HENNY “Henny… where are you going?” Dalawang araw pagtapos ng nangyari kina Yunari at Carlo, lilipat na ako sa susunod kong target. I am a little bit in a rush to finish all these so two days were enough to savor my victory. Yunari Chang didn’t stand a chance against the media. Yup. Nag-eskandalo silang mag-asawa sa harap ng building, nag-viral, at ayan… kilala na siya bilang ang malánding babae na nanloko ng mabait niyang asawa. I don’t know why Arthur didn’t get dragged into that mess. Maybe he had the chance to slap money on people’s wrists. Pero mabuti na rin dahil ‘di siya p’wedeng mag-ingat, marami pa siyang dapat harapin. Arthur learned about the incident, heck, he was pissing his pants when we heard it. Kitang-kita ko ang takot sa mukha niya habang nanonood ng morning news.

