Chapter 6

3034 Words
DANE's POV "And this will be your room. Tadaa~~" energetic na saad ni Cassy kaya napangiti na lang ako. Nang makapasok kami ay saka ko nilibot ang mata ko sa loob ng napakalaki at napakaaliwalas na kwartong kinaroroonan namin ngayon. "Woah! seriously Cas? Dito talaga ako matutulog? Ang laki naman nito nakakahiya tuloy. Pwede namang sa maid's chamber na lang ako--" "Oh no you don't. You're my very bestfriend that once became my saviour kaya whether you like it or not you'll gonna be treated like a princess as me. Ang galing ko talaga noh" ani nito kaya napabuntong hininga na lang ako. "But I'm not a real princess like you Cassy. Isa lamang akong hamapaslupang nagmula sa baba. Sa tingin ko lahat ng kabutihang ginagawa niyo ay sobra-sobra na para sakin" sabi ko at yumuko habang kinukurot ang pinky finge ko. Hobby ko na kase 'to lalo na pag nasa isang sitwasyong wala akong mahanap na panakip butas sa kasalanag nagawa ko or ano pa man jan. Or pwede rin pag naaawkward nako sa isang sitwasyon ganto yung ginagawa ko. "Ang laki na ng utang na loob ko sa inyo ni Ate Roshie. Nakakahiya tuloy" dagdag ko kaya hinawakan nito ang kamay ko. She intently look at my eyes and said this words. "Don't you dare think about it Dane dahil una sa lahat hindi ikaw yung may utang na loob sa iyo kundi kami ng parents ko. Just think of what we are offering you as our gratitude for what you have done in the past" sabi nito at hinila ako sa napakalambot nitong kama upang makatabi sa pag-upo. "Remember Dane, you didn't just save a simple girl that day. You've save a princess. Utang ko sayo ang buhay ko. Kung hindi dahil sayo baka wala na ako ngayon" "But--" "No more buts. Besides, you and your father didn't receive any rewards for saving me. Kahit anong alok namin sa inyo ayaw niyo pa rin itong tanggapin kaya isipin na lang natin na ito na yung kabayaran namin sa inyo lalo na sayo." Haayst. May magagawa pa ba ako? "Idagdag na lang natin na dahil sa tagpong iyon ay naging bestfriend kita" Napatawa naman ako sa sinabi nito. "Hahaha may magagawa pa ba ako." sabi ko na ikinangiti nito ng malaki. "Pero sa totoo lang komportable na sana ako sa apartment na meron ako kaso pumasok ka na naman sa eksena" sabi ko at ngumuso kaya nakatanggap ako ng palo sa braso kaya natatawa ko naman itong tiningnan. "What?" "Eh sira ka pala ehh. Of course ket sinong bestfriend gagawin 'to lalo pa't ang tagal nating hindi nagkita" "Sabagay" "By the way. How 'bout your dad? How is he? Where is he now?" tanong nito. Kaya malungkot ko itong nginitian. May kung anong kumirot sa puso ko at tila nag-iinit ang sulok ng mga mata ko. I look at the ceiling to avoid my tears from falling. After that I look at her again and smile. Hindi niya pa kase alam na wala na si papa. Ang alam niya lang is pinalayas ako ni Tiya dahil sa aksidenteng nangyari sa karinderya nito. "Matagal ng wala si papa. Mga three years na rin" Kita ko naman ang gulat na rumehistro sa magandang mukha nito. Oo guys, three years ng wala si Papa. Namatay siya dahil sa mga taong bumaril sa kanya habang naglalakad ito sa kalye. Dead on the spot si papa. Ang ikinagalit ko ngayon ay hindi man lang nahuli ang mga pumatay sa kanya. Nahuli nga sa cctv ang pagpatay sa kanya pero hanggang ngayon hindi pa rin nahuhuli ang maysala. It was like the justice I want for my father was in vain. Ni hindi ko