13: My Loving Marcus

1660 Words
Naramdaman ni Sue na kinuha ni Marcus ang tablet sa kamay niya. Iginilid na nga niya ang kamay para hindi nito makita. Pero napansin pa din pala ng lalaki. Napadilat tuloy siya. Buti naman at nakatapis na ulit ito. "Basta kapag nag init ka, bukas lang ang pinto ko Kamahalan.." Oo, nag-init siya. Nag-init ang pisngi niya sa inis dahil sa sinabi nito. At ang ngiti nitong parang nang-aasar pa. Kinindatan pa siya nito! "Umalis ka na nga!" "Pede naman nating dito na lang gawin, okay lang naman sakin." Papalapit pa ang lalaki sa pwesto niya. "Marami ng nabitin, gusto mu ba ituloy na natin ang mga yun.." Binato niya ng unan. "Makuha ka sa tingin Marcus. Labas!" Natakot naman yata sa titig niya kaya umayos ito ng tindig. "Sus, babaw talaga, pakipot pa. Namboboso naman!" saka ito lumabas dala ang piraso ng baso na nilagay sa box na naroon. Nainis siya. Tinago na niya ang tablet. Sa sobrang inis lumabas siya ng kuwarto. Hindi lang kay Marcus siya nanggagalaiti sa inis. Kundi pati mismo sa sarili niya. Sa ginawa niyang sekreto. Walang pasabi at katok na binuksan niya ang pintuan ng katapat na kuwarto. Nagulat si Marcus na noon ay nakatapis pa din. "O ngayon na ba kaagad?" malapad na pambungad nito sa kanya. Dinipa pa ang mga braso para mayakap siya. Pero di nya pinansin ito. Kinuha niya ang hidden camera na nakatago sa isang butas ng cabinet doon. "Sabi ko na nga eh," kumpirmadong sabi ng lalaki. "O bakit kinukuha mo na?" Napairap siya sa lalaki. "Okay lang naman sakin na nag-i-spy ka sakin." Dinig na dinig pa niya ang hagikgik nito. May pagka-manyak din talaga tong loko. "Akala ko may mapapala ako kaya nilagay ko to. Wala naman pala." "Ano namang ibig sabihin nun?" Palusot lang niya yun, kasi bistado na siya. Totoong duon niya nilagay ang hidden camera sa kuwarto nito para mamatyagan ang galaw nito. Gusto niyang alamin ang ibang pinagkakaabalahan nito. Kasalanan ba niya? Na laging tyempong hubad ito sa tuwing napapanood niya? Pero ganoon na nga ba kahalaga si Marcus para alamin pa ang mga ginagawa nito? She sighed heavily. Masyado na siyang nababahala sa presensya ng lalaki. Dapat siguro may gawin na talaga ako para mapaalis ko na sya dito. Ang mga naisip ni Sue para paalisin si Marcus ay hindi niya nagawa ng mga sumunod na araw. Dahil ang lalaki ay tinutumbasan ito ng pag-aasikaso sa kanya. Hinahatid siya sa trabaho gamit ang motor nito kaya nakakatipid na siya sa gas. Pagkagising niya, kakain na lang siya dahil nakapagluto na ito. At naglilinis rin ito ng apartment. Kabaliktaran ang dapat na nangyari. "Hi Sue, para daw ito sayo," nakangiting sabi ni Donnie dala ang isang tray na may lamang drinks. "Kanino galing?" tanong niya. "Asus, edi kanino pa?" sabay nguso ni Donnie sa direksyon ni Marcus na noo'y nakamasid din sa kanila. At di nga nakaligtas sa kanya ang pagkindat nito sa kanya. Isang hampas sa balikt naman ang natanggap niya kay Donnie. Hindi niya alam kung ano bang dapat na reaksyon ang gagawin niya pabalik kay Marcus. Pinili na lang niyang ibalik ang tingin sa drinks. Meron pa lang note sa ilalim niyon pagkuha niya sa drink. "To the most beautiful lady in black. Sabay ulit tayo umuwi," pagbasa