Zeke's Tumingin lang siya sa'kin. Blangkong tingin. Wala man lang akong makitang kahit anong emotion sa mata niya kaya unti-unti na akong kinabahan. Lumuwag na ang pagkakayakap ko sa kanya and I just stared at her nervously. "Amber?" I called. Do I have to worry now? Iiwan niya ba ako? "Let's go home." she plainly said. Tumalikod na siya sa'kin. That broke my heart into pieces, ang hapdi at ang bigat sa pakiramdam. Hindi niya ba kayang tanggapin 'yon? Ayaw na ba niya sakin dahil nalaman niya kung gaano ako kasama? Hindi na ba niya ako mahal? Sabagay, sino ba namang makakatanggap kaagad na yung taong kasama mo, may bahid na pala ng dugo ang mga kamay. Pinigilan ko ang maiyak. Hindi, mahal ako ni Amber. Mahal niya ako. Akin lang si Amber. Hindi rin naman ako makakapayag na iwan niya. If