nga alam bakit nila ginawa iyon. Wala namang pera si papa. Mahirap lang kami kaya bakit ganun? Ano yun napagtripan lang nilang barilin si Papa? Putspa! Iyon ang gusto kong malaman. Gusto kong nakamit ang hustisya sa pagkamatay ni papa. Mananagot ang dapat managot. "Ohh my gosh. I'm really sorry to hear that." sabi nito. "Now that can be a valid reason for you to stay in my place. You can't go anywhere and find a stable job lalo pa't 17 years old ka pa lang. Much better to stay with us. We could be your new family" sabi nito kaya napaiyak na ako. "Waaah thank you so much Cassy. Hulog talaga kayo ng langit. Huhu ngayon naniniwala na talaga akong favorite ako ni Lord" sabi ko at niyakap ito. "Hahaha sira. Ge ayusin na natin yung mga gamit mo?" ani nito kaya pinunasan ko na ang mg luha ko at ngumiti. "Game" sabi ko. Kung nagtataka kayo kung pano ko siya nakilala well it was seven years ago. Habang naglalako ako ng sampaguita ay napadaan ako sa isang eskinita at dun ko nakitang may pinalilibutang batang babae sina Boron. Sina Boron ay kapwa ko din bata kaso iba sila kesa sa normal na mga bata. Dahil laki sa hirap natuto silang gumawa ng mga bagay na ikinasasama nila tulad na lang ng pagnanakaw. Ang grupo nina Boron ang isa sa mga kinaiinisan kong grupo dito sa amin dahil kahit mga bata pa ang mga ito ay marunong na silang manakit ng tao. When I say manakit I mean it. Kaya nilang manakit ng pisikalan para lang makuha nila ang gusto nila sa isang tao. Nakakabanas nga kase sumusobra na. Ilang beses na silang nabulilyaso sa ginagawa nila pero go pa rin ng go. Mga pasaway nga talaga. At nung time na yun dun ko nakita kung pano sila manakit ng kapwa. They threaten her that if Cassy won't give her things to them, they will kill her. Eh ito namang si Cassy ayaw kase pag ibibigay niya daw ang mga damit na dala niya sa kanila eh wala siyang masusot lalo pa't naglayas daw siya. Sasaktan na sana siya ni Boron ng punasok ako sa eksena. Di ko kase matake na binabastos at inaalipusta ang isang babae. Literal na nakakabanas. Ewan ko ba kung anong nakain ko at nilapitan ko sila at pinaalis. Kaya ang ending nag-away kami. Mabuti na lang maruning akong mag taekwando. Hahaha trivia lang po. May alam po ako sa larangan na yan and I'm proud to say na si Papa ang may turo kase nun. Black belter kase iyong paps ko sa kapanahunan niya. Oh well back to the topic, dahil sa kaengotan ko ay nasaksak ako sa tagiliran dahil sinangga ko ang katawan ko kay Cassy. Pano ba naman siya yung pinuntirya ni Boron. Walangya yun. Tapos ayun buti na lang may mga pulis na napadaan sa area at hinuli sila. At kami naman ni Cassy ay pinadala sa ospital. Tinawagan nila si Papa para ibalita ang nangyari at ang ending nakatanggap ako ng batok dahil nagf-feeling hero ako. Yan tuloy malapit akong madeads. Pero ok lang atleast may natulungan ako noh. At si Cassy naman nung mga panahong yun ay pilit naming pinapasalita. Ayaw niya kaseng sabihin kung san yung bahay niya upang iuwi siya ni Papa. Nalaman kase nito na naglayas kaya ayun nagigol ang dad ko. Haha. Ewan ko ba kung pano ko naging kaibigan si Cassy nung mga time na yun. Basta ang alam ko after kong makalabas sa hospital ay binibisita na ako nito. Naglalaro kami at minsa'y dinadala niya ako sa mansion nila which is itong mansion na tinutuluyan namin ngayon. Pagmamay-ari niya ito kaya ang bongga divaah. Iba talaga