Chapter 16 Chantal’s Pov IKINABIT ANG aircon at lahat ng gumastos ay si Honey. Nakahanap kasi agad si ate Mel ng gagawa at bayaran nalang daw namin. May utang na loob na naman tuloy ako kay Honey. Ang dami na talaga kaya gusto ko ng mag withdraw ng pera. “Ayos na ba ang pagkakakabit ng aircon mo?” Tanong ni Honey sa ‘kin. “Oo, okay naman yata siya.” Sagot ko na para bang nagdadalawang isip. “Bakit parang hindi ka sigurado. Patingin nga ako.” Sabi niya at walang sabi-sabing pumasok sa loob ng apartment ko. Bigla akong nahiya dahil bagong bihis pa naman ako at ang damit ba pinaghubaran ko pati ang panty na hinubad ko ay pinatong ko lang sa upuan. Naka usli pa naman ang panty ko kaya kitang kita talaga. Pasaway naman kasi.. bigla-bigla na lang pumapasok sa loob ng apartment ko.

