LEI Mabilis ang pintig ng puso ko habang nakatitig ako sa isang malaking building sa harapan ko. Nagkamali yata ako ng desisyon na pumayag at sumama kay Kiko, mas mabuti pang bumalik na lang ako sa bahay at alagaan ko na lang si Evo. "Oh saan ka pupunta?" Pigil sa akin ni Kiko ng akmang tatalikod na ako pabalik sa kotse niya. "K-Kiks, uuwi na lang ako. Hindi ko kaya." Kinakabahan kong untag dito. Malakas lang ang loob ko kanina dahil sa na iinis ako kay Trevor sa hindi nito pag sipot kay Evo pero ngayong nandito na ako, naubos lahat ng lakas at tapang ko. Hindi ka talaga nag iisip ng mabuti, Lei. Sugod ka ng sugod kaya ano ka ngayon? Nagdurusa sa lahat ng kagagahang ginawa mo. "Lei, huwag kang ganiyan. Wala ng time oh. Malapit na mag simula at baka nga may mga bisita na sa loob." "P