pag mayaman may sariling bahay ka agad ket hindi ka pa nakapagtapos ng pag-aaral. Hahaha. Tapos ayun nagkahiwalay kami 5 years ago. Nalaman kong aalis na siya at sa states na maninirahan kase dun siya mag-aaral. Nakakalungkot syempre pero ok lang. Alam ko naman kase na magkaiba yung mundo namin kahit ituring pa naming kaibigan ang isa't isa. Ang panget kayang tiningnan noh? yung mahirap ka tas kaibigan mo mayaman. Palagi kang napagkakamalang gold digger. Haayst. At nung pumunta siya sa states dun na talaga kami nagkahiwalay. Wala na kaming balita sa isa't isa pero wala ehh, what a small world we have here. Hindi ko akalaing magkikita ulit kami and by this time patitirahin niya ako sa mansion niya. Apaka bongga divaah. Hahhha charot. "What? ayoko. Bestfriend kita kaya whether you like it or not I won't treat you like that. Ayoko as in A.YO.KO" napasimangot naman ako sa sinabi nito. "Ehh sige na please. Para iwas chismis na rin. Isipin mo kung anong sasabihin ng mga tao pag nakita nilang magkasama tayo. Ket sabihin mo mang bestfriend mo ako mahihirapan silang paniwalaan yun." Andito kami ngayon sa garden niya. Pagkatapos kase naming mag-arrange ng mga gamit ko ay kumain na kami. Tapos after nun napag-isipan naming dumito muna sa napakalaking garden niya na puno ng sunflowers. "No. Ayoko pa rin." sabi nito at lumapit sa mga sunflower nitong nandito sa garden niya. Haayst bat ang hirap kase nitong paintindihin. Grr. "Sige na Cas. Personal Assistant lang naman yung hinihingi kong proposal sayo kapalit ng pagpapatira niyo sakin. Sige na please. Para naman ket papano may maitulong ako. Sige na please" ipinagdaop ko pa ang mga palad ko at nag puppy eyes. Wuhhshu sana efective. "Yaaah Dane wag ka ngang magpuppy-eyes" histerikal na ani nito kaya napakunot ang noo ko. "Luhh bakit? cute kaya yung puppy-eyes ko. See" sabi ko at ginawa ito ulit. Hahaha tumili ito kaya napatawa ako but the next thing she did hurts alot. Gigil na gigil ata 'to sa pisngi ko kaya grabe kung makakurot dito. "A--araay. Ang shakeet Casshy, shtop it" nahihirapang saad ko. Huhu grabe kung mangurot ang babaeng 'to. Buti na lang binitawan na niya ang pisngi ko kaya napahawak ako dito at nagpout. "Haayst may magagawa pa ba ako" feel ko lumiwanag yung mukha ko ngayon. "Ohh my gossh. Thanks a lot Cassy" tili ko at napayakap pa ako dito. "Princess Cassy, sorry for the disturbance but your friend is on the line" ani ng magandang maid na lunapit samin. "Great. Then this would be our chance to introduced you to my friends which I know will be your friend too in the future" excited na sabi nito at hinila ako. Halos takbuhin na namin ang napakalaking mansion nito para makarating sa sinasabi nitong net-room. "Ahm Cassy, baka ayaw nila sakin. Wag mo na lang kaya ako ipakilala" sabi ko habang hila-hila parin ako nito. "Nah. I know they would love you" baling nito sakin at ngumiti. Nang marating na namin yung net-room na sinasabi nito ay halos mahulog ang panga ko sa gulat. Shemms alam kong mayaman sila pero di ko inextpect na may kwarto talaga sila dito na halos puro computers ang nasa loob. And guess what, they also have this big screen which looks like a television for me. Grabe... iba talaga pag mayaman. "Woah ang daming computers dito" mahinang saad ko. "Hahaha you bet. And also halos lahat ng 'to mula sa company namin kaya hindi na nakakagulat na andito 