Briella's Pov
.
.
.
Nandito nga kami sa isang convenience store nag aantay sa tatlo pa naming kaibigan. Sasamahan nga pala namin si Zyra sa pag hahanap ng apartment marami namang mura dito tulad ng pangstudent or small family na apartment hindi sya bedspace. Gusto kasi ni Zyra yung may kalakihan daw o kahit may isang kwarto.
.
.
.
"be, may pera ka dyan, alam ko kasi may downpayment at advance kapag kukuha ng apartment eh."- tanong ko sa kaibigan ko.
"meron naman akong kunting naipon, tsaka sumahod na naman ako noong nakaraang araw at pinabaonan ako ni tita ng kaunting pera para daw sa apartment. Hindi alam ni auntie yun."- sabi nya sakin.
"oh be, dagdag mo na jan sa ipon mo. Kunting tulong lang ito pang gastos mo araw araw, or pambili mo nang pagkain," alok ni ko habang inabot ang isang envelope na laman ay pera.
"be, hindi ko yan matatanggap. Yung pag welcome nyo lang sakin kagabi ay ok na yun tsaka sapat na siguro tong pera na naipon ko." - tanggi naman nya.
"hindi be, para sayo talaga to. Tatlo kami nila mama at papa jan. Kunting halaga lang naman to" - sabi ko naman sa kanya at tinanggap nya naman ito.
"sige be, tatanggapin ko ito pero babayaran ko to pag nakaluwag luwag na ako" - sagot naman nya sakin.
"maraming salamat sa inyo be huh, kundi dahil sa inyo hindi ko na alam kung saan ako pupulotin nga yon" - dagdag pa nya
"wala yun be, basta nandito lang kami palagi kapag may kailangan ka",.
"Nga pala na asan na ba yung mga yun, ang tagal naman nila" - basag ko sa pag uusap namin kanina.
"oo nga pala, wait lang chat ko muna ko sila" - sabi nya sakin.
"malapit na daw sila" dagdag pa niya.
Zyra's Pov
.
.
.
Nandito na nga sila Kate, Ella, Ashley at Jean ay agad naman kaming umalis kaagad upang maghanap ng apartment. Sa unang tiningnan nga namin ay hindi ako umayon dahil medyo nakakatakot ang loob nito, sa pangalawa ay strikto naman ang may ari at bawal ang may bisita. At sa pangatlo naman ay dito na ako sumang ayon. Medyo maluwag sya at maganda naman at sa tapat nito ay may isang malaking bahay na sobrang ganda. Ang yaman siguro nang nakatira jan.
"so sure ka na ba dito be? - tanong sakin ni ella.
" oo be, maganda naman at hindi strikto kaya pwede kayo dito anytime"-sagot ko naman.
"so pwede tayo dito magwal walan? - pabirong tanong ni Ashley sakin.
"ahm, depende, kayo lang naman yung mahilig uminom eh."- sagot ko naman sa kanya.
"kaya mo ba yung monthly be, 4k din kasi" - tanong din sakin ni Jean.
"kakayanin be, para sa future ko, tsaka siguro pag pasokan titigilan na ako sa pagiging crew at mag aapply nalang ako bilang isang call center agent yung pang home besed lang. Alam ko meron yun ganun eh" - sagot ko naman sa kanya.
"ayy oo be, recommend kita sa company namin, ang alam ko kasi maghahire sila ng home based eh, 3-5 hours daw, pada daw yun sa mga full time mom at tulad mo na working student, kaya pwedeng pwede ka dun. - alok naman sakin ni Ella dahil isa syang Call center agent.
Titigil muna daw sya ng dalawang taon sa pag-aaral hanggat makapag tapos ng yung kuya nya sa kolihiyo at sya naman daw ang susunod. Para din daw makatulong sya sa parents sa pang araw araw nila gastos.
"sge be, chat mo ako agad hah para makapag handa ako sa interview, - agad kong sabi sa kanya.
.
.
Nagbayad na nga ako sa Landlord ng 1 month deposit at 1 month advance umuwi narin ang mga kaibigan ko dahil mag gagabi na. Nakuha ko na din ang mga gamit ko kila Briella. Buti nalang at may higaan na ang napili kong apartment at may rice cooker at super kalan na ako. May mga gamit na din ako sa pagluto at mga kubyertos.sa ganun ay kunti nalang ang bibilhin kong gamit.
Naglalakad ako para bibili ng lutong ulam at kanin para hindi na ako magluluto.
Habang binibilang ko yung barya na dala ko ay may nabangga akong isang lalaki.
"anu bayan, hindi ka man lan tumitingin sa dinadaanan mo."- batid ng lalaki na nakabangga ko.
"sorry po" - tanging naisagot ko lamg sa kanya.
Patuloy lang sa paglalakad ang lalaki na nakabangga ko habang pinupulot ko ang mga barya na nahulog. Pagtingin ko sa likod ay nakapasok na sya sa gate ng malaking bahay mukhang mansion ata ito, yung harap ng apartment na tinitirhan ko.
.
.
.
.
NEXT CHAPTER