Kasalukuyan siyang nasa kanyang hardware ng may biglang pumaradang magandang sasakyan sa harap nila. Mukhang mayaman ang may ari at talagang masasabi mong miyembro ng elite family. Bumukas ang driver side at binuksan naman nito ang passenger door. Malawak na ngiti ng hindi niya inaasahang panauhin ang bumungad doon. Inabala niya na lamang ang kanyang sarili. Wala siyang panahon sa mga mayayabang na tao. Balita niya sikat na ito. At ngayon hindi niya alam kung bakit ito narito sa kanyang shop. Sa naalala niya hindi sila close for him to visit his place. “Good morning, Austin!” “Hindi maganda ang araw ko nang dumating ka. Ano'ng kailangan mo na naman, Pacifico?” “Wala naman, binibisita lang ang kaibigan ko. Kumusta ka? Balita ko, wala na si Nimfa sa bahay mo? Ano feeling ng pagig

