Another Chance for Love Chapter 17

1500 Words
"Veronica anong ginagawa mo dito?" iritableng tanong ni Ace. "hindi ka nasagot sa tawag ko e. nung Fan Signing hindi mo man lang ako pinansin" tugon nito habang naka nguso na tila nagpapa cute sa binata. "what do you want? hindi ka na dapat pumumpunta pa rito" mariing sabi ni Ace habang nasa baywang ang isang kamay at ang isa naman ay nakaturo sa pintuan na nagsasabing makakaalis na sya. "ikaw naman oh, na- miss kita. hindi mo ba ako na miss?" may pang-aakit na tanong nito habang nakasubo ang hintuturong daliri sa kanyang bibig at ipinulupot pa ang isang braso sa baywang ng binata. "pwede ba Veronica tigil- tigilan mo nga ako!"galit at iritable pa rin na sabi ni Ace sabay tulak dito. "ito naman hindi mabiro. Meron ka na palang girlfriend kaya hindi mo na ako pinapansin. samantalang dati muntik ka ng bumigay sakin diba?" natatawang sabi ni Veronica na halatang inaasar talaga ang binata. "Veronica, lasing ako nun. ikaw ang nag take advantage sa'kin kaya pwede ba don't dare bring it up again!" tugon nito habang matalim na nakatingin sa kanya "okay, okay chill, natatakot ka ba na madatnan ako dito ng girlfriend mo?" nakangiting tanong nito na may pang- asar sa tono "one more word and I will drag you out!" mariing sambit ni Ace. matalim ang tingin at akmang hihilahin na nito ang babae para palabasin pero ito na ang kusang umalis. "you may not love me now, but you will!" sambit sa isip ni Veronica sabay irap at tuluyan ng umalis sa condo ng binata. Malayang nakakapunta si Veronica sa condo unit ni Ace dahil dito sila nagpa practice ng kanta at nagco- compose noong magkasama pa sila sa banda. Pero iba na ngayon dahil meron na syang girlfriend at baka pagmulan pa ito ng kanilang hindi pagkakaintindihan. At isa pa, solo artist na sya kaya wala na syang dahilan para pumunta pa rito. Abala si Gabbie sa trabaho ng mag ring ang kanyang cellphone. Agad naman nya itong sinagot ng rumehistro ang pangalan ng kaibigang si Nicholos a screen. “oh bakit ka napatawag? nasa office pa ako” wika ni Gabbie “kita tayo mamaya. Same time and restaurant” pagkasabi nito ay agad ng ibinaba ni Nicholo ang tawag. Takang taka naman ang dalaga kung bakit sya iniimbitahan ng kaibigan dahil wala naman syang maalalang espesyal na okasyon ngayong araw. Pagkatapos ng office hours ay dali daling umuwi si Gabbie para makapag palit ng damit. Ayaw nyang pumunta sa restaurant ng naka office uniform dahil isa ito sa kilalang restaurant at ayaw naman nyang pag tinginan sya ng mga tao doon lalo na at hindi basta basta ang kasama nyang si Nicholo. Isa ito sa kilalang Bachelor na taga pagmana ng kanilang family business. Nagsuot lamang si Gabbie ng backless dress na itim at kumikinang kinang ito. “hooy Gabbie hindi naman date ang pupuntahan mo bakit naman bonggang bongga ang suot?” sigaw ng kanyang isipan. “oo nga no bakit nga ba ito suot ko naku baka mag selos na naman si Ace pag nakitang ganito ang suot ko” sagot naman ng sarili nya. “eh kase high end yung restau, alangan namang mag mukha akong basahan don diba?” pag depensa ng isipan nya. Pagkarating nya sa restaurant ay agad na umorder si Nicholo ng pagkain. Habang naghihintay silang i- served ito ay agad na binasag ni Nicholo ang katahimkang namamagitan sa kanilang dalawa. “wala akong tiwala kay Ace Gab” walang emosyong sabi nito. “teka nga, kaya mo ba ko inimbitahan dito ay para lang sabihin 'yan?” tanong ni Gabbie “hindi naman, gusto rin kitang makita at ibigay ito” sabay abot sa kanya ng isang pahabang itm na box. “go- gold neckalace?” nanlalaki ang matang saad ni Gabbie ng buksan nya ito. “alam mong hindi ko yan matatanggap Nick. Okay na ‘ko sa mga pasalubong mong chocolate tsaka ang mahal nyan ha? Baka sabihin ng mga tao yan lang habol ko sayo kaya kita kinakaibigan” dugsong nito sabay abot pabalik sa binata. “ano ka ba? tanggapin mo na yan. Isipin mo na lang token of appreciation” nakangiting sabi nito sabay kindat at kinuha ang kamay ng dalaga upang ilagay ang box dito. Litaw na litaw naman ang pantay pantay at mapuputing ngipin ng Binata. “ikaw talaga, wag mo na “tong uulitin ha? Alam mo naman na ayaw kong tatanggap ng mga materyal na bagay mula sa inyo ni Louise” malumanay