Chapter 92 Chantal’s Pov NAKAUWI na ang mahal kong langga at talagang sinundo niya ako sa bahay nila Jesirey. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang nangyari sa kanyang masama. Umuwi na kami sa bahay niya na magkahawak kamay. Pasipol sipol pa siya kaya hindi ko alam kung anong nangyari sa lakad nila. “Mukhang masaya ka yata..” sabi ko dahil panay ang sipol niya. “Syempre, sino ba namang hindi magiging masaya kung sa pag uwi ko ay ang mahal ko ang makikita ko. Nakakawala kaya ng pagod ang ganda mo.” Saad niya kaya napangiti ako at uminit ang pisngi ko. Hindi man lang siya nagsabi na babanat siya. Pinipigilan ko tuloy ngumiti at kiligin. Kinagat ko ang ibaba kong labi pero wala eh, napapangiti ako at kinikilig. “Sus.. pinipigilan pa talaga niya ang ngiti niya. Ipakita mo na kas

