***Sam's POV***
Nakasandal lang ako sa passenger seat ng kotse ni Mommy habang pinapanood ang boring at nakakaantok na tanawin ng probinsyang kinalakihan niya.
Lowbat ang phone ko, sumasakit ang ulo ko, at kasalukuyan akong sinesermunan ni Mama tungkol daw sa kinabukasan ko.
"Nakikinig ka ba, Sam?"
Hindi ko siya tiningnan. Ngumuya lang ako ng bubble gum at tinitigan ang sarili kong repleksyon sa bintana.
"Nakikinig ako," pagsisinungaling ko. "Blah blah, huwag ma-kick out, blah blah, sumunod sa rules."
"I'm not kidding around, Sam," asik niya sa akin, ramdam ko ang talim ng tingin niya. "Kaibigan ko dati ang head ng department dito. Malaking pabor ang ginagawa niya sa akin para lang payagan kang mag-enroll."
Sus, talaga ba? Sanay na si Mommy na paikutin ang mga tao para makuha ang lahat ng gusto niya.
"Masyado ba siyang boring?" tanong ko sabay lingon sa kanya nang may mapang-asar na ngiti. "Ayokong mastuck sa klase niya kung puro sermon lang ang gagawin niya."
Nagtagis ang bagang ni Mama. "Professor Julian Sinclair ang pangalan niya. At aayusin mo ang ugali mo. Hindi siya uubra sa mga laro mo, Sam. Masyado siyang istrikto at hinding-hindi siya madadala sa mga pakulo mo."
Bigla akong nakaramdam ng interes. Para sa akin, hamon ’yun. Para namang hindi pa ako nilala ni Mommy.
"Professor Sinclair," bulong ko. Tunog ng taong masyadong seryoso sa buhay. "Mukhang kailangan niyang mag-relax."
"If ma-kick out na naman dito, puputulin ng tatay mo ang allowance mo. Wala nang credit cards, wala nang shopping, wala lahat. Naintindihan mo?"
Nag-hum lang ako para matapos na ang sermon niya. Naging tahimik ang biyahe hanggang sa makarating kami sa unibersidad.
Wala itong binatbat sa mga dati kong school. Malaki nga, pero luma, nakakatakot, at ayoko rito. Para namang Haunted House 'to.
Huminto kami sa tapat ng isa sa mga building. Unang bumaba si Mommy, huminga muna ako nang malalim bago sumunod at padabog na isinara ang pinto.
Tumingala ako sa dorm building. Mukha itong lumang kastilyong nakaka-depress tignan. Pero may nakita akong pigura na nakatayo sa may hagdan malapit, at parang may kung anong kaba sa dibdib ko.
Huwag mong sabihing natatakot ako sa Professor Sinclair na ’to? Jeez, this is not me.
"Julian," tawag ni Mama, biglang naging sweet at pormal ang boses.
Lumingon ang lalaki sa amin.
Jesus, fuck...
Sabi ni Mama professor siya, kaya ang inaasahan ko ay matandang may balbas at malaking tiyan. Oo, may edad na siya, siguro kasing-edad lang ni Mommy, pero hindi ko inaasahan ang ganitong itsura.
Matangkad siya, suot ang simpleng black tux at puting polo sa loob. Halatang may malalaking muscle sa ilalim ng suot niya. Maitim ang buhok, may stubbled jawline at ang mga mata niya sa likod ng kaniyang eye glasses ay parang ang lamig.
Hindi siya ngumiti. Pinanuod lang niya kaming lumapit habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa. Hindi niya muna pinansin si Mommy, ang tingin niya ay nakapako lang sa akin. Pakiramdam ko, para niya akong dinidiin sa pader.
Hindi lang basta malamig ang mga mata niya, parang iting walang buhay. Sobrang blangko at nakakatakot ang pagka-kalmado nito.
"Michaela," bati niya kay Mama. Ang lalim ng boses niya, ramdam ko ang bibrato sa talampakan ko.
Tiningnan niya ako ulit, at sa unang pagkakataon, naramdaman ko na kailangan ko yatang tumahimik.
"Ito si Samantha," sabi ni Mama sabay tulak sa akin nang bahagya.
Kadalasan ay may nakahanda akong banat o pekeng ngiti, pero tuyong-tuyo ang lalamunan ko. Sa lapit niya, amoy na amoy ko ang panlalaking pabango niya at ang sarili niyang bango.
Mukha siyang taong hindi lang basta nagtuturo ng leksyon, mukha siyang namamarusa gamit ang sarili niyang mga kamay.
"Miss Maddison," bati niya. Hindi siya gumalaw, pero pakiramdam ko ay kailangan kong umatras. "I’ve heard... interesting things about you."
"Oh, I'm sure, Professor," sinubukan kong sumagot nang pabalang, pero parang bulong lang ang lumabas sa labi ko.
Bahagyang dumanas ang dilim sa mukha niya. Sa isang saglit, nakalimutan ko ang plano kong ma-expel. Sumisigaw ang utak ko na tumakbo, pero hindi ako makagalaw.
"Sana nga puro magagandang kwento lang narinig niyo mula kay Mommy," dagdag ko, pilit na binabalik ang tapang ko. Pinutok ko ang bubble gum ko at tinaas ang kilay. "Though I'm sure my mom told you how much of a brat I am."
Bumaba ang kamay ni Mama sa balikat ko, baon na baon ang mga kuko niya. "Ayusin mo ang pananalita mo, ano ba?"
Hindi ako humingi ng tawad, nagkibit-balikat lang ako at nagpanggap na bored. Sinipat ko ang suit niya, naghahanap ng kahit anong nali, pero ang perpekto niya tignan.
Nakakainis.
"Bakit?" hamon ko. "Nagsasabi lang ako ng totoo. Kung istrikto siya like you said, dapat ma-appreciate niya na hindi ako plastic."
I looked back at him, expecting him to snap. But he just stood there, watching me like I was a puzzle he’d already solved.
Ang bigat ng katahimikan, at ang paraan ng pagtingin niya sa akin... na parang alam na alam na niya kung paano nita ako iha-handle. Nakakakaba.
"It's okay, Michaela," sabi niya, ang mga mata ay nakapako pa rin sa akin. "I prefer knowing exactly what I’m working with. It makes the... adjustment period much faster."
"See? Okay lang naman sa kanya," bulong ko, ang ngisi ko ay parang pilit na lang. "We'll get along really well, Professor."
"Samantha, shut up," sitsit ni Mama, pulang-pula na sa hiya. "Pasensya na talaga, Julian. Ganyan na siya kanina pa. I promise she’ll be more cooperative once she's settled."
"I'm sure," sagot niya. Humakbang siya nang isa palapit, lalong naging dominante sa harap ko kaya napatingala ako. "One way or another."