iyon ni Donnie. Kilig na kilig ang bading. "Ang taray naman! Nakakainis ka alam mo yun?" Bago siya iniwanan nito ay nakatanggap pa siya ng isang hampas ulit galing dito. Mahina lang naman kaya hindi na niya pinatulan. Binalik niya ang tuon kay Marcus. Abala na iyon sa pag-mi-mix ng mga drinks at pag-entertain sa mga customers sa bar counter. Nangiti siya nang basahin ulit ang note. Ang totoo natutuwa siya. Pero may pumipigil sa kasiyahan na iyon. Napahawak siya sa dibdib niya. Nakuyom niya ang kamao. Nag-aalinlangan siya. Paano kung masaktan lang ulit siya? Kakayanin pa ba niya? Iyon ang mga gumugulo sa isip niya. "Ayaw mo ba?" Tumaas ang tuon niya sa lumapit. Si Marcus iyon. Kita niya ang pag-aalala sa mga mata nito. Gusto niyang sagutin ito ng pabalang pero hindi niya kaya. Sungitan ito gaya ng palagi niyang pakitungo dito. Pero hindi niya na kaya. Deadmahin at talikuran... Para tigilan na siya nito. Pero imposible. Kilala na niya ang lalaki. Gagawa at gagawa ito ng paraan para habulin siya, mapansin lang niya ito. Sa halip ay ininom niya ang binigay nitong drinks. One shot. At ibinalik sa kamay nito ang wine glass. "Masarap, salamat." matipid niyang sagot at iniwan na ito. Pagdating naman sa apartment ay inaalala at inaasikaso talaga siya nito. Masyado niyang in-under estimate ang cooking skills ni Marcus. Marami naman pala itong alam lutuin. At masasarap iyon. Laging puno rin ang refrigerator mula ng dumating ito hanggang ngayon. Natutuwa siya pero nandoon din ang pag aalala na baka masanay siya sa mga ginagawa nito sa kanya. "'Asan nga pala ang kapatid mo?" tanong niya. Nasa mesa sila, nag-aagahan. "So getting to know each other na ba tayo ngayon?" kabig na balik tanong naman ng lalaki sa kanya. "Okay lang naman kahit hindi mo sagutin." Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Pero kasunod niyon ay naramdaman niya ang pagpisil nito sa magkabilang pisngi niya. "Ito naman walang ka-humor humor sa katawan! Ang seryoso mo lagi." "Hindi ba? Alam mo namang hindi ako palabiro." "Oo na, Mabalik tayo kay Moira, may iba kasi siyang pinagkakaabalahan. Kaya mgkalayo kami." "Eh ang asawa mo?" hindi niya ito tinitigan. Sa kape siya nakatuon, humigop. "Asawa ko? Nandito sa harapan ko." Muntikan na niyang mabuga sa mukha ng lalaki ang iniinom na kape kung hindi niya napigil ang sarili. "A-Anong s-sabi mo?" tanong niya dito nito. "Mukha bang may asawa na ko? 21 lang ako no para sabihin ko sayo. Ikaw, ilang taon ka na ba?" "23." Naalala niya iyong lalaking dati niyang nakasama. Nasa 30 na iyon pero mas matikas pa si Marcus kahit 21 pa lang pala ito. "Eh yung ex mong binatilyo dyan sa kabila? Broken hearted pa ba ? Kamusta na siya?" "Okay lang sya. Hindi pa talaga siya pwede magka-girlfriend. Honor student yun, sagabal lang ang babae sa pag-aaral niya." "Talaga ba?" tumatawang sagot ni Marcus sa kanya. "Buti naman at naliwanagan ka na." "Para sabihin ko sayo, pagdating ng 18 ay pwede na ulit siyang makipagrelasyon. Hiling niya na ako ang unang babae na yun. Kaya nakakontrata na ko sa kanya." Pumayag siya sa kasunduan nila ni Joshua noon. Dahil natutuwa siya sa binatilyo. Marami itong naitulong sa kanya noong bagong lipat pa siya