LEI "Trevor!" Habol hininga akong napabangon mula sa pagkakahiga at tagaktak din ang pawis ko. Parang totoo iyong panaginip ko, hinihila ng tubig sa akin si Trevor hanggang sa tuluyan na itong kainin ng dagat. Mabilis kong kinuha ang phone ko, kagabi ko pa ito chinarge hanggang sa nakatulugan ko na lang. Wala pa ring text na kahit na ano si Trevor at halos pasado alas-dyis na ng umaga at wala pa rin bakas ng isang Trevor Del Valle. Nagmamadali akong nag ayos at lumabas ng kwarto, nagtatakbo din ako papunta sa labas para tignan kung nandun na siya, babatiin ako ng good morning at kikindat pa siya habang pinupunasan iyong sasakyan. Pero bakit ganun? Mas lumakas ang kabog ng dibdib ko ng hindi ko mahagip kahit anino nito. Mahigpit akong napahawak sa cellphone ko at parang tangang naghih