na sabi ni Gabbie sa kaibigan. Kibit balikat lamang ang tanging naisagot sa kanya ng binata. Habang kumakain ang dalawa ay nagkaroon ng sauce ang ibabang bahagi ng labi ni Gabbie ng hindi nya namamalayan kaya naman agad itong sinabi sa kanya ni Nicholo. "you have a little a---- sauce" sabi ng binata habang isinesenyas kung nasaang banda ng labi nya ang sauce. Bago pa man mapunasan ni Gabbie ang kanyang labi ay pinunasan na ito ni Nicholo gamit ang kanyang hinlalaking daliri. Nabigla naman si Gabbie sa ginawa nito. "ahm thanks Nick, hindi mo na yan kailangan gawin, alam mo naman diba?" malumanay na sabi ni Gabbie sa binata. Tinutukoy nito na hindi na dapat gawin iyon sa kanya ni Nicholo dahil meron na syang kasintahan kahit pa sanay na sya na ganito sa kanila ni Louise ang kaibigan ay hindi maiiwasan na pagselosan ito ni Ace. Akma namang susubuan ni Nicholo ang dalaga ng biglang dumating si Ace. "babe, what are you doing here? taas kilay na tanong ni Ace kay Gabbie. "ahm" hindi na naituloy ni Gabbie ang sasabihin dahil si Nicholo na ang sumagot dito. "I invited her to join me" walang emosyong sabi nito sa kasintahan ng dalaga. "nakakain na kayo diba? let's go babe" nakatiim bagang na sabi ni Ace sabay hila sa kamay ng kasintahan. Agad namang nahawakan ni Nicholo ang braso nito kaya napahinto ang mga ito sa paglakad. "hey! let go!" tiim bagang pa rin na sabi ni Ace. Dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao ay napilitan ito na bitawan si Gabbie. Pagkasakay nila ng kotse ay agad na siniil ng halik ni Ace ang dalaga. Mainit, mapusok at marahas ang paghalik na iyon ng binata na animoy gustong parusahan ito. Walang nagawa si Gabbie kundi ang magpatianod sa ginagawa ng binata dahil parang hinihigop nito ang lahat ng lakas at pag kontra sa kanyang katawan. "Babe what do you think you're doing?" madilim ang mukhang tanong ni Ace kay Gabbie matapos itong halikan. "kaladkarin ka ba? isang tawag lang sayo pupunta ka?" dugsong nito. Isang matunog na sampal naman ang dumapo sa pisngi ng binata. Napahawak naman si Ace sa pisnging sinampal ni Gabbie sabay lapit ng mukha nito at deretso ang tingin. napalunok naman si Gabbie dahil nakatambad sa kanya ang gwapong mukha ng binata at animoy may kuryenteng nanalaytay sa kanyang buong katawan. "yan ba talaga ang tingin mo sa'kin? Kaibigan ko yun! what's wrong with that? Gusto lang ng kasama nung tao at isa pa sinabihan ko na rin sya na 'wag na nyang uulitin yung ginawa nya dahil may magseselos na" napapangiting sabi ni Gabbie dito habang nakatingin sa mata ng binata. Expressive eyes ang mata nito kaya kitang kita ni Gabbie ang selos na nararamdaman ng kanyang kasintahan. "so laging ikaw ang gusto nyang kasama? Babe sabi ko naman sayo hindi kaibigan ang tingin sa'yo ng lalaking 'yon, hindi mo ba ako naiintindihan?" kunot noo at tiim bagang na saad ng binata habang nakalapit pa rin ang mukha nya sa mukha ni Gabbie. "ayoko ng maulit 'to babe!" saad ni Ace at umayos na ng upo. "so, you want me to cut off Nicholo? alam mo naman diba? may asawa na si Louise eh di natural ako na lang ang pwede nyang tawagan" saad ni Gabbie "if that's possible, why not? ikaw na ang nagsabi may asawa na si Louise at may boyfriend ka na! kung gusto nynag kumain eh di kumain syang mag- isa diba?! Ayaw kong mawala ka sa'kin dahil mahal na mahal kita kaya ganito ako sa'yo" mahabang saad ni Ace habang hawak ang kamay ni Gabbie at panaka nakang pinipisil iyon. "kung mahal mo 'ko magtitiwala ka sa'kin" nakairap na sabi ng dalaga. Naiinis sya dahil pakiramdam nya ay walang tiwala sa kanya ang kasintahan. "kung ako ba yung makita mong may kasama tas susubuan ako ng pagkain, matutuwa ka ba? kahit pa sabihing kaibigan! " madalim ang mukhang sabi ni Ace dito. May point naman si Ace pero hindi naman ibang tao si Nicholo. Kaibigan nya ito mula pagkabata kaya sanay na sya sa ganung kilos nito. "ayaw kong pagmulan ito ng hindi natin pagkakaintindihan babe" malumanay na sabi ng binata at hawak pa rin ang kamay nya. "babe, mag kaibigan lang kami" saad naman ni Gabbie sabay halik sa pisngi ng binata. "you'll never understand me" iiling- iling na sabi ng binata at tuluyan ng pinaandar ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD