"Ate halika kana, kakain na raw tayo sabi ni manang pacing" ani ni betchay kay samantha.
"salamat betchay pero hindi pa ako na gugutom".
"pero ate kanina kapa raw hindi kumain".
"hindi pa nga ako gutom, ano ba ang kukulit niyo!" inis niyang hinarap ito. Pero hindi ito na tinag sa kanyang pinakitang ugali bagkos na ngunot ang noo nitong naka tingin sa kanya at puno nang pag alala.
"teka ate umiiyak kaba?" at mabilis itong lumapit sa kanya. Dahil sa ginawa nitong pag alala mas lalo siyang napa iyak. Hindi niya alam kong bakit naging oa siya ngayon.
"ate ok kalang ba, may masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong nito.
"betchay ano ba, tama nang pag alala dahil sa ginawa mo mas lalo akong napaiyak" pag papout niya.
"sorry ate nag alala lang kasi ako sayo" at agad itong napa kamot sa ulo.
"segi na betchay ok lang ako dito, kumain na kayo doon" at agad siyang sumalpak sa kanyang kama. Walang na gawa si betchay kahit anong pilit niya ay hindi talaga ito kakain. Tinawagan niya ang kanyang tito lemuel para ipa alam ang mga nangyayari. Dahil yon ang bilin nang kanyang tito na ireport ang lahat-lahat kapag wala ito sa mansyon.
_______,
"oh betchay na saan si senyorita Samantha?" taka nitong tanong nang makita siya nitong nag iisa parin siyang bumalik sa kusina.
"hindi raw siya gutom manang, medyo na galit pa nga eh sa akin nong kinukulit ko para kumain" pag paliwanag niya.
"ito talagang batang to, alam na ngang dalawa sila ang na gugutom, ayaw paring kumain".usal ni manang pacing na medyo na nawalan na nang pasinsya.
Maya't maya pa ai narinig nila ang sasakyan ni lemuel.
"haist salamat, andito na ang sagot" ani ni manang pacing na dali-daling pumunta sa labas para salubungin si lemuel. Kahit nag tataka ay napa sunod nalang si betchay dito.
Nang makita ni manang pacing si llemuel na kaka baba palang nito sa kotse nito ay agad nitong nilapitan ang binata. "lemuel pwede ba tayong mag usap?"
"sure manang, tungkol saan ba?" habang nag lakad sila papasok sa loob nang mansyon. Tumingin ito sa gawi ni betchay at agad namang na hulaan ni lemuel. Kaya kanyang pina una si betchay sa kusina para maka pag usap sila ni manang pacing nang maayos.
"sorry lemuel, hihingi sana ako nang pabor sayo, ikaw kasi yong pinag lihian ni senyorita samantha, kanina pa yang umaga nag hahanap sayo. Na dismaya nga siya nong hindi ka bumaba para mag pakita nong hinatid mo si betchay kanina".
"sorry talaga lemuel alam kong parang labag ito sa iyong kalooban dahil ikaw ang pinaghinaan ni senyorita pero hindi ikaw ang am-".
"stop right there manang!" pigil niya dito sa iba pang sasabihin sana nito.
"lemuel please, nakikiusap ako para lang sa bata, parang awa muna". pakiusap nito sa kanya.
"ok, don't worry manang I'll do it". nakita niyang nag liwanag ang mukha nito.
"salamat talaga lemuel, alam kong mabait ka parin sa kabila nang iyong pinakita na hindi maganda" ngiti nito sa kanya.
"ok na manang umalis kana baka mag bago pa ang isip ko" biro niya dito, pero agad naman itong tumalima sa kanyang sinabi.
Agad niyang pinuntahan si samantha sa kwarto nito dahil kanina pa raw hindi ito kumakain ani ni betchay sa kanya.
______,
Naramdaman ni samantha na medyo sumasakit ang kanyang tiyan. Hindi naman siya gutom pero bakit sumasakit ito. At yong muysit niyang mga luha ayaw paring tumigil sa kakaiyak. Hindi niya alam kong bakit panay tulo nito tuwing ma alala niya na hindi nag pakita si lemuel sa kanya kanina.
"talagang ayaw mo pang bumangon diyan para kumain" napa lingun si samantha sa pinto nang marinig niya ang baritonong boses ni lemuel. Nakita niya itong naka hilig ang balikat nito sa may pinto.
"lemuel?" usal niya dito. Hindi na napigilan ni samantha ang kanyang sarili nang makita niya ito at agad siyang napa talon sa kanyang kama para salubungin ito nang yakap.
Napatanga si lemuel sa ginawa nito sa kanya nang yakapin siya nito. Hindi agad siya naka galaw at lihim siyang napa ngiti. Ganito pala kapag ikaw ang pinaglihian biglang mapa sweet sayo.
Nabigla rin si samantha sa kanyang ginawa kaya agad siyang kumalas dito sa pagkakayakap.
"sorry" nahihiyang bumalik siya sa kanyang kama.
"what the! Samantha!" inis ni lemuel dito nang bumalik ito sa kama.
Walang sabi-sabing binuhat niya si samantha para dalhin sa kusina. Kong ganito lagi ang ugali nito ay kaya niyang tiisin ito.
"ano ba lemuel ibaba mo ako" pag sisigaw nito sa kanya.
"ano titigil kaba o hahalikan kita" pag babanta niya dito na agad naman itong tumigil at napa kagat ito sa labi.
"oh! s**t! stop act like that samantha!" pag pipigil niya sa kanyang sarili na mahalikan ito nang tuluyan dahil sa ginawa nitong kagatin ang ibabang labi nito.
"what did i do?" inosenteng tanong nito at agad itong napa titig sa kanya.
Hindi na maka tingin si lemuel kay samantha dahil medyo na asiwa siya sa mga titig nito. Nilakihan niya ang kanyang paghakbang habang buhat-buhat niya ito para makarating agad sila sa kusina.
"Aiisst ang pangit mo talaga lemuel!" galit nitong sambit sa kanya. Sakto namang nakarating na sila sa may kusina kaya narinig nila betchay at manang pacing ang sinabi nito kaya napahalakhak ang dalawa.
"damn you samantha!" mura nalang niya dito at agad niya itong binaba at inalalayan pa upo sa upuan na katabi niya. Pero mabilis itong tumayo at pinili nitong umupo sa harap niya.
Habang kumakain sila ay hindi mapakali si lemuel dahil hindi siya makakain nang maayos dahil laging may nakatitig sa kanya. Tumikhim muna siya bago siya tumingin sa kanyang kaharap.
"ano ba yan lemuel bakit ang pangit, pangit mo" pag mamaktol nito at umupo ito sa di kalayuan nila.
"hahaha, bakit ba talaga tito ang pangit mo" pang aasar ni betchay sa kanya.
"shut up betchay, kumain kana lang diyan". sita niya sa kanyang pamangkin.
At tumatawa lang ito bilang tugon sa kanya.
Naiirita si lemuel kapag pinansin niya itong naka titig sa kanya agad siyang pagsabihan na ang pangit niya. Hindi niya alam kong dala ba ito sa pag bubuntis nito o talagang inaasar siya nito. Hindi ma iwasan ni lemuel na medyo masaktan sa mga pinagsasabi ni samantha sa kanya.