'to sa bahay. My mom loves to collect different models of it" sabi nito kaya napatango na lang ako. Ang astig ng mom ni Cassy. Imba talaga. "Kyaah bat ang tagal mong sagutin ang tawag ko Cassy? Halos mamuti na tuloy ang buhok ko kakahintay sayo dito" rinig kong saad ng babae sa screen. Tumawa si Cas bago sumagot. "Hahaha sorry naman Summer girl. By the way? what's with the call?" tanong ni Cassy. Gusto ko sanang lumapit para makita yung mukha ng kung sinong tumawag kaso nahihiya ako. Yokong epal kaya wag na lang. "Hahaha maya ko na sasabihin. Wait may chika---" hindi na siya pinatapos ni Cassy ng mgsalita ito. "Save that chika later. By the way, I have someone who I'm dying to introduce to you" nakangiting saad ni Cassy at bumaling sa direction ko. "Aysus. Baka another crushie mo na naman yan" sabi nito kaya napatawa si Cassy. "Na iba 'to. And yaah loyal ako kay Ryan kaya wag kang ano jan" sabi nito. Hinawakan nito ang pulsuhan ko at iniharap sa screen. "Summer meet my long-lost bestfriend." dagdag ni Cassy na siyang nagpagulat dito. Kita ko pa nga ang paglaki ng mata nito. "Kyaah I thought you were just kidding when you've told us about her. Is she the girl who save you before?" "Yep. By flesh she is" sagot ni Cassy kaya nahihiya akong ngumiti. "Ahm hello" sabi ko at ngumiti. "Ohh my gosh you're so pretty. Hello there, I'm Summer Gail Trumann. It was a pleasure to meet you and can't wait to meet you in person. " napakalaking ngiti nito sa kanyang mukha. "Haha Dane Crisjen at your service m'am." ani ko na nagpapout dito. "Haha you're so formal. So Cassy, can I also be friends with her?" sabi nito kaya nagulat ako. "Sure. I knew you'll love her as I do. Dane here is so nice" "Kyaah can't wait to be there soon. Can't wait to meet you in person Dane" "Haha same here." "By the way. Bat ka nga pala napatawag?" tanong ni Cassy kaya mas lalong lumapad ang ngiti ni Summer. "Kyaah ito na. Uuwi na ko jan. Huhu summer vacation is completely done and it's time to return to school. Ayoko pa huhu. Can someone extend summer for me?" pagmamaktol nito kaya napatawa kami ni Cassy. Oo nga pala malapit na yung pasukan. Haayst. "Really? kailan yung flight mo?" "The day after tomorrow. My mom also told me na jan na lang ako bibili ng school supplies so naisipan kong sabay na lang tayo. Please" "I would love too. I'm so excited. Sana sumama si Kelly satin" excited na saad ni Cassy. "Hahah ang sabihin mo sana sumama si Kelly kase for sure sasama din si Prince Ryuu. Hahhha iba ka din Cassy eh. " pagkarinig ko sa pangalan ni Prince Ryuu ay bigla akong kinabahan. Feel ko uminit yung pisngi ko. Kyaah. Pero wait? close sina Cassy at Prince Ryuu? "Hahaha you know what Dane, this princess of ours has a huge crush on Prince Ryuu. Ayiee sa tingin ko nga may something sa kanilang dalawa eh. Grabe kung makatingin sa isa't isa" dagdag ni Summer. "H--hindi naman sa g--ganun. H-hindi kaya yan to--totoo. Walang somethinh samin ni Ryan" sabi ni Cassy habang namumula ang kanyang pisngi. Oh, she's stuttering. How cute. Kaso..... May kung ano namang kumirot sa puso ko. Huhu oo alam kong bago lang kami nagkakilala ni Prince Ryuu and I can't change the fact na crush ko siya. And knowing my friend here has a huge crush on him is a different kind pain. Lalo pa't royalty silang dalawa kaya hindi malabong maging sila. Maybe I should stop this lalo pa't hindi