sa lugar na ito. "Eh paano ba yan, sakin ka na. Tayo na di ba?" Nasamid ulit siya. Hindi siya sanay sa pagkapossesive ni Marcus sa knya. "Di ka pa nga nanliligaw," bwelta naman niya dito. "Gusto mo ba na ligawan kita?" "Ha? Ah .. Eh d-di ba yun naman ang ginagawa ng mga lalaki? B-bago mapasagot ang babae? M-masyado kang atat!" "Sue," agaw atensyon nito sa kanya. "Tapatin mo nga ako, hindi ka pa nagkaka-boyfriend no? Yung seryoso na boyfriend?" Matapat niya itong sinagot. "Ayoko. Ako ang umiiwas." Napansin niya kaagad ang paglawak ng mga ngiti ng mokong bago muling sumubo ng sinangag. "Bakit nakangiti ka?" usisa niya. Mukhang may nglalaro yatang kung ano sa isip ng isang ito. "I'm just happy. Ibig sabihin iba ako, hindi mo ko kayang iwasan." Napailing na lang siya sa sinabi nito. Oo. Ang landi mo kasi. Lagi mong binabalandra yang katawan mo dito? Nakauwi na si Sue galing sa bar, pero wala pa din si Marcus. Nagsabi lang ito na gagabihin ng uwi. Kasalukuyan siyang nagpapalit ng damit nang may bigla na lang kumalabog sa bubong. Iba yata ang bigat ng kung ano man ang bumagsak, hindi pusa iyon. Minadali niya ang pagbibihis. Pero pagbukas niya ng pinto ay isang babaeng naka-school uniform ang bumungad sa kanya. Nakangiti ito sa kanya. Her grin was creepy. Ramdam niya iyon. Maya maya ay lumabas si Joshua sa kung saan, hindi niya namalayan na nasa harap niya na din ito. Nagpapagpag sa damit pambahay na suot nito. "Anong nangyari?" tanong niya kaagad. "Ah wala naman, may inakyat lang ako sa taas. Ang bilis mong nakababa ah, Leila!" tuon nito kag Leila. "Saan ka dumaan?" "Huwag mo ng alamin. Dito ba muna ako? " pagkasabi niyon ng dalaga ay walang pasintabi na pumasok kaagad iyon sa loob ng apartment niya. "Teka-" pigil ni Sue. "Sue," hatak naman ni Joshua sa kanya. "Si Leila nga pala yan. Classmate ko, close friend na rin. Pwede bang dito muna siya ngayong gabi?" "Bakit?" tanong kaagad niya. Nakaupo na si Leila sa sofa. Nililibot ang tingin sa buong sala. "Medyo magulo kasi ngayon ang girl's dormitory na tinutuluyan niya malapit sa school. Bukas pa kasi siya masusundo ng parents niya. Ayaw niya naman ng mag-stay sa dorm. Gusto daw niya dito sa amin. Eh ayaw ng Tita ko. Kaya baka pwede dito na lang muna siya? Sige na..." Pumayag siya. Hindi dahil sa nakiusap si Joshua. Kundi dahil may kailangan siyang malaman mismo sa babaeng ito. "Dito ka na lang sa sofa. Wala na kasi kaming extra pang kuwarto para sa bisita." paliwanag niya. Iniaabot ang kumot at ilang unan. "Nandoon pa sila sa dormitoryo," sagot nito sa kanya. "Baka mahuli ka kung hindi mo sila maaabutan?" "Ano? Sinong sinasabi mong sila?" Hindi niya maintindihan. "Diba isa ka sa tagatugis ng mga iyon? Ng mga halimaw?" Malawak pa ang ngiti nito. Kumpirmado, may kakaiba dito. "Sino kang talaga?" At hinarap sya sa salamin ng babae. Base sa awra nito ay kampon ito ni Dera. Ginamit lang ang katawan ng babae. "Magmadali kana. Pupunta sya." "Sino?" "Ang pinahahanap ko sayo..." Mukhang hawak ni Dera ang babaeng ito. O marahil si Dera itong nakikipag usap sa kanya. Nakuha niya ang sinabi nito. Mukhang ang Golden Beast nga ang tinutukoy niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD