Zeke's "Okay. Anong kalokohan 'to?" Inaalalayan ako nina Monicka, Ivy, at Kuya sa paglalakad. Kanina lang ay basta na lang nila akong piniringan nang walang sinasabing dahilan. I kept asking but they won't just reveal it to me. "Basta, magugulat ka na lang!" sagot ni Monicka. Bakas ang excitement sa boses nito. "Guys, baka may galit kayo sa'kin tapos one of you will kill me, ah." I said in a humoring tone. I know they won't do it but I'm starting to wonder na kasi kung ano ba itong pakulo nila. May pa-blindfold pa. Hindi ko naman birthday so wala akong maisip na dahilan. "Kung papatayin ka namin edi sana kanina pa lang binaril na kita." Ivy answered sarcastically. "Kating-kati na nga akong patamaan ka ng bala, eh." Ang hard ng babaeng 'to kahit kailan. Ganyan talaga kapag may pinaghu