pa lumelevel up yung pagka-crush ko sa kanya. Haayst ano ba yan. Ngayon pa nga ako nagkakacrush ng ganto eh wala na agad chance. Haayst pambihira. "Hahaha to naman kinikilig agad. Ohh wait. Talking about Ryu. I've heard he's already there. Nagkita na ba kayo?" tanong ni Summer kaya napailing si Cassy. "Hindi pa nga eh. Pero nabalitaan kong napadaan siya sa shop ni Ate Roshie. And guess what Sum, he even save Dane here from those bad guys who entered Ate Roshie's shop. Isn't it amazing? kyaaah" nahiya naman ako sa sinabi ni Cassy. "Wooah! Really? that's nice. Ryuu wasn't that bad after all unlike Zion hahaha" ani Summer. Nakita ko namang natahimik si Cassy after yun sabihin ni Summer. "Haayyst let's not talk about them na nga." sabi ni Cassy kaya napangisi si Summer. "Sino ba yung ayaw mong pag-usapan? Si Ryuu or Zion?" "Ha-ha-ha" sarkastikong tawa ni Cassy. "Tatawa na ba ako o sasagutin ko yan ha Summer?" Tanong nito. Wait, magkaibigan or let's just say na magkakilala sila nung dark prince na yun? at bakit ganun yung reaksyon niya matapos banggitin ni Summer si Zion. Hmm may something ba sa kanilang dalawa? "Hahaha 'to naman di mabiro. Okay change topic na nga tayo" sabi ni Summer at nilalaro ang tip ng kanyang buhok. Sa totoo lang ket sa screen ko lang nakikita si Summer masasabi kong napakaganda nito. Pano na lang kaya sa personal baka maging tibo na ako. Hahaha chos. "About Kelly pala. Don't worry I'll contact her... I'll contact them for you hahaha. And Dane, sabay ka na rin samin" napatingin naman ang dalawa sakin. Ohh no you don't. "Ahh hehe wag na. Baka may trabaho ako sa time na yan kaya kayo na lang" sabi ko. Haha naninigurado lang po ako. Besides, alam kong sa sosyal na mall pupunta ang mga 'to. Mga hindi ko maafford yung mga items dun. And also, maghihintay pa ako sa sweldong ibibigay ni ate Roshie sakin. "Nahh sasama ka samin whether you like it or not hihi" ani Cassy. "Pero--" "Ok that's it. Sasama ka samin para naman makilala mo si Kelly at makita kita in person. Kyaah excited na tuloy akong umuwi jan" haayst. Lord help me huhuhu. "So that's settled then. Gagala tayo ha" nakangiting saad ni Summer na sinang-ayunan ni Cassy. Haayst. Sana may excuse ako sa araw na yan. Alam ko kasing ala akong takas dito kay Cassy. Matigas pa naman ang ulo nito. Pagkatapos naming umalis sa net-room ay sinabi ko kay Cassy na aalis muna ako. Pupunta kase ako shop ni ate Roshie. Sumang-ayon naman siya kaso sasama siya sakin dahil gagala daw kami. At nung paalis na sana kami ay dumating ang parents niya at sinabihan kaming wag umalis dahil magd-dinner daw kami. Tuwang-tuwa nga si Cassy. Ayoko sanang sumama kaso nagpumilit sina Tita Isabelle at Tito Jack na sasama ako sa kanila. Tuwang-tuwa pa nga ang mga ito dahil for five years nagkita ulit kami ni Cassy. Yaaah bat ganun? Di naman ako parte ng pamilyang ito eh. We're not even blood related so bakit ganun? bakit ganun sila magcare sakin? waaah nakakaflutter kase ket papano may pamilyang handang kumupkop sakin at ituring akong parte ng pamilya nila. Kaso nakakahiya eh. Ano na lang ang sabihin ng iba. Kilala pa naman ang pamilya nila lalo pa't royalties ang mga ito. Huhu bat ganun? bat pinapalibutan ako ng mga taong royalty? ano bang ginawa ko sa past life ko at kailangan kong maranasan ang ganito? huhuhuhu bat ganun?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD