LEI "Evo!" Mabilis akong napabangon ng mapanaginipan ko si Evo. Hanggang ngayon, malinaw pa rin sa akin iyong aksidente at gabi gabi ako nito hindi pinapatulog. Napahilamos ako sa mukha ko at ramdam ko iyong sakit ng ulo ko at tila ba lalagnatin ako. Bigla akong napatingin sa paligid ng mapansin na pamilyar ang kwartong ito. Nanlaki ang mata ko ng mapagtanto kong kwarto namin ito ni Trevor, agad akong napabangon at iba na rin ang suot kong damit. Ang tanging huling naaalala ko ay umiiyak ako sa puntod ni Evo at parang batang nag susumbong sa kaniya. Nawalan yata ako ng malay pero hindi ko alam kung paano ako nakapunta rito. H-hindi kaya.. "Gising ka na pala. Sakto dala ko na itong pagkain mo." Agad akong napalingon kay Trevor na bitbit ang isang tray ng pagkain at kita ko pang umuus

