LEI Nagising ako mula sa liwanag na tumatama sa pisngi ko kasabay nun ay ang maingay na pag tunog ng alarm. Nagmamadali akong bumangon pero na gawa ko munang halikan at batiin ng good morning si Evo na siyang katabi ko sa pag tulog, i-ginayak ko lahat ng gagamitin sa pag pasok ni Evo at pagkatapos kong ihanda ang almusal ay kinikiliti ko itong ginising. "Captain Evo, wake up. Your passengers are waiting for you." "Five minutes, please." Napailing ako rito ng mag takip pa siya ng mukha, iyong five minutes niya ay siguradong magiging five hours pag hindi pa siya bumangon. Naawa man ako dahil sa pagod ito sa kalalaro kahapon ay kailangan niyang pumasok, ayoko kasing magaya sa akin si Evo na hanggang highschool lang ang na tapos though I know he can be a pilot someday like he wanted to be

