Prolouge:
"you know what Quinn? I hate you! I hate you sooo much! lahat na lang inagaw mo saken. "
nanggagalautung sigaw ng isang babae
'sino sya? bakit nya ako tinawag na Quinn? Sino yun? tsaka bakit kami nandito sa masukal na parte ng gubat?.'
nagtatakang tanong ko sa sarili ko.
inilibot ko ang aking paningin at napakadilim sa paligid. masukal madamo at napakaraming nagtataasang puno.
"a-anong sinasabi mo?"
"damn stop acting too innocent Quinn..."
teka hindi ko maintindihan. naguguluhan na ko. bakit nya ba ako tinatawag na Quinn tsaka bakit galit na galit sya saken.
"teka! nasan ba tayo? nasan si mommy at daddy?.."
naguguluhan man ako sa tinuran ko ay pinili ko na lamang alamin ang mangyayare.
"YOU ARE SOOO STUPID! SANA HINDI NA LANG KITA NAGING KAKAMBAL. SANA NAMATAY KA NA LANG! I HATE YOU!.." galit na galit na sigaw nya sabay marahas akong itinulak dahilan para patumba ako.
"ahh.. inaano ba ki---waaahhhh"
"OH MY GOD!QUINN. MOM! DAD! SI QUINN" rinig kong sigaw nung babae.
hinang hina man ay pinipilit kong bumangon. pero dahil sa saket ng likod ko dulot ng lakas ng pagka hulog ko ay hindi ako agad agad na naka bangon.
iginala ko ang ang paningin.
nahulog ako sa isang patibong. marami rin akong sugat sa braso at sa hita ko. mainit na likido ang tumutulo sa ulo ko marahil ay naumpog ako sa mga bato dito. nakakaramdam na rin ako na hilo dahil sa sobrang saket ng ulo ko.
nakarinig ako ng yabag papalapit sa gawi ko. pero bago ko pa maaninag kung sino ito at humingi ng tulong ay nilamon na ng kadiliman ang diwa ko.