no where to be found since that incident happend. Some says she died while some says she's just on their castle being protected by the royal family" sagot ni Kelly.
"It's been decade since the last time I saw her. Tho sa television ko lang siya nakita noon pero trust me, ang ganda niya talaga. Nakakainggit grabe. Kamusta na kaya siya ngayon no? For sure mas lalo siyang gumanda ngayon hihi" ani Summer.
What the....nakakacurious na nakakasakit ng ulo naman yan.
So basically, siya yung ikatatlo... yung prinsesa nilang isang dekada ng hindi nakikita ng lahat.
"Haayst tama na nga yan..Pasok na tayo sa room" sabat ni Cassy sa usapan.
Dun na natapos ang usapan namin kase pagpasok namin sa room ay nandun na si Miss Selene at magsisimula na ang kanyang klase.